Chapter 7

4.2K 84 1
                                    


[Alexander]

Pagkakita ko sa regalo na may lamang litrato ni Steff na may bahid ng dugo at patay na daga ay alam kong seryosong problema na ang kinakaharap namin dito.

Hindi ordinaryong fan o stalker lang ang sumusunod kay Steff.
Kinakailangang malaman ko agad kung sino ang may gawa nito bago pa mapahamak si Steff.

"Babe stay here okay? Tatawag lang ako saglit sa opisina to report this incident."

"'Wag mo akong iwan dito please." Pagmamakaawa n'ya.

"Basta 'wag na 'wag kang lalabas dito. D'yan lang ako tatawag sa labas ng kwarto. Hindi kita iiwan. Promise."

"Make sure d'yan ka lang ha?" Takot na takot talaga s'ya.

Tumango ako at niyakap s'ya bago lumabas ng kwarto.

Tinawagan ko si Thadz, ang partner ko.

"Hello, Thadz."

"What's up, bro? Any lead by now?"

Tumatawa pa itong nagtanong matapos sagutin ang tawag ko.
Halatang 'di rin naniniwala na totoong may masamang taong sumusunod kay Steff gaya ng paniniwala ko noon.

"Yes. Someone is seriously stalking Steff. Not just stalking, Thadz. May gustong pumatay sa kanya."

"Whoooahh. Really?" Nagdududa pa rin s'ya.

"Yes. As a matter of fact may nareceive kaming regalo ngayon ngayon lang. May laman na picture ni Steff na punit punit na, may bahid ng dugo at patay na daga."

"What??? Hmmm... Seryoso na nga 'yan, pare. How can I help?"

"Maasahan talaga kita, Thadz. I want you to trace kung saan at kanino galing ang regalo. It arrive 5:30 in the afternoon. A medium sized box wrapped in red with a ribbon. Location as of the moment. Brgy._______San______ Batangas City."

"Copy that. Expect me to call you at 8:00 p.m. sharp."

Binaba ko na ang phone at binalikan sa loob si Steff. Tahimik lang s'yang nakaupo sa may kama.

"Babe."

Lumapit ako sa kinaroroonan n'ya. Yumakap naman s'ya kaagad sa akin.

"Natatakot talaga ako, Alex. Baka kung ano ang mangyaring masama sa akin."

"Hush now, babe. I will protect you with all my might. Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa'yo. Mahal na mahal kita, Steff."

"Talaga? Mahal mo na ako? 'Di nga?" Nakapout pa s'ya.

"Tss! Kanina kinakabahan ka, ngayon binibiro mo pa ako. Oo nga. Mahal na kita, Steff."

"Promise? No joke?"

"Yes. Promise. I'm serious."

Iniisip ko na rin ang mga susunod kong hakbang.
Kailangan naming malaman kung sino ang may gawa nito bago pa malagay sa peligro ang buhay ng pinakamamahal ko.

Ayokong mawala s'ya sa akin gaya ng nangyari kay Trisha na walang nagawa laban sa mga nanghalay sa kanya.

Gusto kong may gawin para mailigtas ang buhay ni Steff. Gagawin ko ang lahat maprotektahan ko lamang s'ya, hindi kagaya ng nangyari kay Trisha na wala manlang akong kaalam-alam kaya hindi ko s'ya naipagtanggol.

SEDUCING MY BROKENHEARTED BESTFRIEND Book 1: You Were Mine All AlongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon