Chapter 19

3.7K 160 29
                                    

April 19, 2016
Tuesday

"Philophobia -The fear of falling in love or emotional attachment. The risk is usually when a person has confronted any emotional turmoil relating to love in the past but also can be chronic phobia." I sigh. Binaba ang phone sa dibdib at napatitig sa kisame.

"August is afraid of falling in love again?" Nasabi ko nalang sa sarili ko habang binabalikan ang nangyari kagabi. The heck, April! Bakit mo ginawa yun?

I just kissed August last night. The fuck!

Lumabas ng banyo si Agatha at umikot-ikot sa harap ko. "Tadaaa! Ang ganda ko ba?"

"Oo beh. Dyoga na dyoga." Natatawang sabi ko. Yumuko siya at tinakpan ang dibdib niya.

"Bastos! Huwag mong titigan! Kay Dominic lang 'to eh! Tara na nga!" Aya niya sa akin sabay labas ng kwarto.

Bumangon na ako at inayos muna ang kama bago nag tuloy sa pinto. Pagsara ng pinto, nakita ko si August na kakalabas lang rin ng silid nila. He turned and saw me standing outside my room, staring at him. Mabilis na pinihit ko yung pinto at pumasok uli.

Leche! Nakakapang-init talaga ang titig niya.

Nakasandal sa pinto na napahawak ako sa parehong pisnge. Sa init niyon pwede nang paglutuan ng itlog.

Memories of that evening were still vivid. Pikit ang mga matang sinasariwa ang ganapan kagabi.

I kissed August.

He kissed me back...

God, it's frustrating thinking why did I do that. But that kiss... that kiss...

Everything went still. I placed my fingers on my lips, tracing back and forth. It's just so unbelievable. It was suppose to be our second kiss but it was 'the real first kiss'

Our first real kiss...

Alam kong kagagahan yung ginawa ko, pero hindi ko pinagsisihan yun. Kalandian mang pakinggan pero hindi eh. Hindi lang basta kalandian yun.

"Aykalandian!" Hawak ang dibdib na napatalon ako sa gulat nang biglang may kumatok. Must be Agatha. Binuksan ko na agad ang pinto dahil alam kong hinihintay na ako sa baba nang biglang pumasok agad ang kumatok sa labas nang hindi ko pa man nabuksan ng maigi yung pinto. At dahil hindi ko naman alam na papasok ito ay nagkabanggaan kami pag hakbang ko para makalabas.

I was shocked when I realized that the body of the person who's pushing me was not a girl's body. It was a man's -it was August.

Mas nagulat pa ako nang makitang ini-lock ni August ang pinto. No, terrified would be the right word.

Nag panic agad ako nang itinulak niya ako papunta sa banyo.
"Uy, Sandali!" Binigatan ko yung katawan ko pero, hello, ano namang panama ko sa lakas ni August? "August, sandali!" I shrieked.

Mahabagin, ito na po ba yun? Isusuko ko na ba? Kay August? Hindi pa po kasi dapat, diba? Pero kung talagang gusto niya na, may magagawa pa po ba ako? Wala po akong binatbat sa lakas niya kung pipilitin niya po ako. Pero kung pipilitin niya po ako, rape po yun diba? Mahihiya po ang salitang rape sa kagwapuhan niya.

The Day April FallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon