Daniel's POV:
Nung makita ko sa loob ng cake shop na si Aria ang partner ko, parang naging okay na din. Atleast hindi si Bea ang partner ko. Naku kung si Bea yun, lagot ako kay Kath. Siya kaya, sino ang partner niya?
Pumasok na ako ng shop at binati siya, nung una medyo awkward pa, pero hindi rin nagtagal eh naging komportable kami mag-usap. Madali lang naman siyang maging ka-close eh.
"Ah, Daniel, gawa tayo ng cake tapos dalhin natin para sa iba," sabi ni Aria ng nakangiti.
Ngumiti na lang din ako at sumunod papasok sa workshop. Maya-maya pa, gumawa na kami ng design para sa dadalhin namin para sa iba. Isang cake lang naman.
Pagkatapos naming gawin yung cake, lumabas na kami ng bakeshop at naglakad lakad na lang muna kami. Tapos biglang may inabot na card sa amin.
"Ano to?" tanong ko, pag bukas ko, picture ng tao na nagho-holding hands, Kailangan ba talaga namin tong gawin? Nag-aalangan ako, kasi feeling ko tataksilin ko si Kath. Bahala na to, nginitian ko na lang si Aria "Tara na" sabi ko at nagpatuloy kami sa paglalakad.
Naglalakad kami nung may makita akong hindi ko inaasahan. Shiit. Is that Khalil? Holding my girlfriend's hand?! Napatulala ako, hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, gusto ko siyang puntahan at suntukin.
Alam naman siguro niya kung gano ka-importante sakin si Kath, tapos... Shiit talaga,. Tinignan ko si Khalil tapos nakita kong naka-smirk siya sa akin. Shit tlaga, gusto ko na tlaga siyang suntukin.
Nagulat ako nung may humawak sa kamay ko. Nakita kong si Aria pala yun. ngumiti lang siya at hinila na ako paalis. Hindi pa rin matanggal sa isip ko yung nakita ko, bakit kailangan pang ganun, bakit si Khalil ang partner ni Kath?
Naglakad lang kami ng medyo tahimik, tapos napagpasiyahan na lang namin na umuwi na lang sa bahay kung saan kami nakatira ngayon, yun yung rule sa show na to, may iisang bahay na lahat kami magkakasama.
Wala pang ibang tao pagdating namin ni Aria kaya naman nagpaalam ako sa kanya. matutulog na lang ako. Pumasok ako sa kwarto at humiga.
Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakatulog nung may naramdaman akong nagpo-poke sa akin, binuksan ko ang isa kong mata at nakita ko ang mukha ni Kath, iba na yung damit niya., Siguro nga matagal akong nakatulog.
Tinignan ko ulit yung babaeng nasa harap ko para iconfirm kung si Kath nga yun, baka kasi nananaginip pa ako.
BINABASA MO ANG
Until Forever [SLY Book 2]
Fanfiction[Someone Like You♥ Book 2] "I have everything and my life is perfect, pero sa kabila ng lahat ng yun, bakit parang may kulang??" - Kathryn.