Chapter 11

3.9K 74 1
                                    

[Steffi]

Tumalikod ako kay Alex. Sa pagtalikod kong iyon ay sinigurado kong hindi na ako babalik pa.

Hindi naman ako martir na kagaya ng iba. Tama nang sinubukan kong ayusin ang kung ano mang meron kami.

Paano ako lalaban kung 'yong mismong taong ipinaglalaban ko ang s'ya mismong nagtataboy sa akin?

Naisip ko ang stalker ko. Ang taong sabi ni Alex ay gustong pumatay sa akin.

Funny pero gusto kong hanapin s'ya. Magpakita mismo sa harapan n'ya at hahayaan ko s'yang patayin ako. Mas gusto ko nalang yatang mamatay.

My phone rang.

Sana si Alex ang tumatawag.
Kapag siya ang tumatawag at pinababalik n'ya ako meaning niyon ay biro lamang ang lahat ng nangyari ngayong araw.
Gusto parin siguro n'yang makipagbalikan sa akin at kalimutan ang lahat.

But when I looked at the screen it is Mommy who's calling.

"Mom." I answered her call and started to cry.

"Baby, Alex called me. Did you really left his Lola's house?"

Hahaha. He called my Mommy and not me.

Sh*t lang eh. Why does he have to care? S'ya ang dapat umayos nito dahil s'ya naman ang nananakit sa akin.

"Yes, Mom. I'm staying away from pain."

"Anak. Please come home to Mommy. Pag-usapan natin 'to."

"I was calling you earlier. You and Dad. But you were out of reach. Always out of reach!" Singhal ko sa kanya.

"Steff, anak alam mo namang kailangan lang naming magtrabaho ng Daddy mo para sa future mo."

"Hahaha. The hell with that damn future! Future what? I'm not going to the future! You know what, Mom? I'll stop by here. I'll end this life and i'm not getting into that damn future."

"Anak, please calm down. Your just drunk. Aayusin natin 'to, anak. Please come home please."

"Now you are begging me Mommy. And you expected me to give in? But what about me? I begged for Alexander's love, I begged for him to stay and fix things but he answered no. I would have to say no, too, Mommy."

"Anak, please. Stay where you are. We are going to get you. Please."

"Why not, Mom? After all i'm not that hard-headed and cold-hearted like Alex. I'm gonna stay in a bar here in Batangas. I am giving you until 5 am. If you're not going to be here. No Steff is going home alive."

I ended the call.

Pinaharurot ko na ulit ang kotse and headed to the bar where I came from earlier. I'm gonna wait in there until 5. I've decided.

***
This maybe the longest day of my life. Ito na rin yata ang pinakamaraming nainom ko. I am so dizzy. Hinihila na ako ng antok at hilong hilo na ako.

Pero bakit ganito? I can't still forget what happened yesterday.
It pained me so much.

"Steff."

Someone called me from the back.

Nilingon ko kung sino man ang tumatawag sa akin. Medyo malabo s'ya sa paningin ko. Marahil dahil sa pag-iyak at sa pagkaantok na rin. What's familiar with me is his voice.

"Hey, Alex. Sinusundo mo na ba ako?" Tumawa ako ng pagak. As if naman.

"Sasamahan kita dito hangga't hindi pa dumadating ang Mommy mo para sunduin ka."

"Tss! I don't need you here, Alex. Just go!"

"Huwag ng matigas ang ulo mo, Steff."

"Mabuti ang ulo ko lang 'yong matigas sa akin, Alex. Eh ikaw? Puso mo ang matigas sa'yo, Alex!"

Dinuro ko ang tapat ng dibdib n'ya. Pinagsusuntok ko ito.

"Stop it, Steff! Ginawa ko naman ang lahat. Binigyan naman kita ng chance. Binigyan ko tayo ng chance. Pero wala talaga. Hindi natuturuan ang puso, Steff."

"Tama ka, Alex. Hindi nga natuturuan ang puso. Kung kaya ko lang ba eh hindi na sana kita minahal ng ganito. Hindi ko na sana nararamdaman itong sakit na 'to." Tinuro ko pa ang harap ng dibdib ko.

Sa sobrang galit na nararamdaman ko ay nabasag ang basong hawak ko ng ibagsak ko sa table pagkatapos kong masaid ang laman nito.

Nagdudugo na naman ang kamay ko. Pero I don't even care.
Ni hindi ko nga maramdaman ang sakit sa mga kamay ko. Pero ang sakit sa puso ko? Oo! At sobrang sakit na nito.

"Sh*t!" Narinig kong mura n'ya.
Humingi s'ya ng first aid kit sa bartender.

"Akin na 'yang kamay mo. Be reasonable, Steff. Hindi tamang saktan mo ang sarili mo ng ganito."

"Tss! Ikaw lang pala ang pwedeng manakit sa akin kung ganoon? Hayaan mo na 'yan. Buti nga kung ikamatay ko 'yang pagkaubos ng dugo ko."

Binawi ko ang kamay kong ginagamot n'ya. Pero talagang malakas s'ya at nagawa n'yang tapusin ang pagbebenda sa kamay ko.

"Tss! Don't act as if you care, Alex."

"Maiintindihan mo din ako, Steff. Dapat si Jen ang mahalin ko dahil 'yon ang mas tamang gawin."

"Tss! Wag mo nang ipamukha sa akin, Alexander! Kung nagpunta ka dito para saktan pa ako lalo pwede ka ng umuwi dahil nagawa mo na ang dapat mong gawin. Nasasaktan na ako ng sobra."

Hindi ko mapigilang tumulo ang luha ko. Sobrang sakit na kasi na kung hindi pa 'to mailalabas ay baka sumabog na lamang ako bigla.

"I'm sorry, Steff."

"Hahahaha. You have to be sorry. Pero alam mo rin namang wala ng magagawa pa 'yang sorry mo, Alex."

Buntong hininga lamang ang narinig ko mula sa kanya.

"Get out in here, Alex. I don't need you anymore. Huwag kang mag alala. Hindi ako magpapakamatay. Gagawin ko ang nararapat para makalimutan ka." I said before I passed out.

SEDUCING MY BROKENHEARTED BESTFRIEND Book 1: You Were Mine All AlongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon