Chapter 50

3.8K 68 0
                                    

[Alexander]

Sabi nila curiousity can kill the cat pero hindi ko maiwasang macurious who that Jacob guy is.

Kailangan kong malaman kung sino ang nagmamay ari ng puso ni Steffi sa ngayon.

Sinundan ko sya paglabas nya ng condo ko.

I can't contain my curiosity.
Buong gabi akong naghintay pero walang Jacob na lumabas sa bahay ni Steffi.

Nanggagalaiti sa galit na naghintay ako hanggang mag umaga.

Difference scenarios are playing into my mind at lahat ng ito hindi ko nagugustuhan.

I'm jealous as hell. I'm so pissed!

Sino ba kasing Jacob na tangina na 'yan na ipinalit n'ya sa akin?
Mas gwapo ba? Mas mayaman ba?

"The hell!" I punched my steering wheel.

Maya maya pa ay nakita kong umalis na si Steffi sakay ng kotse nito.

Hindi ko na s'ya sinundan.
Alam ko namang papunta s'ya sa MGC.

Bumaba ako ng kotse at pumasok sa nakabukas na gate.

Maya maya pa ay may lumabas na bata. May dala itong bola.
Tinitigan ko ito ng mabuti.

Gwapong bata. Mga 5-6 years old na siguro tantya ko dahil sa tangkad n'ya. Maputi s'ya. Chinito gaya ko. Mala manika ang pigura ng bata.
Mapipilantik ang pilik mata. Maamo ang mukha.
Mapupula ang mga labi at may matangos din na ilong.
Masisigurado kong gwapo paglaki n'ya.

He eyed me and curiously strode my way.

"Hey kiddo." I said at lumuhod sa harapan n'ya para magpantay kami.

"Who are you?" He asked.

Matapang.

"I'm Steffi Andrews' boss."

He looked at me. He eyed me like he is examining a new found toy.

"I see. She went to work, Mister."

He said at hinayaang gumulong ang bola nito patungo sa damuhan.

Humalukipkip ito pagkatapos.

"I think she's already at your office at this moment so you better leave so you can talk to her there." Matatas umingles ang bata. Mukhang laking Amerika.

"Yeah. I'll follow her there... soon. I'm curious if you knew this Jacob guy?" I asked him.

Wala naman akong ibang mapagtanungan. And besides kids don't lie kaya kung sino man ang Jacob na 'yon, makikilala ko rin sya through this kid.

"Who are you? Why do you ask?" He asked while looking at me.

Matapang pumustura ang bata. Parang hindi sasantuhin sino man ang kaharap nito.

"I'm Alexander De Guzman. And you are?"

I'm about to shake his hand. Naningkit ang mata nitong singkit naman na.

Nabigla ako ng bigla n'ya akong sinuntok sa may panga.
Ang sakit din ah.

"Ouch. Why did you do that?" I asked him.

Anong problema ng batang 'to at nanununtok?

"You are trespassing, Mr. De Guzman. Its written under the law. Its prohibitted to step into someone's lawn without asking prior permission."

Nanlaki ang mga mata kong napatitig sa kanya.
I can't believe it.
I let out a soft chuckle.

"I'm sorry, mister. I'm going." Napakamot nalang ako ng ulo at umalis patungong office.

SEDUCING MY BROKENHEARTED BESTFRIEND Book 1: You Were Mine All AlongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon