Chapter 24. Nal Saranghajima..

294 31 7
                                    

Mimo's POV

Waaaah nakakainis -___-

Mag-isa na ko dito sa bahay ngayon, ayaw ni Grey oppa at ng ibang oppa na sumama ako dahil kaylangan ko daw magpahinga. Kung pwede ko lang sabihin na wala akong kahit anong nararamdaman ay nagawa ko na para lang payagan nya akong sumama. Kaso malalaman nilang kakaiba akong nilalang.

Ilang oras ang lumipas na nakatunganga lamang ako, kinakausap ang asong si Momo, ang hangin, maging ang pader ay kinakausap ko na din. Mababaliw na ata ako -_-

Napatingin ako nang biglang bumukas ang pinto. At nakita ko si Guel oppa O-O

"Guel oppa! Bakit ka umuwi? Tapos na ba ang trabaho mo?" - sabi ko at lumapit ako sa kanya, hindi sya sumagot, malamig ang mga mata nya, kahit hindi nya ako tiningnan ay kita ko iyon,

May problema ba sya ngayon? Wala naman akong natatandaan na may nagawa o nasabi ako sa kanya na masama.

"Sa palagay ko ay pagod ka at hindi maganda ang araw mo." - sabi ko na lamang at pinagmasdan ko sya habang naglalakad papunta sa kwarto nila sa itaas.
Napapaisip tuloy ako sa iniaasta ni Guel oppa. Hindi naman sya ganoon. Nakakatakot sya at parang mananakit sya anumang oras nya gusto.

Maya-maya pa ay bumaba na ng kwarto si Guel oppa at may dalang isang malaking bag,

"Oppa? Saan ka pupunta? Bakit may dala kang malaking bag? Maglalayas ka na ba? Pupunta ka ba sa malayo?" - sunud-sunod na tanong ko pero mukhang lalampasan na naman nya ako kaya hinawakan ko sya sa dulo ng damit nya, napatigil sya at tinignan ang kamay ko,

Napabitaw naman ako sabay napalunok ako ng laway. Sa palagay ko ay dapat na akong tumakbo ngayon, nababalutan sya ng napakaitim na aura.

"Ano bang pakialam mo?" - tanong nya, nagulat ako sa sinabi nyang yon,

"Hindi ba...ako ang iyong...P.A.?" - sabi ko,

"Simula ngayon, hindi na kita P.A. Siguro naman, hindi mo na ako papakialaman no?" -sabi nya,

"Teka..bakit mo ba ginagawa ito?" - hindi ko na napigilan ang sarili ko at naitanong ko ang bagay na yon, pero imbis na sumagot sya ay tinalikuran na naman nya ako, kaya pinigilan ko ulit sya,

Hinawakan ko ang kaliwang braso nya gamit ang kanan kong kamay, bigla syang humarap sa akin at hinawakan nya ang magkabila kong braso gamit ang magkabila nyang kamay at itinulak nya ako sa pader, masyadong malakas ang pagakakahawak nya sa braso ko

Natatakot ako sa kanya sa mga sandaling ito. Ang mata nya, nawala na ang mala-anghel nyang mga mata.

"Sa tanang buhay ko, ngayon pa lang ako nag-confess sa isang babae. I didn't know it feels to be rejected. But then, you made me feel it. I feel like dying." - sabi nya,

Ayan na naman sya sa pag-iingles nya, hindi ko na naman maintindihan.

"Don't ever try to stop me from leaving, if you did, I might stay and get you even if you don't want." - sabi nya,

Sobrang lapit na ng kanyang mukha sa aking mukha, sa tingin ko ay naduduling na ako, lalo pa syang lumapit at mukhang...mukhang balak nya akong...halikan...

Ganito ang mga eksenang nakikita ko sa TV. Waaah anong gagawin ko? Nakakatakot sya ngayon. Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin!

Konti na lang ay didikit na ang labi nya sa labi ko, kaya pumikit na lamang ako ng mariin. Ang taong kaharap ko ngayon ay hindi ang anghel na si Guel. Hindi ko ito kilala.

Ayokong mag-isip ng masama at magpumiglas, natatakot akong masaktan sya kung sakaling mawalan ako ng kontrol sa aking mahika. Inantay ko na lamang na dumikit ang kanyang labi sa aking labi,

Pero sa halip na sa labi ko dumikit ang kanyang labi...naramdaman ko ang pagdikit nito sa aking noo. Agad akong napamulat at naramdaman kong nawala ang mga kamay nyang nakahawak ng mahigpit sa aking braso. Wala ni isang salita ay tumalikod na sya at naglakad na paalis. Hindi ako nagkakamali sa nakita ko..

Ang kanyang mga mata...mayroong tumulong luha mula sa kanyang mga mata. 

Hindi ko alam kung bakit sya nagkakaganun

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hindi ko alam kung bakit sya nagkakaganun. Kitang-kita ko sa mga mata nya na sya ay malungkot. Bakit kaya? Wala akong sinasabi o ginagawang masama diba? Wala akong kasalanan diba? Siguro ay mayroon lamang syang problema sa ngayon.

_______________________________________________________________________________________________________________

Waaaah nahihirapan na po ako mag-isip ng scenes. Okay lang po ba? Waaah I'm sorry talaga guys, I feel like trying hard na TT______TT Anyways, sana po ay nagustuhan nyo pa din kahit maikli yung update. Thank you for reading :)

Annyeong ^^

The Moon and the StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon