Chapter 40

2.9K 50 0
                                    

[Alexis]

I fitched Steffi.

Nakita ko s'yang bumababa sa hagdan papunta sa akin.
Sobrang payat na n'ya. Parang hindi na yata ito kumakain ah.

Her pretty face was written with sadness all over it. Nakakaawa. Pero wala akong magagawa.
Hindi ako ang minahal n'ya eh.

I offered her a wedding pero as usual she said no again.

Ano bang meron sa Alexander na iyon at hindi n'ya magawang kalimutan.

"Ready?" I asked her.

Tumango naman s'ya. Tumayo na ako at inalalayan s'ya palabas ng bahay nila.

I handed her a dozen white roses.

"Thank you for being such a nice friend, Alexis." I smiled.

"I'm glad you appreciated." She smiled back and looked out the window as we travelled to our destination.

***
She sat down on a chair as I put the white roses on the vase.

"Hi, baby. I miss you so much. I longed for you, Alexander." She said as she began to sob.

"You know what, baby? That potted plant you gave me already flowered. Ang ganda na n'ya. If flowers are male I would say ang gwapo n'ya just like you."

Hay! Kahit kailan nakakasuka talaga ang pag ibig. 'Di na nga sumasagot kinakausap pa rin.

Napailing na lamang ako.

"That's right, miss. Dapat kinakausap lagi ang pasyente ng ganyan." Nagulat ako ng may magsalita sa likuran ko. Ang doktor pala ni Alexander.

"Doc, kamusta na s'ya?" Tanong ni Steffi while holding Alexander's hand.

"Okay naman ang vital signs n'ya. His body is responding well to his medicines. Naghilum na rin ang mga sugat n'ya sa iba't ibang parte ng katawan n'ya."

"Pero bakit magpahanggang ngayon hindi pa s'ya gising?" I asked.

Halos dalawang buwan na kaming pabalik balik ni Steffi sa hospital na ito at gano'n na rin katagal na commatose si Alexander.

"We are doing what we can, sir. Lahat ng technologies at medicines na makakatulong sa paggising at paggaling n'ya ay binibigay namin. All you need to do is pray. At kausapin mo s'ya araw araw, Hija."

Steffi nod and kissed Alexander's hand. She really love him that much.

[Steffi]

"Baby, gumising ka na naman oh. Miss na miss na kita."

Nakahawak lang ako sa mga kamay n'ya habang tinititigan s'ya. Wala pa rin s'yang malay hanggang ngayon.

Ginagawa naman ng mga doctor ang lahat pero wala pa rin. Nananatili lang s'yang mahimbing sa mahabang pagkakatulog.

"Baby, please naman oh. Alam kong matapang ka. Sobrang tapang mo na alam kong malalampasan mo rin ang bangungunot kung saan ka man naroroon sa ngayon."

Sobrang mahal ko si Alex na kahit abutin pa ng habang buhay. Kahit manatili lamang s'yang tulog, aalagaan ko ang pinakamamahal ko.

Marami akong sinayang na pagkakataon. Mga araw na inaaway ko s'ya kahit wala naman talaga s'yang kasalanan.
Mga tampuhang araw pa ang aabutin bago maayos.
Aminado naman akong naging pasaway. Nagkaroon ng pangamba. Naisuong ko pa sya sa panganib pero heto't s'ya at walang ibang ginawa kundi ang mahalin lamang ako ng lubusan.

He is one of a kind. A caring and loving bestfriend/boyfriend.
Tama nga sila. Wala ng iba pang gaya n'ya sa mundo. Nag iisa lang s'ya.

"Baby, naman eh. Gumising ka na naman oh. Sige ka hindi mo na ako matitikman pa." Napailing na nangingiti na lamang ako sa sinabi ko.

Pero nagulat ako ng pagtingin ko sa kanya ay nakadilat na ang kanyang mga mata.

"Baby? Alex? Gising ka na? Talaga ba? Nurse! Doc! Gising na s'ya." Halos lumundag sa tuwa ang puso ko.

I pinch myself. Totoo nga. Nakadilat na s'ya. Totoong gising na nga s'ya. Nakangiti habang sinasagot ang tanong ng sumusuring doctor.

"Hija, okay na s'ya. Please excuse me. I will inform Don Eduardo that his grandson has waken up." Nakangiting sabi ng doctor at lumabas na sa kwarto.

Nilapitan ko s'ya. Nakangiti s'yang nakatingin sa akin. 'Yong ngiting masayang masaya.

"Hi, bestfriend. Bakit ikaw ang nandito?" Nakangiti pero maya maya ay napakunot ang noo n'ya.

Did he just call me bestfriend? BESTFRIEND? Naguluhan ako. Bakit? Anong nangyari sa kanya?

"Nasaan si Trisha? 'Di ba s'ya dapat ang nandito? Hmmm. Nagpapamiss na naman siguro 'yon." Nakangiti nitong pahayag.

Ako itong nauupos na napaupo sa katabing silya.

"Best? Bakit? 'Di ka ba masaya na okay na ako?"

Nakangiti nitong tanong sa akin.

"Masaya ako, Alex. Masayang masaya ako."

Masaya ako na gising na s'ya pero hindi yata magiging madali ang muli n'yang paggising.

SEDUCING MY BROKENHEARTED BESTFRIEND Book 1: You Were Mine All AlongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon