Chapter 45

3.2K 66 0
                                    

[Steffi]

I know he is lost.

I need to understand him.

I have to be patient.

Pero ang sakit na...

I can feel his love even if he haven't realize he have done it.
He said he's trying to protect me kasi ayaw n'yang mapunta ako sa ibang lalaki at may maghihintay na Steffi sa pagbabalik ng ama ng anak ko.

You know what that means for me? Pag asa.

'Yong feeling na you don't know where to get that strength para ipaglaban ang pag ibig mong sinusubok ng panahon at pagkakataon? Pero he is there. Unconsciously letting me feel i'm still loved by him.

Tumalikod ako sa kanya at baka kung ano pa ang masabi ko.
I was torn between telling him the truth and not saying anything at all.

They say the truth will set you free pero paano kung ito rin ang maglalayo sa kanya from me?
Paano kung hindi n'ya matanggap ang katotohanan?

Ang tagal ko ng sinasaktan ang sarili ko. Hindi ko naman ginusto na maging ganito kami 'di ba?
Hindi ko naman kasalanang makalimutan n'ya ang tungkol sa nakaraan namin.

Paano ko aayusin ang isang bagay kung takot ako?

I need to do this now.
Pagod na akong magtago sa kanya.

***
I get dressed at pumasok ulit ako sa kwarto n'ya.

"Lex, may kailangan tayong puntahan." He looked up at napakunot ang noo.

"Hapon na, Steff. Hindi ba pwedeng ipagpabukas nalang natin 'to?"

Napailing naman ako. I need to tell him everything now kung hindi baka maduwag na naman ako.

"Ngayon na, Alex. This can't wait." I said at tinalikuran ko na sya.

I waited for him sa parking lot.

"Saan ba talaga tayo pupunta?" Takang tanong naman nito.

"Golden Havens." Sabi ko at tahimik na nagdrive.

Nakatingin lang s'ya sa akin na wari'y maraming gustong itanong pero tahimik lang na naupo sa tabi ko at tumingin sa malayo.

[Alexander]

Ano ba ang iniisip ng babaeng ito? Hapon na at umaambon pa pero heto kami at bumabyahe patungong Golden Havens daw.
Nakakapagtaka. Golden Havens? Pamilyar.

Nag isip ako saglit at kunot noong napatitig kay Steff. Seryoso itong nagmamaneho.
Halatang ilag dahil hindi manlang ako nito sinulyapan kahit saglit.

Anong gagawin namin sa Golden Havens? Na sa pagkakaalam ko at pagkakatanda ay isang sementeryo sa may dakong Las Pinas.

"Steff?" Untag ko sa kanya.

I'm curious as a cat. Malayo pa kami sa Las Pinas pero ang utak ko punong puno na ng katanungang hindi ko mawari kung saan huhugutin ang kasagutan.

"Hmmm?" Sagot lang nito sa akin habang nananatiling nakapako ang paningin sa daraanan.

"Anong gagawin natin sa isang sementeryo? Bakit sa Las Pinas pa? At bakit sa ganitong oras at panahon pa? Anong meron doon?"

"I can't answer you at this moment, Alex. Maski ako ay nagpipilit lang pumunta sa lugar na 'yon. Its now or never, Alex. Pagod na ako."

Lalong nangunot ang noo ko sa sagot n'ya. Hindi ko talaga maintindihan. Nanahimik nalang ako pero pilit kong hinahalukay sa isip ko kung sino ang pupuntahan namin doon.

SEDUCING MY BROKENHEARTED BESTFRIEND Book 1: You Were Mine All AlongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon