Chapter 5

5.3K 180 34
                                    


April 5, 2016
(Tuesday)

Stay

"Magandang araw, Ka Maning!" Bati ko kay Ka Maning. Huminto ako saglit at hinitay siyang makatawid kasama ang kalabaw nito.

"Magandang araw din sa'yo, April. Nakabalik ka na pala."

"Opo. Kahapon lang po. Papunta po ako ngayon sa Hacienda, may delivery lang po ng itlog." Sabi ko kay Ka Maning.

"Nagdala ka sana ng payong. Tirik pa naman ang araw."

"Okay lang po ako Ka Maning. Mauna na po ako." Nagpaalam na ako kay Ka Maning at nagpatuloy na sa pagpedal ng bike ko.

Huwag ko lang sana makita si August sa Hacienda.

Kung bakit naman kasi ngayon pa inatake ng rayuma si Lolo Andres. Tapos may lagnat pa si Harvey. Kapag minamalas ka nga naman, sagad hanggang kabilang mundo.

Malaki ang Hacienda Ella, April. Siguro naman sa mga oras na ito ay tulog pa ang lalaking iyon.

Habang papasok na ako ng malaking gate ng Hacienda Ella biglang may bumusina sa likuran ko. Paglingon ko ay binaba ng driver ang salamin ng kotse niya.

"Good morning, April." Kumukinang na mga ngipin ang agad bumungad sa akin. "Ano yang dala mo?"

"Delivery." Sabi ko.

"Ahh. Eggs. I missed those eggs. Kung wala ka lang dalang bike isasakay na kita sa kotse ko."

"Okay lang. Sige na, pasok na po mahal na prinsepe." Tinawanan lang ako ni Dominic.

"Mauna ka na. Convoy lang ako."

"Wag na. Gusto ko namnamin yong moment, baka magmukhang naghahatid tayo ng patay." Tumawa lang siya ulit.

"Hihintayin nalang kita. Take your time, sweety." Sabay kindat niya. Tumango lang ako at hinintay ang pag larga ng kotse niya.

"Good morning, Kuya Jose!" Bati ko sa guard ng Hacienda. Kumaway at binati niya rin naman ako kahit di naman niya maalala ang pangalan ko.

Nakakainggit talaga ang mga apo nitong si Donya Ella. Secured na ang future. Di bale, pag ako yumaman, wala nang aalahanin sa buhay ang mga apo ko. Balang araw.

Dumerecho na ako sa likod ng mansion bago pa ako makita ulit ni Dominic. Ayokong mag tagal sa hacienda nila, mamaya makita ko pa si August.

"Magandang umaga, Aling Tessa!" Bati ko sa kusinira ng mga Briones. Si Aling Tessa ay matalik na kaibigan ng inay. "Special delivery." Sabi ko sabay lapag ng mga itlog sa mesa.

"Salamat, April. Sandali at kukuha ako ng pera." Tumango lang ako at umupo muna saglit. Ilang sandali lang ay bumalik na rin si Aling Tessa. "Paki sabi nalang sa Mama mo nangungumusta kamo ako."

"Opo. Mauna na po ako. Malayo pa po ang pepedalin ko." Natatawang sabi ko. Lalabas na sana ako nang biglang pumasok si Dominic. Nagmamadali akong lumabas ngunit nakita niya na ako.

"April!" Tawag niya sa akin. Pag minamalas ka nga talaga.

"Uy?" Parang engot akong ngumiti pag harap sa kanya.

The Day April FallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon