Chapter 34. I'm Just Curious

253 17 1
                                    

Daniel's POV

Nice. Ang saya talaga ng araw na to. Super saya! -_-

Nandito lang naman kami sa Detention Room. Sinumbong kami nung terror na prof na nagdi-ditch daw kami ng klase at nanggugulo daw kami ng klase ng iba. Haaay eebs lang ako dapat eh.

And guess what, kasama ko tong si Ugly Betty dito, imagine kung gano kahapdi na yung mata ko sa kakatingin sa kanya. -_-

Nakaupo kami pareho sa sahig, wala kasing upuan dito. Nakasandal ako sa pader tapos sya naman sa kabilang pader nakasandal.

Hindi dapat ako titingin dun kaso naman kasi masyadong obvious naman kasi.

"Hoy! Betty wag mo ngang pakita sakin yang floral mong panty! Tsk." - reklamo ko sa kanya, kasi naman nakapalda tas ang bargas kung umupo eh,

"Una, napakananyak mo talaga! Pangalawa, hindi ito panty, cycling to! Pangatlo, hindi to floral, polka dots! Duling ka ba?" - sabi nya tapos inayos nya yung palda nya,

"Malay ko ba, basta ang kita ko colorful eh." - sabi ko lang,

Dahil mukang hindi sya kumportable sa palda nya, hinubad nya na yung coat nya tapos yun yung tinakip nya sa legs nya,

Yung mukha nya lang naman kasi yung may diperensya eh, pero sexy sya. Tsaka maputi yung legs nya.

"Wag mo nga akong pagnasaan. Manyak!" - sabi nya na parang nabasa nya yung utak ko,

"Aba ang kapal ng mukha neto!" - sabi ko,

Ifinold nya ng konti yung longsleeves nya, mainit kasi dito walang electric fan. Huhubarin ko na din sana yung coat ko pero may napansin ako sa braso nya na kulay itim,

Nilapitan ko sya. Tapos hinablot ko yung braso nya,

"Ano bang g-ginagawa mo? B-bitawan mo nga a-ako.." - nauutal na sabi nya. Halatang nagulat sya sa ginawa ko.

"Sinong gumawa nito? Ha?" - tanong ko, yung nakita kong itim, pasa pala yun, malaking pasa,

"Nauntog lang to dun sa...sa lamesa. Tama sa lamesa nga." - sabi nya pero halata namang nagsisinungaling lang sya,

"Tss palusot. Ano nga sabi? Napano yan?" - ulit ko ng tanong,

"Ano ba kasing pake mo ha?" - sabi nya,

"Ahh -- ehh.. ano. Wala akong pake sayo! Sadyang tsismoso lang ako! Yun lang yun!" - sabi ko,

"Kalalaki mong tao, tsismoso ka! Bakla ka no?" - sabi nya,

"Tse! Wag mo ngang iniiba yung usapan! Napano nga sabi to?" - sabi ko,

"Haaay ang kulit naman! Sasabihin ko, pero sa isang kundisyon." - sabi nya,

"Osige ba! Hahaha anu yon?" - ganadong tanong ko,

"Kaylangan mo kong matalo ng tatlong beses sa bato-bato-pik!" - sabi nya,

"Ay susmiyo akala ko naman kung ano! Game! Haha ako ata ang Hari ng Bato-Bato-Pik! Baka akala mo! Hmp! Nagkamali ka ng kinalaban mo!" - sabi ko tapos nag-stretching ako kunyare,

"Baka naman Hari ng Kayabangan!" - sabi nya, tapos pumosisyon na kaming dalawa sa unang round ng aming bato-bato-pik,

"Bato bato pik!"

"Wahahahaha!" - tumawa sya na parang kontrabida sa pelikula,

"Ha-ha! Pinaisa lang kita wag kang masyadong matuwa dyan." - sabi ko,

"Bato bato pik!"

"Wahahahahha!" - ako naman ngayon yung tumawa na parang poging kontrabida sa pelikula,

The Moon and the StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon