Chapter 26

3.9K 61 0
                                    

[Alexander]

I hope everything went well para sa aming dalawa ni Steffi.

Now that everything is clear and i've settled my dark past. I can say that i've really moved on.

Dahil 'yon sa babaeng mahal na mahal ko ngayon. My bestfriend turned girlfirend and soon to be my wife.

Will she ever marry me? Sa pag uusap namin kahapon parang wala sa plano n'yang pakasalan ako.

"Alam ko at ramdam ko naman na mahal n'ya ako pero bakit parang ayaw n'yang magpakasal sa akin?" Napabuntong hininga na lamang ako.

"Hey, babe." Natigil ang pagmumuni muni ko when she kiss my cheek.

"Where have you been?" I asked her. Andito kami sa park. Naisipan naming magpicnic. Nakakamiss din kasi ang ganito. 'Yong walang kaproble-problema at masaya lang.

"Hmmm. I bought us cotton candy." Ang lapad ng ngiti n'ya. Para s'yang bata.

"Miss, hindi pwede sa korte ang ganyang asta. Para kang bata. Pati judge hindi maniniwalang abogado ka kapag nagkataon."

Tss! Magpout ba naman.
She sat beside me eating her cotton candy.

Ang simple lang naman ng suot n'ya pero bakit gandang ganda talaga ako sa kanya?

No make up. A plain while t-shirt, maong shorts and white sneakers for her feet. Walang ka effort effort ang isang 'to kapag pagandahan ang pinag uusapan. Lalong lumulubo ang puso ko sa kilig.

"Babe." Tawag ko sa kanya.

"Hmmm?" She looked at me while still eating those cotton candy.

"I love you." She smiled.

Halatang naiilang pa rin sa kung anong meron na kami ngayon. Dati kasi para kaming aso't pusa.

"I love you, too, baby."

Hindi ko napigilang halikan s'ya sa mga labi. Ang sweet ng laway n'ya.

"Hmmm..." She moaned as our tongue fought. Ang sarap n'yang halikan. Wala na akong mahihiling pa. Kahit halik n'ya lang kontento na ako.

"Babe, awat na. Baka kung ano pang magawa ko sa'yo dito."

Humihingal akong lumayo ng konti.

I heard her laugh.

"Ikaw naman kasi eh. Ang sweet mo yata ngayon, Mr. De Guzman?" Ayon at bumalik na naman sa pagkain ng cotton candy n'ya.

Ano'ng masarap diyan sa cotton candy eh parang sobrang tamis na ewan? Nalasahan ko sa kanyang bibig ng halikan ko s'ya.

"Hindi ka ba tataba sa pagkain mo n'yan, babe?"

"I don't think so. Masarap eh. Namiss ko lang kumain nito."

Napailing na lamang ako.

"Baka naman naglilihi ka na?"

Napatigil sya sa pagkain ng cotton candy at napalunok. Nanlaki ang mga mata at nagkakakawag na parang bata.

"Waaahh! NO! NO! NO! I'm not pregnant."

Nakakatawa ang reaction n'ya. Malamang 'di pa s'ya buntis eh nagkaperiod kaya s'ya last week. 'Di pa nga ako nakakascore hanggang ngayon.

"Babe, naman eh. Tigilan mo na 'yan. Para kang batang nagtatantrums. Pinagtitinginan ka na oh. Nakakahiya."

Pinaghahampas na naman ako.

"Bakit kasi kung ano ano 'yang sinasabi mo? 'Yan tuloy napapaisip ako."

Namumula s'ya. Nakakatuwa talaga itong girlfriend ko.

"Binibiro ka lang eh siniseryoso mo naman. Sana hindi malagay sa news ang picture mong nagkakakawag d'yan. Ahem! Ahem! Ahem! Sa nagbabagang mga balita. Isang sikat na modelo namataang nagkakakawag na parang bata sa isang park. Ang dahilan ay nabuntis s'ya ng isang gwapong Agent. Hahaha! Laughtrip 'yon babe"

Hala! 'Di natawa. Nagkakakawag pa lalo.

"Hindi nga ako buntis. Hindi."
Natatawa talaga ako. Niyakap ko na nga lang s'ya.

"Hay! Ang baby ko. Ang cute cute mo talaga, mahal. Ang sarap mong asarin."

Ngumiti naman s'ya at tumitig sa mga mata ko.

"Sana ganito nalang tayo palagi no?"

"Sana nga, baby. Sana nga."

SEDUCING MY BROKENHEARTED BESTFRIEND Book 1: You Were Mine All AlongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon