Chapter 51

4.2K 63 0
                                    

[Steffi]

Nagising akong masakit ang ulo.
Nasobrahan yata ako sa pag inom.

"Jacob! Baby? Jacob!"

Nakapagtataka.

Usually kapag ganitong oras ginigising na n'ya ako. Its past noontime.

"Yaya? Yaya. Nakita mo ba si Jacob?"

Namumutlang pumasok sa kwarto ko ang yaya nito.

"Hindi po, Ma'am Steff. Kanina ko pa nga s'ya hinahanap. Nilibot ko na po ang buong subdivision pero wala po si Jacob." Umiiyak na sabi ng yaya nito.

Oh God! Where is he?

"Sana ginising mo agad ako, Ya."

Napabangon ako bigla.

"Kanina ko pa po kayo ginigising, Ma'am pero ang lalim po yata ng tulog ninyo."

Napailing na lamang ako. Kung bakit kasi uminom pa ako. Napasobra yata kaya hindi agad ako nagising.

"Tara, Yaya, hanapin natin."

Hinanap ko s'ya sa buong bahay.
Pati na rin sa kwarto niya.
Wala ang bag n'ya. 'Yong paborito n'yang dinadala. 'Yong may laman na photo album mula ng maliit pa s'ya. Gustong gusto n'yang ipakita 'yon sa Daddy n'ya kapag nagkita na sila.

"Kay Alex. Baka pumunta s'ya kay Alex." I concluded. Nag ayos ako at nagdrive patungong MGC.
Halos paliparin ko na ang kotse makarating lang agad sa MGC.

***
Humahangos na pumasok ako sa opisina ni Alexander to confront him and ask if andito si Jacob ng matigilan ako sa nakita.

Natutulog si Alexander sa sofa habang nakayakap sa natutulog ng nakadapa na si Jacob sa kanya.

Tears started to fall from my eyes.

"Oh God! My babies."

Nilapitan ko sila and planted a kiss in each of them.

Naramdaman yata ni Alexander and presensya ko at nagmulat ito ng mata.

Confusion was written in his eyes but he can't deny his happiness.
Maybe Jacob told him the truth already.

"Mana s'ya sa akin. Ang gwapo rin n'ya." His first word after a long silence.

Tears filled his eyes as he captured my hand and kissed it.
Tumango ako and touched his cheek.

"He look like you, Alex. Kaya never kitang nakalimutan kahit nasa Amerika ako. He remind me na kailangang magpakatatag ako at ayusin ang sarili ko para makabalik agad sa'yo. I'm sorry if it took me four years."

Bumangon s'ya at inayos sa pagkakahiga sa sofa si Jacob.

He hugged me. Sobrang higpit. Its as if he don't want to let me go again.

"Why did you have to hide him from me, Steffi? Why? I should have been there habang pinagbubuntis mo s'ya. Habang nahihirapan ka at mag isa. Dapat kasama mo ako para naalagaan kita." He said as he kiss my temple.

"I'm sorry, Alex. I had to do it. Kailangan kong ibangon na muli ang sarili ko. Nasaktan ako ng sobra sa mga nangyari." He hugged me even more.

"I'm sorry, baby. I'm really sorry. Naging marupok ako. Nalunod ako sa galit dahil sa pag iwan mo sa akin."

"Dahilan ba 'yon para mangbabae ka ha, Alexander?"

Kumawala ako sa pagkakayakap n'ya at tinitigan ko s'ya ng matalim.

Napakamot naman ito sa batok.

"I'm sorry na, baby. Aminado naman ako sa pagkakamali kong ito." Sinampal ko nga.

"Aray ko naman. Baby, naman eh. 'Yan din ang pasalubong mo sakin pagbalik mo ah."

"Gago ka kasi. Ang landi mo."

"Sorry na nga po. Sorry na." He is about to kneel in front of me.

"Don't do that, Alex. Mahal kita. I will always forgive you. Iintindihin kita hanggat makakaya ko."

He smiled and capture my lips for a long and passionate kiss.

"Hmmm... Awat na, Alex. Baka madatnan pa tayo ni Jacob ng ganito."

He smiled and hug me more.

"Teka paano na 'yong Mhelody?" I eyed him. Kung 'di ko lang 'to mahal baka naputol ko na ang pagkalalaki nito. Sobrang palikero ng gago kaya nakabuntis ng wala sa lugar.

"Now that your back? At nalaman kong may Jacob tayo? No one and nothing could ever make me leave you again. Ipaglalaban ko kayo, Steffi. Kahit walang Jacob ipaglalaban kita. Dahil mahal na mahal kita. Sobrang mahal na mahal."

I smiled. I can saw sincerity in his eyes.

"Paano ang bata? Walang muwang 'yon. Kawawa kapag nagkataon. Ayokong mawalan din s'ya ng ama gaya ng nangyari kay Jacob."

"Don't worry, baby. Kukunin ko ang bata kay Mhelody. Kung okay lang sa'yo gusto kong tayo ang magpalaki sa bata."

"That is kung ibibigay s'ya ni Mhelody sa'yo. Kung ako man na isang ina ayokong mahiwalay sa sarili kong anak. I can't imagine life without Jacob, Alex. I'm sure hindi magiging madali 'to."

He remained silent for a while and then looked at Jacob and then he stared at me.

"Ipaglalaban ko kayo, Steff. Bubuuin natin ang pamilyang ito."

He kissed me more passionately this time.

"Tss! You adults are always like that. You fought and then you were okay again. You guys are weird." Natawa kami pareho ni Alex.

Hay! He is always our angel. He binds us together. He is the reason why we keep on fighting for happiness.

[Steffi]

Nagising akong nakangiti.
Ang ganda kasi ng panaginip ko.
Ikinasal daw kami ni Alexander.
Mayamaya pa ay may kumatok sa pintuan.
Atat na atat yata ito.

"Steff. Bilisan mo. Magbihis ka. Si Alexander." Humahangos na agad itong pumasok sa loob pagbukas ko ng pintuan.

"Bakit? Anong nangyari?" Natataranta akong pumasok sa loob ng kwarto at naghagilap ng susuotin.

"Heto isuot mo 'to. Bilisan mo." Sa pagkataranta ay isinuot ko ang damit na inabot ni Thadz.

"Bilisan mo, Steff. Hihintayin kita sa labas." Tumalikod naman ito.

Natataranta na kasi ako kaya nakalimutan ko ng pumasok sa banyo para magbihis. Doon na mismo malapit sa kama ko sinuot ang damit na ibinigay ni Thadz.

Dali dali akong sumunod kay Thadz pagkatapos mag ayos. Bahala na kung ano ang itsura ko.

"Thadz, anong nangyari kay Alex?" Tanong ko agad pagpasok ko sa kotse nito.

"Si Alex, Steff, ikakasal." Nagitla ako sa narinig.

Naglaki ang mga mata kong napatitig sa kanya.

"Kay Mhelody ba?" Tinitigan lang ako ni Thadz. Hindi s'ya sumagot. Silence means yes.

"Bilisan mo, Thadz. Kailangang makaabot ako. Hindi pwedeng ikasal si Alexander sa ibang babae."

Pinasibad naman nito ang kotse.
Lahat ng sakripisyo at pagtitiis ko ay para lamang mabuo ang pinapangarap kong pamilya.
Pero heto't nakaambang may umagaw ng tuluyan sa aking kaligayahan.

Hindi ako papayag na mapunta lamang sa wala ang aking sakripisyo.

Hindi ko hahayaang masira lamang ng kung sinong babae ang pangarap kong masayang pamilya para kay Jacob.

"Thadz, bilisan mo. Baka hindi tayo umabot." Halos mangiyak ngiyak na ako.

"Gago ka, Alexander. Gago ka! Hindi ka marunong lumaban para sa 'min ni Jacob."

SEDUCING MY BROKENHEARTED BESTFRIEND Book 1: You Were Mine All AlongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon