Harold's POV
Nakatitig ako sa mukha nya. Sa oras na to, hindi ko makita ang kaengotan nya, hindi ko din nakikita na mukha syang multo at creepy. Ang nakikita ko ngayon ay ang maamo at inosente nyang mukha. Sa hindi ko malamang dahilan..gusto ko syang alagaan at protektahan.
Piniga ko yung bimpo sa planggana na may tubig. Nung natumba sya, nahawakan ko yung noo nya at nalaman ko kung gaano yun kainit. May lagnat sya. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya. Isa pa...hindi ko alam kung ano ba talaga sya. But it doesn't really matter for me. Kung totoo nga...pagtapos ng 45 days, mamamatay na sya.
Gusto kong mabuhay...nang masaya.
Naalala ko na naman ang sinabi nya. Ipinatong ko sa noo nya yung face towel. Tapos bigla syang gumalaw. Siguro magigising na sya.
Mumulat yung mata nya nang konti. Saka sya tuluyang nagising.
"A-anong...nangyari?" - sabi nya,
"Matulog ka pa dyan. May lagnat ka." - sabi ko,
"Lagnat?" - sabi nya tapos hinawakan nya yung noo nya,
"Ahh! Oo nga! Ang init!" - sabi nya, napangiti naman ako,
"Teka, naglilinis ako nun. Tapos...oo nga! Teka..hindi pa ako nakakapagpalit ng kurtina!" - sabi nya tapos parang babangon, itinulak ko lang yung noo nya,
"Sinabi nang matulog ka lang dyan eh!" - sabi ko tapos ngumuso sya, mahilig syang mag-pout. And to be honest, ang cute nya pag ginagawa nya yun. But all this time nagpe-pretend akong naiirita at nasasagwaan pag ginagawa nya yun.
"Ginoo...papatayin mo ba ako?" - tanong nya out of the blue, hindi ako sumagot,
"Natatakot akong sabihin ang totoo. Sabi ni Tanda, pag nalaman daw ng mga tao ang totoo, malalagay daw sa panganib ang aking buhay at ako ay masasaktan. Ngayong alam mo na...papatayin mo ba ako?" - natahimik ako sa sinasabi nya,
"Hayaan mo sanang magamit ko ang apatnapu't-limang araw. Yun lamang ang meron ako. Huwag mo akong papatayin." - pakiusap nya, seryoso ang expression nya, seryoso pero blangko,
"Ano bang kaengotan yang pinagsasasabi mo? Dahil nilalagnat ka naaapektuhan na kaagad yang pag-iisip mo. Matulog ka na nga." - sabi ko,
"Ano? Alam mo na ang totoo diba? Tama ba ako?" - sabi nya pa,
"Wala akong alam sa mga pinagsasabi mo. Pag hindi ka natulog dyan pagbilang ko ng tatlo..humanda ka.. Isa.." - tapos pumikit agad sya na parang napilitang matulog,
Para syang bata. Nagbalik na yung pagiging engot nya. Hahaha.
...
"Oh anong nagyari sa kanya?" - sabi ni Hans nung makadating sila,
"May lagnat sya eh." - sagot ko,
"Ha? Pano nangyare yun? Nung umalis kami masigla pa sya ah." - si hyung na halatang nag-aalala,
"Ou nga. Anung ginawa mo Harold hyung?" - sabi ni Sam,
"Wala akong ginawang masama. Naglilinis lang sya then bigla syang nagkalagnat." - paliwanag ko,
"Pinaglinis mo sya?" - si Sam,
"Hindi mo dapat ginawa yun, Harold." - Daniel,
"Oy grabe kayo mangonsensya. Ako na nga tong nag-alaga sa kanya habang wala kayo eh." - sabi ko,
"Eh ikaw din naman may dahil kung bat sya nagkaganyan eh." - sabi ni Hans,
"Dahil dyan, dito muna sya sa kwarto nyo matutulog, Daniel at Guel. Speaking of Guel, asan na nga pala yun? Di pa ba umuuwi?" - sabi ni hyung,
BINABASA MO ANG
The Moon and the Stars
FantasyIsang babae ang masayang nabubuhay sa isang tahimik na kaharian bilang isang Prinsesa. Ngunit isang balita ang gumimbal sa kanya isang araw, ang kanyang buhay ay nahaharap sa isang mapait na kapalaran. Sa kagustuhan niyang maging masaya, ang kapalar...