Chapter 18

4.1K 65 1
                                    

[Alexander]

Araw araw kong sinusundan si Steff. Nakatago lang ako sa kung saan. Minsan ay tinatanaw ko lang s'ya sa malayo. Pero never ko na s'yang nilapitan pa.

Ang hirap. Abot kamay ko lang s'ya at wala ng Leandro na hahadlang pero heto't nababakla yata akong lumapit pa sa kanya.

Everyday I send her flowers. Sa bahay nila, sa photoshoot n'ya, pero lahat itinatapon n'ya lang sa basurahan. Hindi ko naman kasi s'ya masisisi kung galit talaga s'ya sa akin.

I even wrote her a letter at ng dinala 'yon ng mailman sa kanila, I saw her tore that piece of paper and throw it in a trashcan nearby.

I tried to go near her again, sa bar, where she usually hang out with friends. She's on her usual spot. Nakapangalumbaba sa may bar counter while drinking her Tequilla.

"Steff?" I called her name to get her attention. Tumingin s'ya saglit sa akin. 'Yon lang at iniwas na n'ya ang paningin n'ya.

"Anong kailangan mo?" Walang kabuhay buhay nitong tanong.

"Can we talk?"

"No." Maikli n'yang tugon.

"Please?" Pagmamakaawa ko naman.

"I said, no. And please leave me alone. Get out of my sight."

"Baby, please. Kahit saglit lang, kausapin mo naman ako."

"Don't you ever dare calling me 'baby' again! Kung hindi? Ipapadampot kita sa mga bouncers dito."

Napabuntong hininga na lamang ako.

"Ganyan na ba katigas ang puso mo, Steff?"

"Hahaha! You made me like this, Alexander, so bear with it. Now, if you don't have anything to say, will you please excuse me?"

Tinalikuran na n'ya ako.

Napailing na lamang ako at napabuntong hininga.

I saw her dancing with the guys again. Nanggagalaiti na talaga ako pero wala akong magawa. As she have said, I made her like this.

Kung makikinig lang sana s'ya sa akin. Kailangan ko nang gumawa ng paraan.

[Steffi]

It was a tiring day for me. Kagagaling ko lang sa Baguio for a fashion show.

Pagod na pagod ako at gutom.
Hindi na ako dumaan pa sa restaurant para kumain. Dumiritso na agad ako ng uwi.

Gusto ko ng magkulong sa kwarto ko at matulog maghapon.
Matutulog nga lang ba ako? O iiyak na naman?

Ewan ko ba at mahigit isang buwan na ang nakalipas mula ng magbreak kami ni Alexander pero heto't nagluluksa pa rin ang puso ko.

I drowned my self on bottles of beer every night para lang makatulog at makalimot pero paanong mangyayari 'yon kung bigla-biglang sumusulpot nalang mula sa kung saan ang animal na 'yon?

I've heard the news about him killing a druglord. He was shot pero sa nakikita ko ay okay naman s'ya. Lalo pang nadagdagan ang galit ko when I heard that he's with Jen at that time. Pareho silang nabaril. Siguro natuwa pa ako kung pareho silang namatay.

Mga walanghiya!

Napapatiim bagang na lamang ako tuwing naaalala ko ang mang aagaw na malanding Jen na 'yon.

Napabuntong hininga na lamang ako sa isiping 'yon at pumasok na sa bahay.

Laking gulat ko ng madatnan ko sina Mom at Dad na kausap si Alexander sa sala.

SEDUCING MY BROKENHEARTED BESTFRIEND Book 1: You Were Mine All AlongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon