Chapter 14. Listen to Me...I want to live.

367 36 2
                                    

Harold's POV

"Hoy mga jokla! May alam akong gimikan, sobrang daming chikkababes dun!" - masiglang sabi ni Hans,

"Ano ba yan, ang aga-aga yan agad ang nasa isip mo." - sabi ni Shane,

"Hindi ka pa ba nadadala sa punishment natin?" - sabi ni hyung,

"Safe tayo dun. Tagong-tago. Tsaka boring kaya, wala man lang tayong schedule ngayong araw. Tsk. Nawalan pa ng pasok. Di ko masisilayan yung mga sexy nating prof." - sabi ni Hans,

"Kahit kelan napaka-manyak mo talaga hyung!" - sabi ni Sam,

"Aba bakit, tunay naman eh." - sabi ni Hans,

"Oh ano, sama kayo?" - tanong pa ni Hans,

"Game ako! Basta sagot mo pag sumabit tayo." - sabi ni Daniel,

"Bahala kayo. Sasama ako para bantayan kayo. Baka kung anong gawin nyo eh." - sabi ni hyung, sya leader na hindi sobrang KJ, yun nga lang OA sya mag-isip, tsaka nerbyoso hahahaha

"Sige na nga, sama na din ako." - si Shane,

"Oo nga. Boring dito eh." - Sam,

"Ikaw Harold?" - tanong sakin ni Hans,

"Pass muna ako. Wala ako sa mood eh." - sabi ko, ang totoo kasi tinatamad ako, tsaka parang medyo natauhan ako sa nagyare nung last time,

"Aba himala ata." - Shane,

"Sira ulo ka." - ako,

"Ikaw Guel? Baka gusto mo?" - tanong ni hyung, as usual sya lang naman nakakaalala sa outcast na yun eh,

"Ahh..ako? May appointment ako para dun sa mini drama ko eh." - edi sya na nga tong kaliwa't-kanan ang projects, hindi ko alam kung bakit mas lalong naging nakakairita ang presensya nya, naiinis ako lalo sa kanya.

Maya-maya pa, naghanda na yung mga members sa pupuntahan nila.

"Paalam! Mag-iingat kayo! Ibili nyo ako ng pasalubong ha! Paalam!" - sabi ni Hell na engot, nakakairita sya, yung boses nya nakairita din,

Nung nakaalis na yung iba, ang naiwan na lang ay ako at si Hell na engot.

Wala kaming pasok ngayon, may Faculty Development daw kasi eh. Malay ko ba kung anong meron dun.

"Hoy ikaw, engot na babae!" - tawag ko sa kanya at tumingin sya sakin,

"Oh bakit?" - sabi nya, pansin ko nagiging feeling close na to sakin,

"Maglinis ka ng bahay ngayon. Lahat ng kwarto, pati kurtina paltan mo." - sabi ko sa kanya,

"Opo, Sir!" - sabi nya, may pagsaludo pang nalalaman, engot nya talaga kahit kelan,

Nagsimula na syang maglinis, una nyang nilinis ay yung sala. Pinunasan nya yung mga iba-ibabaw. Mukha syang engot talaga kasi ngiting-ngiti sya eh.

Naalala ko naman yung invention namin kuno. Yun yung project na ginawa namin, isa syang wireless CCTV camera. Pwede syang i-connect sa cellphone o PC gamit ang bluetooth. Astig no? Madami pa tong ibang features. Pinauwi to sakin ni Grace, yung leader namin sa group. Ingatan ko daw at majojombag nya daw ako pag nasira to. Kinuha ko yun at binuksan ko yung box. Aha! May naisip ako. Bright idea! Hahaha!

...

Mimo's POV

Pano ba yan? Pinapabood ni Harold sungit ang paglilinis ko, pano ko magagamit ang aking mahika? Tsk.

May kinuhang kahon si Harold, may inilabas syang kung ano mula sa box na yun. Dahil hindi ko naman alam kung ano yun, hindi ko na pinansin. Ipinagpatuloy ko na lang ang paglilinis ko. Pagtapos ay napansin kong pumasok sa kusina si Harold, siguro tutulungan nya akong maglinis hihihi.

The Moon and the StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon