Chapter 3

6K 181 12
                                    

April 3, 2016
(Sunday)

Itinadhana

Palabas na ako ng simbahan nang biglang nag vibrate iyong phone ko. Hinugot ko sa bulsa ang cellphone at nakitang si Olly lang pala ang nag text.

Hindi ko na kasi nakita kagabi sa party iyong bruha. Hindi ko alam kung saan sila nag punta ni Black. Sana lang talaga hindi sila pumasok ng kwarto. Mahal ko kaibigan ko at kung magkaka-boyfriend siya I would not wish for her to end up with a fuckboy.

Binalik ko na sa bulsa ang cellphone ko. Mamaya ko nalang sasagutin ang text ni Olly kapag nasa bahay na ako. Lumabas na ako ng simbahan at naglakad papuntang tambayan ng mga trisikel. Malapit lang kasi sa bahay namin ang simbahan.

Paliko na ako sa kanto nang biglang may grupo ng kabataang mga kalalakihan ang nagsitakbuhan. Napasunod ako ng tingin doon sa mga tumatakbo.

May mga tanod na paparating kaya naglakas loob na ako na sigawan yong mga lalaking pinagsisipa iyong lalaki na nakahiga na sa lupa. Agad tumakbo palayo ang mga lalaki nang makitang nasa likuran ko na ang mga tanod.

Niyuko ko iyong lalaking nakahilata na sa lupa. Tumatawa pa siya sa lagay niyang iyan?
"Miss, kilala mo ba ang lalaking ito?" Tanong sa akin no'ng isang tanod.

"Dayu siguro 'to. Ang gara ng sasakyan, malamang napagdiskitahan ng mga tambay." Sabi naman no'ng isa pang tanod. Napalingon ako sa tinukoy nitong sasakyan. Anakngpuchaness! Kotse ni August 'to ah.

"Kilala mo ba ito, Miss?" Muling tanong sa'kin ng tanod. Napayuko ako at nakita ang kamay nito. August's tattoos.

"Opo. Kaibigan po siya ng kaibigan ko." Sagot ko.

"Sumama ka na sa amin sa ospital." Tumango nalang ako at sumakay na rin sa patrol car nila habang hinihintay na isakay nila si August.

Nagising ako dahil sa gumagalaw iyong kama ko. Pag-angat ko ng ulo naalala ko na nasa-ospital pala ako. "Uy!" Sigaw ko nang makitang tinatanggal ni August ang hose ng dextrose niya. "Anong ginagawa mo?" Pinigilan ko siya kaya napahiga nalang ulit siya sa kama.

"Putang ina! Bakit andito ako?" Mura niya sabay hampas sa unan.

"Kung hindi pa ako dumating paniguradong wala kana dito." Tumawag ako ng nurse para ikabit ulit ang dextrose niya.

"Hindi ko na kailangan yan." Sabi niya sa nurse.

"Miss, okay lang ba kung hindi nalang ikabit yan?" Tanong ko sa nurse habang nakatingin don sa kamay ni August na dumudugo.

"Conscious namana po siya, okay lang po." Sabi ng nurse.

"Sige wag nalang po. Pwede po bang makihingi nalang ng cotton balls na may alcohol?" Tumango lang iyong nurse at lumabas na ng ward.

"Pakialamera." Rinig kong bulong nito.

"Anong sabi mo?"

"Kung hindi ka nangialam, di sana kasama ko na ngayon si Dianne!"

"Sa tingin mo ba kung namatay ka makikita mo siya sa kabilang buhay? Pano kung hindi? Edi nagsisi ka?" Tanga.

The Day April FallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon