Chapter 39

2.5K 44 0
                                    

[Steffi]

"Nooooooo!!!" Pinagpapawisan ako nang nagising mula sa isang masamang bangungot.

"Anak. What happened? Nanaginip ka na naman ba?" Humahangos na pumasok sa kwarto ko si Mommy na may dalang isang basong tubig.

"Mom. Si Alex. Huhuhu!" Sabi ko kay Mommy habang nakayakap na umiiyak sa kanya.

"Uminom ka muna ng tubig, baby, at ng mahimasmasan ka." She handed me a glass of water.

Inabot ko ang baso pero tinitigan ko lamang ito.

"Anak, drink up. At ng guminhawa 'yang pakiramdam mo kahit konti. That happened two months ago. Hindi mo pa rin ba makalimutan?" Sabi nito habang hinihimas ang aking likod.

"Paano ko naman makakalimutan ang nangyari sa one true love ko, Mommy? Paano? Sabihin mo po?" Humagulgol na naman ako ng iyak.

I miss Alex. I miss him so bad.
Hanggang ngayon ay hindi ko parin makalimutan ang nangyaring pag-ambush sa amin 2 months ago.

Hanggang ngayon ay binabalot pa rin ng matinding kahungkagan ang aking pagkatao. Ng matinding galit para kay Terrence Zamaniego!
Hindi enough para sa akin ang pagkakakakulong n'ya. Ang gusto ko ay mamatay s'ya!

Walang kapatawaran ang ginawa n'ya sa lalaking mahal na mahal ko.

"I will seek justice for Alex, Mom. Hinding hindi ako titigil hangga't hindi tuluyang nabubulok sa kulungan 'yang Terrence Zamaniego na 'yan!"

"Anak, ipagpasadiyos mo nalang ang lahat. Maimpluwensya pa rin ang mga Zamaniego. Kaya nilang bilhin ang batas."

"Alam ko, Mom. Kaya gustong gusto ko na ring maging abogado at ng mabigyan ko ng marapat na pag uusig ang mga mayayamang pinapaikot sa kamay nila ang batas dahil sa pera at impluwensya na meron sila." Napakuyom ang aking mga kamao.

Maya maya ay may kumatok sa pintuan.

"Ma'am, nasa labas po si sir Alexis."

"Sige po. Pakiasikaso muna, manang, at sabihing saglit lang at magbibihis ako."

***
Nadatnan kong nakaupo sa sofa si Alexis habang nagbabasa ng magazine.

"Ready?" He asked.

Tumango na lamang ako. He handed me a bunch of white roses.

SEDUCING MY BROKENHEARTED BESTFRIEND Book 1: You Were Mine All AlongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon