Chapter 38

2.6K 45 0
                                    

[Tadeo]

Nakatanggap ako ng text mula kay Alex telling me na may sumusunod sa kanila. He opened his GPS para malaman ko ang exact location kung nasaan sila.

Agad kong tinawagan ang team for back up at s'yang pagsunod namin sa kinaroroonan nina Alex.

Mabilis naming natrace ang lugar kung saan sila naroroon. Agad kong hinanda ang mga kakailanganin sakaling magkaputukan.

Nakabuntot na rin kami sa itim na kotseng sumusunod sa kanila ng biglang nagpaputok ang mga sakay ng nasa itim kotse.

Sobrang bilis ng mga pangyayari na kahit kami ay nabigla. Bumangga sa isang poste ang sinasakyan nina Alex matapos pumutok ang gulong ng kotse nito ng pinagbabaril sila ng mga nasa itim na kotse. Halos mayupi ito sa lakas ng pagkakabangga.

"Sh*t! Men, habulin n'yo ang kotseng itim! I have to rescue Alex."

"Copy that, sir." Sagot nang mga nakasunod naming kasamahan.

Dali dali kong hininto ang kotse at tumakbo papalapit sa kotse ni Alex. Mahirap na kung mahuli kami at sumabog pa ang sasakyan nila.

"Men, call the Medics! ASAP!" I shouted as I hurriedly approach Alexander's car.

"Sh*t!" Napamura nalang ako when I saw them inside the car, bleeding.

Halos wala ng buhay ang dalawa habang magkayakap sa loob ng kotse. Sa tantya ko ay si Alex ang mas malubha dahil ikinulong n'ya si Steff sa kanyang mga bisig nang bumangga ang sinasakyan nila sa poste.

Mabuti at pati kami ay nahasa na rin sa rescue operations. I did everything I can para mailabas sila sa kotse at madala sa mas safe na lugar.

Alam kong anytime ay pwedeng sumabog ang kotseng sinasakyan nila kung hindi ako magmamadali.

Waaang! Waang! Waang! Tunog ng ambulansyang paparating.

"Thank God, andito na rin sila. Hold on, Alex. Hold on, Steff. Please live, please."

I said as we put them on the stretchers para madala na sila sa hospital.

God! Help them.

It was so tragic na pati ako hindi madetermine kung mabubuhay pa isa man sa kanila.

Tiningnan ko ang papalayong ambulansyang magdadala sa dalawa sa hospital. Nakakaawa sila.

"Kailangang magbayad ang gumawa nito sa kaibigan ko. Kailangang pagbayaran nila ito."

***
"Hayop ka, Zamaniego!" Halos basagin ko na ang nakangising mukha ng animal. High pa yata ito sa droga sa mga sandaling ito.

Kumanta ang mga nahuli ng aking kasamahan na inutusan lamang sila ni Terrence Zamaniego para ipapatay si Alexander. Si Alex lang sana ang pakay ng mga ito at sabi daw sa kanila ni Zamaniego na hayaang mabuhay ang babae dahil sa kanya daw ito.

"Bakit mo ginawa 'yon sa kaibigan ko? Hayop ka!" Sinuntok ko ang gago sa mukha.

Nakangisi lang itong napatingin sa akin habang pinapahiran ang dugo sa pumutok nitong labi.

Bubugbugin ko na sana kung hindi lang ako pinigilan ng mga pulis na nasa presinto.

"I'll request for his transfer, sir." Sabi ko sa mga pulis na humuli kay Zamaniego.

"Ayokong makawala ang gagong ito. Leave him at our custody at the NBI. Alam kong maraming galamay ang pamilya niya dito."

Akmang magrereklamo si Zamaniego.

"Dapat pagbayaran mo ang ginawa mo, animal ka. Lalo kang madidiin dahil nalaman kong involve ka sa mga drug deals sa bansa."

Tinalikuran ko ang gago at hinayaang bantayan s'ya ng mga pulis at iba ko pang kasamahan.

Babalik ako sa opisina para formal na gawin ang request para sa transfer n'ya sa NBI.
Marapat lamang na parusahan s'ya sa ginawa n'yang ito.

SEDUCING MY BROKENHEARTED BESTFRIEND Book 1: You Were Mine All AlongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon