UF 31 - Distance

6.6K 163 17
                                    

Sorry po! Hindi talaga ako makapag-update, 1 year na ata simula nung sinimulan ko tong story na to, kahit ako gusto ko na tapusin. Pero, bare with me? Please? Promise, from now on. I'll find time para makapag-update, Ayoko na i-hold itong story na to. Kaya malapit na talaga siya matapos. Sana maintindihan niyo ako :) Salamat sa mga nagfafan!  ♥ Dedicated sayo Lovveee! hahahaha <3

Daniel's POV

Tatlong Linggo, tatlong linggo na simula nung huli kong makita si Kath. Bihira lang din kami makapag-usap dahil nawala yung phone niya at hindi pa siya nakakabili ng bago. Paano ba naman, magpapahinga lang siya kapag matutulog na siya, tapos pag nagising siya, kelangan niya na ulit mag-ready para sa isa nanamang schedule.

Nakaka-usap ko naman siya through M.A's phone, tapos nakakamusta ko din siya pag nagtetex ako kay M.A  pero iba pa rin na siya yung makakabasa ng mga text ko, at marereplyan niya ako.

Sabi niya, pag nagkatime daw siya ngayong araw, bibili siya. Haaay, buhay nga naman. =__=

Yung photoshoot ni Kath sa Korea? Napublish na yung magazine na yun. Meron na nga akong copy. Nakaka-bwisit nga e, kasama niya pa si Quen dun. Tapos may mga kasama pa siyang member ng mga boygroups. Mga mapuputing nilalang. Haaay.

Akala ko pagtapos ng photoshoot nya sa Korea makakauwi na siya, pero nagkamali kami. Kasi after nun, nag grand opening yung clothing line ni M.A sa Korea, kaya yun. Kelangan siya doon sa opening show.

Pagtapos naman nun, lumipad sila papunta sa Macau, dahil may 1 week outdoor shoot. Tapos ngayon nasa France siya. May important dinner party daw kasi kasama yung mga V.I.P sa larangan ng fashion, hay, shiit naman. Kelan ko ba siya makikita?

Wala na kasi akong magawa dito, pahinga na lang araw-araw. Gustong gusto ko na siya sundan pero kasi katatapos lang mag-premiere yung movie namin nila Quen. Nakakapikon talaga. Buti pa siya, nakita niya si Kath sa Korea. Fudgee.

Ngayon, nandito ako sa bahay kasama tong si Diego na ang tahi-tahimik.

"Hoy, pre, ano ba problema mo? Inuubos mo nanaman yang display kong alak." sabi ko, display lang talaga yung alak dito sa bahay ko, hindi naman kasi ako masiyadong umiinom e.

"Nakita ko siya kanina..." Sino naman kaya tinutukoy nito? Ngayon lang kasi kami ulit nagkita.. "Si Julia pre,"

E si Juls naman pala. "O, ano masama doon, nakita mo naman pala siya. Anong problema mo? Hindi ka ba masaya? Diba nung huli tayong nagkita, okay na kayo?"

"Lul, isang buwan na nung huli tayong nagkita. Haaay," he sighed. "Kasama niya si Coco pre, akala ko din okay na kami. Pero, ewan ko ba... May mali e. Kanina ko na lang siya ulit nakita after nung mag-away kami ni Coco."

Hindi ko din alam kung anong gagawin at sasabihin ko. Hindi pa ata alam ni Diego yung tungkol kila Julia at Coco. Nagtagal pa dito ng konti si Diego, hinayaan ko na lang siyang inumin yung mga display ko. Tapos umuwi na siya, ewan ko kung uuwi na ba talaga yun. Baka babalik nanaman sa office. haaay, buhay!

Until Forever [SLY Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon