Chapter 11

4.1K 146 30
                                    

April 11, 2016
Monday

If a man expresses unusual gesture towards his friend, what would be the exact meaning of it?

"Good morning, sunshine!" Nilabas ko sa bintana ang kalahating katawan ko habang niyayakap ang simoy ng hangin.

Iba talaga ang hangin sa probinsya!

Pinikit kong mabuti ang mga mata ko habang ninanamnam ang hangin. "Sana hindi na matapos ang bakasyong ito!"

Minulat ko ang mga mata ng ilang segundo at muling ipinikit. Lahat ng kaganapan kagabi ay biglang nag flashback sa utak ko. Ang pag hawak ni August sa braso ko. Ang pagngiti ni August ng lihim. Ang pagtitig niya. Ang pagbukas niya ng pinto ng kotse sa akin.

Ang paghalik ni Dominic sa ulo ko. A scene that stopped me. Mabilis na minulat ko ang mga mata at bumaba ng bintana. Napahiga ako sa kama habang pilit ni iwinawaksi ang ginawang paghalik ni Dominic sa ulo ko.

DAPAK?

Crush ba ako ni Dominic?

Awkward naman! Magkaibigan kami simula pa nong mga uhugin pa kami tapos biglang hahalik nalang siya sa ulo ko habang nakayakap? Ano yun?

Diba wala lang yun? Oo wala lang yun, April! Dapat wala lang yun para walang *kru* *kru* pag nagkita na ulit kami ni Dominic.

Nagpapakain ako ng mga bebe nang biglang may bumusina. Napalingon ako sa labas ng bakuran namin at lumabas ng kotse si Agatha at Dominic. Hinanap ko si August pero wala ito sa loob ng kotse. Bakit wala siya?

BAKIT KO SIYA HINAHANAP? YUN DAPAT ANG TANONG!

Mabuti nga at wala siya diba? Ibig sabihin hindi ko makikita ang mukha niya.

"April!" Tawag ni Agatha sa akin habang nakatayo sa labas ng pinto ng front seat. "Dali na!"

"Busy ako!" Sabay taas ko sa hawak-hawak kong balde na may lamang pagkain ng mga bebe.

"Ako na dyan." Biglang agaw ni Harvey sa hawak ko. "Pinagpaalam ka na ni Dominic kina Lolo."

"Oh, bakit ang suplado mo?" Tanong ko. "Kasi hindi ka pinayagan? Kung gusto mo ikaw nalang ang sumama sa kanila." Sabi ko sa kanya. Pero hindi naman ako kinibo. "Uy, Harvey!"

"Huwag na. Babasagin lang ni Agatha ang puso ko."

"Ano?" Ang cheesy ng piste!

"Dali na!" Rinig kong sigaw ni April. "Mahuhuli na si Dominic sa karera!" Sigaw ulit nito.

"Sige na! At baka hindi pa umabot si Dominic." Maktol pa ring sabi ni Harvey.

"Sigurado ka?" Tanong ko sa kanya sa huling pagkakataon.

"Oo. Huwag mo nga akong pilitin! Gusto pang tumibok ng puso ko kaya pwede ba! Maki-cooperate ka naman sa sugatan kong puso."

"Oo na! Ang keso mo!" Tinapik ko muna siya sa likod bago ko siya iniwan. Pumasok muna ako sa bahay at nagpaalam kay Lola Lolita, wala si Lolo dahil may delivery ng mga gulay ngayon sa public market.

The Day April FallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon