[Alexander]
Gulong gulo ang isip ko.
Nakita kong tumatangis ang aking mahal dahil ipapakasal s'ya sa ibang lalaki.Pero sadya yatang destiny ko na ang mapangasawa s'ya dahil ang tinutukoy n'yang apo ni Montreal ay ako mismo.
I turned my back to her.
Alam kong mali pero kailangang maayos ko muna ang lahat ng dapat kong ayusin kay Lolo bago pa man din ako magsettle down kay Steff.Pero hindi sa ganitong paraan.
Mahal ko si Steff at ayokong gamitin s'ya ni Lolo para lang mapamana n'ya sa akin ang kompanya n'ya.Sabi nila kahit sino daw ang magmana ng MGC ay maituturing ng hari dahil sa yaman na taglay nito. Pero hindi ako. Hindi ako nararapat sa lugar na 'yon.
Wala akong kahilig-hilig sa business. Kaya paano ko mapapamahalaan 'yon gayong wala akong kaalam alam sa bagay na 'yon? Paano kong maibagsak ko lamang ang kompanya dahil wala akong alam?
Pero dahil kay Steff at sa problemang kinakaharap ng pamilya n'ya ay nagbabadyang magamit s'ya ni lolo sa pagblackmail sa akin.
Kailangang makaharap ko si Lolo bukas na bukas din. Tutulungan n'ya ang kompanya nina Steff without doing that damn deal.
Ayokong parang shot gun wedding ang mangyayari between us. Malinaw pa sa isip ko na ayaw ng kasal ni Steff and i'm willing to be with her until the day we die kahit walang kasal. Kaya hinding hindi ko s'ya dapat pilitin, hinding hindi s'ya pwedeng pilitin ninuman.
I went to a bar to drink a little. Nasesestress na ako sa ginagawang ito ni Lolo. Ayoko din munang magpakita kay Steff hangga't hindi pa maayos ang lahat.
Laking gulat ko when I saw Steff sa mismong bar kung saan ako naroroon. Lasing na lasing na yata s'ya.
Goddamn! She's doing it again.
"Steff." Hinablot ko ang basong hawak hawak n'ya.
Nagulat yata s'ya. Inaaninag ako sa namumungay sa kalasingan n'yang mga mata.
"Alex ko." Niyakap n'ya ako and her tears started to fall. Nababasa na ang damit ko.
"Hey. Why are you doing this to yourself Steff?"
"I missed you so bad, baby. I don't want to marry, Alexis. Ikaw ang gusto kong pakasalan, Alexander. Ikaw lang."
Nagulat ako. Alexis? 'Yong pinsan ko? S'ya ang papakasalan ni Steff? Nagbago na ba ang isip ng Lolo at kay Alexis na ipapamana ang kompanya at s'ya na rin ang ipapakasal nito kay Steffi?
Napakuyom ang mga kamao ko. I need to talk to Lolo first thing in the morning.
Tama na 'tong kalokohan n'ya.
Pinaglalaruan na n'ya ang feelings ng mahal ko.'Di bali nang wala akong alam.
Kukunin ko ang kompanya. Papamahalaan ko ito. Ililigtas ko sa kamay ng Alexis na 'yon si Steffi. Hinding hindi n'ya maangkin ang akin."I'll bring you home, Steff." Sabi ko habang hinihimas ang likod n'ya.
She looked at me.
"I want to stay with you, Alex. I want to go with you wherever you go." Pagsusumamo nito.
"Shhh. In time, Steff. I need to fix things. For now umuwi ka na muna."
Inakay ko na s'ya palabas ng bar. Talagang lasing na lasing na s'ya. Pasuray suray na ang lakad kaya kailangan ko na talagang alalayan.
Nakakaawa talaga. Wala nang ibang makapitan kung kaya gumagawa na lamang ng paraan para makalimot sa magulong sitwasyon na kinakaharap n'ya.
"I want you to make love with me tonight, Alex. Kahit ngayon nalang. For the last time. Kailangan ko kasing tulungan sina Daddy."
BINABASA MO ANG
SEDUCING MY BROKENHEARTED BESTFRIEND Book 1: You Were Mine All Along
Romantizm[COMPLETED STORY] ----> HE has a dark past which haunts him until now. He prevents himself to love again. Para sa kanya hindi na s'ya dapat magmahal at mahalin. ----> SHE's madly inlove with her bestfriend... her broken-hearted bestfriend. And she'l...