Chapter 17

4K 80 4
                                    

[Alexander]

Nagising ako ng may humaplos sa buhok ko.

Kasalukuyan kong binabantayan si Jen sa hospital matapos ang operasyon niya.

Hindi pa kasi bumabalik si Thadz kasama ang nanay ni Jen na pumunta sa bayan.

Nakatanggap ako ng text mula kay Thadz at ang sabi ay nag eempake pa ang mama nito ng mga kakailanganin ni Jen sa hospital.

Naibalita ko na rin naman na maayos na ang kalagayan ni Jen.

"Gising ka na pala, Jen. Kamusta ang pakiramdam mo? May masakit pa ba sa'yo? Sorry talaga, Jen. Napahamak ka pa ng dahil sa akin." Agad kong paghingi ng paumanhin sa nagawa ko. Nag aalala talaga ako sa kalagayan n'ya.

"Maayos na ako, Alex. Medyo makirot pa ang mga sugat ko pero okay lang naman. Normal lang siguro 'yon sa tinamaan ng bala, hindi ba?"

Nagawa pa n'yang tumawa.

"Tss! Ikaw ha. Nagawa mo pang magbiro sa kalagayan mong 'yan."

"Dapat ipagpasalamat ang buhay, Alex. Makakasama ko pa ng matagal ang mama ko."

Napatango tango na lamang ako.

"Ang positibo naman ng pananaw mo sa buhay. Sana naging ganun din ang pagtanggap ni..."

Nalungkot ako ng maalala si Steff.

Kamusta na kaya s'ya? Nabalitaan kaya n'ya ang nangyari sa akin? Sa amin ni Jen?

"Ni Steff? Naalala mo na naman s'ya? Bakit 'di mo puntahan?"

"Malamang galit pa sa akin 'yon." Malungkot kong sabi sa kanya.

'Di ko alam kung paano ko haharapin ang galit ng mahal ko.

"Malamang mananatiling galit 'yon habang buhay kapag 'di mo sinuyo."

Napaangat ako ng tingin sa kanya.

"Eh paano ka? Dapat ay bantayan pa kita dito hanggang sa lumakas at gumaling ka."

"Sus. Alam ko namang sabik na sabik ka na doon sa asawa mo no."

"Hindi ko naman kasi totoong asawa si Steff, Jen."

"Ha?"

Enexplain ko pa sa kanya ang totoo.

"Naku pwede pa pala kitang masulot kung ganoon?" Tumawa na naman s'ya.

Sinamaan ko nga ng tingin.

"Hahahaha. Biro lang uy. Alam kong magkaganoon man, s'ya pa rin ang mahal mo. Kaya sige na puntahan mo na bago pa mahuli ang lahat."

"Sige pero hintayin muna natin si Mama mo bago ako umalis."

"Okay. Salamat, Alex, at sorry din sa ginawa ng Lolo ko."

"Naku, Jen. Ako ang dapat humingi ng tawad kasi dinamay pa kita."

"Naintindihan ko naman kung bakit mo ginagawa 'yon, Alex."

"Salamat, Jen."

Napaisip ako ng malalim.
Paano ko kaya pakikiharapan si Steff? Ano ang sasabihin ko kapag nagkita kami? Mapapatawad pa kaya n'ya ako?

***
Dali dali akong umalis ng hospital matapos dumating ang mama ni Jen.

Humingi rin ako ng kapatawaran sa nagawa ko at gaya ni Jen naging madali ang ginawang pagpapatawad ng mama n'ya sa akin.

Nakahinga ako ng maluwag sa kabaitan ng dalawang 'yon.

I called Tita habang nasa daan ako pabalik ng Manila.

SEDUCING MY BROKENHEARTED BESTFRIEND Book 1: You Were Mine All AlongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon