Chapter 27

3.4K 117 9
                                    

April 27, 2016
Wednesday
Gone

Gusto kong humiyaw sa inis at galit dahil sa caller. Ilang beses kong pinatay ang tawag ng caller ngunit ayaw paawat nito. Puyat at walang ganang sinagot ko ang tawag.

"Good morning, girl! Gising! Gising! May utang ka pang kwento sa akin! Ano na? Anong nangyari sa one night stand?" Bungad ni Olly sa kabilang linya.

Napamura nalang ako sa isip ko habang nag kukusot ng mga mata. "Talaga lang, be? Itinawag mo ng ganto kaaga yan? Be, wala pa akong tulog, utang na loob!" Pinatay ko na agad yung tawag niya at nag talukbong ulit.

Ilang beses kong narinig ang muling pag tunog ng cellphone ko. Pinabayaan ko na mapagod si Olly at pinilit na makatulog. Alas sais na ng umaga at kahit idlip hindi ko nagawa.

Walang hiyang Olly! Bad trip.

Saan ba ako na bad trip talaga? Kay Olly ba o kay Tadhana? Masyado siyang hard sa akin. Bakit pa kailangan niyang idugtong sa buhay ko si August kung mapuputol lang rin naman pala sa dulo?

Hanggang kailan ba kami pahihirapan? Hanggang kailan kami mag titiis? Hanggang kailan niya matatanggap ang nakaraan? Hanggang kailan ako mag hihintay? Hanggang kailan ba matatapos lahat ng ito? Masyado ng madrama ang buhay ko.

"Mercado! Gumising ka na diyan. Sabi ni Lola sama ka sa bukid!" Sigaw ni Harvey sa labas.

Nanatili pa rin ako sa pag talukbong. Pumasok si Harvey kaya wala na akong mapagpipilian. Nag sinungaling ako na masama ang pakiramdam ko para lang tigilan niya ako.

"Sige na, Harvey. Ikaw na sumama kay Lola." Sabi ko pa. Umiiling na nginatngat niya ang toothbrush niya. "At pwede ba, mag T-Shirt ka. Mapapa-almusal ako sa abs mo ng wala sa oras eh." Humagalpak ito ng tawa kaya lumabas sa bibig niya ang bula-bula sa bibig niya.

"Wag mo kong daanin sa bola mo. Hindi ako pwedeng sumama kay Lola, beybi! Naka-toka na ako sa pag sama kay Lolo sa pag hatid ng mga itlog sa palengke." Sabi niya. Nag pa cute ako ng todo-todo hanggang sa nakuha ko na rin siya sa pa ubo-ubo ko.

"Sige na nga! Kung hindi lang kita pinsan eh. Pahinga ka nalang." Aniya. May kung anong tumalon sa utak ko, ako lang pala iyon. Sa sobrang saya ko para akong tangang nakatitig sa kisame habang nag kunwaring nauubo kahit wala na si Harvey sa kwarto ko.

Kailangan ko na talagang matulog.

Pasado alas dos na ako nagising. Wala pang tao sa bahay. Nasa bukid pa marahil si Lola at maaaring sumunod sina Lolo at Harvey doon. Tuloy naisip ko kung gaano ako ka walang kwentang apo. Pina punta ako rito ni Mama para makatulong tapos heto ako at pabebe lang.

Nag ayos ako ng sarili. Pag katapos kumain ay nag handa ako ng damit at tsaka naligo. Susunod ako sa bukid. Tutulong ako roon at nang mag kasilbi naman ako kahit papano.

Tapos na ako lahat at handa na sanang lumabas ng bahay nang biglang pumasok si Harvey. Itatanong ko na sana kung bakit nauna siyang umuwi nang mahagip ng mga mata ko ang kotse ni Dominic sa labas.

Kumaway ito ng makita ako. Tumango ako tsaka nginitian siya. Sinundan ko si Harvey sa kwarto niya at tsaka tinanong kung anong meron at bakit mag kasama sila ni Dominic.

The Day April FallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon