Chapter 38. Gone...Not around anymore.

280 15 13
                                    

Grey's POV

"Hyung paano yung bukas? Tatawagan na ba natin yung event organizer at tsaka yung pari na ica-cancel na natin?" - pagpapaalala ni Sam,

"Huwag. Tuloy ang kasal namin ni Mimo bukas. Babalik sya ngayon, nabibigla lang sya pero babalik din sya panigurado." - sabi ni Harold na paulit-ulit na nagpipipindot sa cellphone nya na kulang na lang eh masira yung screen, may mahigit dalawang oras na nyang kino-contact si Mimo, kanina nagri-ring pa pero ngayon, hindi na mukhang pinatay na ni Mimo ang cellpnone nya,

Tiningnan ko si Sam ng makahulugang tingin at sinenyasan ko sya na sa labas iyon gawin. Para hindi maparinig ni Harold dahil paniguradong magwawala ito. Sinamahan naman sya ni Shane.

"Bakit ba ayaw sumagot? May problema siguro tong cellphone ko. Hans, pahiram ako ng phone mo." - sabi ni Harold kay Hans, para syang nababaliw -_-

"Wala akong load." - sabi ni Hans,

"Ganun ba? Daniel, yung cellphone mo na lang ang hihiramin ko." - sabay baling nya kay Daniel,

"Ha? Ahh eh..ito oh.." - sabi ni Daniel na walang maisip na palusot,

"Ayy! Nako! Tumatawag si babes eh, mamaya na lang Harold---Hello babes? ...I miss you too---" - si Daniel na bigla daw may tumatawag sa cellphone pero halata namang nagpapanggap lang,

"Ano ba yan! Hyung, ikaw na nga lang. Kaylangan kong makausap si Mimo, susunduin ko sya, maliligaw yun baka gamitin nya ang powers nya sayang yung araw na mababawas." - sabi nya,

Ay nako! Sumasakit ang ulo ko sa taong to! -_-

"Pwede ba, Harold, tumigil ka na lang dyan. Kung babalik si Mimo, babalik sya. Pero kung hindi, wag ka nang umasa dahil lalo mo lang sasaktan ang sarili mo. Kagaya ng sabi mo, aalis si Mimo, pupunta sa buwan, papatayin, kagaya nyan, tapos ie-expect mong babalik sya. Dude this is reality, you should let her go, and let her do what she thinks is right." - dere-deretsong sabi ni Hans at mukhang hindi nagustuhan ni Harold yun,

"Ano bang alam mo ha? Will you please just shut the f*** up cause you don't know anything. Ni hindi mo nga maiharap samin yung syota mo eh." - sabi ni Harold, at duon bigla syang sinunggaban ni Hans at kinuwelyuhan,

"Tumigil nga kayong dalawa dyan!" - saway ko sa kanila at pinigilan ko si Hans,

Si Daniel naman ay nataranta din at napamura pa bago lumapit para pigilan si Harold,

"Ano? Akala mo hindi ko alam? Ilang taon nga yung syota mo ha? 16?" - sabi pa ni Harold na nakangiti nang nakakaloko kay Hans,

"Hindi mo pa kasi nararanasang ipaglaban ang taong mahal mo, dahil duwag ka! Duwag!" - sigaw ni Harold kay Hans, 

*boogsh*

"Tsk, pati suntok mo palyado eh. Yan lang ba ang kaya mo?" - sabi ni Harold pero halatang nasaktan sya dahil dumugo na yung tagiliran ng labi nya,

Susuntukin pa sana ulit ni Hans si Harold pero pinigilan ko na. Saka tuluyan nang humiwalay si Hans sa pagkakakwelyo nya kay Harold na parang nabigla lang din sa mga pangyayari.

Si Harold naman, naglakad na paakyat sa kwarto. My Goodness! Ganto na lang ba talaga palagi ngayong wala na si Mimo?

"Sorry hyung, hi-hindi ko na napigilan eh. He hurt my ego." - sabi ni Hans,

"Ie-explain mo pa sakin yung tungkol sa sinabi ni Harold. Pero please lang wag ngayon, dahil baka ma-comatose ako nang wala sa oras." - sabi ko at naglakad na rin ako pataas sa kwarto,

Nung makaakyat ako, pumasok ako kaagad sa kwarto.

"Leave me alone, hyung.." - bungad sakin ni Harold,

The Moon and the StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon