Chapter 6

4.6K 87 1
                                    

[Steffi]

Halos two weeks na rin ang nakaraan ng mapadpad kami dito kina Lola Pining.

Ang sarap ng buhay dito. Ang tahimik. Ibang iba sa siyudad. Ibang iba na rin s'ya simula ng umuwi kami dito. He became sweeter. Palaging nakaholding hands. Palaging nakaakbay. Nagnanakaw ng halik paminsan minsan.

I can feel that he love me already pero hindi n'ya lang sinasabi.

"Hijo. Bumaba muna kayo. May bisita tayo."

Tawag ni Lola mula sa garden. Kasalukuyan kaming nakaupo sa sala at nanonood ng tv ni Alex.

"Bakit po, 'La? Sino po ang bisita natin?"

Tanong nito ng makalabas kami ng garden. Nakaholding hands pa ang loko sa akin.

May nakatalikod na babae sa 'di kalayuan at halatang nawiwili sa mga orchids.

"Jen, hali ka." Tawag ni Lola dito.

Napalingon naman ang babae ng tinawag ito ni Lola.

Paglingon ko kay Alexander, ang laki ng ngiti n'ya. Sa pagkagulat ko ay agad tinakbo ni Alex ang kinaroroonan ng babae.

Napatiim bagang ako at tinitigan ang kabuuan ng bagong dating. Maganda din s'ya. Medyo morena nga lang at hindi kagaya kong maputi. May katangkaran din pero hindi kasing tangkad ko. Aalon alon ang mahaba nitong buhok at hindi gaya ko na straight na lampas balikan lamang ang haba.

Teka nga. Bakit ko ba kinokumpara ang sarili ko sa babaeng hipon na 'to? Tss!
I have to make a move bago pa nito masulot ang Alex ko.

"Hon. Sino s'ya?"

Nagulat yata sila at kumalas na sa pagkakayakap.

Tss! Ang tagal ng yakap nilang 'yon ha. Sabunutan ko kaya ang malanding 'to o itong hinayupak kong boyfriend?

"Ahh, Steff, si Jen, childhood sweetheart ko."

Childhood sweetheart? As in?

"Ohh, hi. Nice to meet you, Jen. I'm Alexander's WIFE." I emphasized the word para matauhan ang malanding babaeng 'to.

Nakita ko ang pag iiba ng expression n'ya. Nalungkot yata s'ya sa narinig. May plano yata talaga s'yang sulutin si Alex kung nagkataong girlfriend lang ang pakilala ni Alex sa akin dito.

"May asawa ka na pala? Bakit 'di mo nabanggit sa text?"

Sh*t! Textmates pa pala sila.

Nag iinit na talaga ang ulo ko. Nakakapanggigil.

Teka. Papatalo ba ako? Pinulupot ko ang kamay sa bewang ni Alex habang nakikipag usap kami sa babaeng 'to.

"Ahm, yes." Sagot lang ni Alex, ni hindi manlang nag elaborate. Halatang napipilitan lang.

Teka? May gusto ba si Alex sa babaeng hipon na 'to? Mukhang nalungkot din ang gago ng lumungkot ang mukha ni Jen eh. Kung wala siguro ako dito malamang nagsolo na ang dalawang hinayupak na 'to. Tss!

"Magmeryenda muna tayo sa loob." Pag iiba ni Alex sa usapan.

"Naku 'wag na, Lex. Napadaan lamang ako. May binisita ako d'yan sa kabilang kanto. Si Monika. Nanganak s'ya noong nakaraang linggo. Nalaman ko kay Lola na andito ka kaya napadaan nalang din ako saglit para kamustahin ka."

Buti naman at nakahalatang ayoko s'yang magtagal pa dito.

"Ganoon ba? O, sige. Hindi na kita pipigilan pa, ha? Its nice to see you after how many years. Text text nalang ulit tayo." Nakangiti pang sabi ni Alex dito.

SEDUCING MY BROKENHEARTED BESTFRIEND Book 1: You Were Mine All AlongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon