Chapter 9

4.5K 157 27
                                    



April 9, 2016
Saturday

"DI BA SABI KO SA'YO PAG MAGPAPAKAMATAY KA SIGURADUHIN MO NA WALANG MAKAKAKITA SA'YO NANG MATULUYAN KA NA!" Dala ng galit, muling tumaas ang kamay ko at nag landing sa mukha ni August. Pustpa sya! Kung magpapakamatay siya pwede namang gawin niya ng tahimik. Gawin niyang sekreto. Yung walang ibang makakasaksi sa pagpapakamatay niya. Yung walang makokonsenysa pag di siya mailigtas. Hindi yung harapan niyang ginagawa ang suicidal act niya sa amin! Anong tingin niya sa sarili niya, cool siya? Hindi uy! Muntanga! Mukha. Siyang. Tanga. Period!

"Tip lang ha? Gawin mong simple ang suicidal act mo. Bakit di ka uminom ng lason at mag kulong sa loob ng silid nang mag isa? Bukas na bukas wala ka ng buhay, edi masaya! Successful ka!" Sapo ang pangang umiiling lang siya. "Bahala ka sa buhay mo, punyeta ka!" Tumalikod na ako at iiwan na sana siya nang biglang hinawakan niya ako sa braso at marahasang inikot paharap sa kanya.

I was shocked of what just happened. Sapo ang pisngeng tumingala ako para makita ang pagmumukha ng walang hiyang lalaking sumampal sa akin. "Sinampal mo 'ko?" Di pa rin ako makapaniwalang may kakayahan siyang manakit ng babae.

No wonder kung bakit naaksidente sila ni Dianne. Maaaring nag away sila sa loob ng kotse ng gabing yun, maaaring nagkasakitan sila sa loob ng kotse at naging dahilan ng aksidente nila. Umiiling pa rin ako habang nakatitig lang sa kanya. Hindi ko kayang tanggapin na kaya niyang manakit talaga ng babae eh. Hindi ko kayang tanggapin na pinatay niya si Dianne.

"Wala kang karapatan na suntukin ako!" Biglang sigaw ni August na ikinabalot ko ng takot. He was shaking like mad. Bakas ang galit sa mukha, nakasarado ang mga kamao at gigil na gigil ang panga niyang humakbang papalapit sa akin. Hinawakan niya ako sa balikat at itinaas ang kanang kamao sa ere, papuntasa mukha ko!

"Aaahhh!" I waited for him to punched me dahil yun lang naman ang kaya kong gawin sa pagkakataong ito, diba? Pero imbes na tumama ang kamao niya sa mukha ko, hinila niya ako sa batok at...

At...

Hindi ko kinaya ang sumunod niyang ginawa.

Ang malambot niyang labi... sa labi ko.

"Hmm~" hindi ko magawang pigilin ang sarili ko na di mapaungol. Kusa siyang lumalabas gaya ng kusang pag galaw ng labi ko para tumugon sa mga halik niyang yun. Ang mga kamay kong malayang nilakbay ang braso niya, paakyat sa balikat hanggang sa niyakap ko na siya sa batok.

Tinuon ko masyado ang atensyon sa halikan namin ni August ngunit biglang may narinig ako sa likuran kaya napahinto ako sa paghalik sa kanya at agad siyang tinulak. Lumingon ako ngunit wala akong nakita. Hinarap kong muli si August ngunit sinalubong ako ng kamao nito.

"Nooooo!" Mabilis na umilag ako at tumalikod para sana tumakbo at makalayo sa lalaking 'to nang biglang may tumama sa noo ko.

"Putspa, April!" Natatawang sabi ni Harvey habang iwinagayway ang toothbrush niya. May toothpaste pa sa labi nito.

"Anong nakakatawa?" Asik ko sa kanya. Pero tumawa lang siya hanggang sa binatukan siya ni Lolo Andres.

"Mag bihis ka na!" Sita ni Lolo kay Harvey. Kamot ang batok na binitiwan niya ang kurtina sa pintuan ko at pumasok ng silid niya. "Ikaw naman, bumangon ka na at maligo nang makapunta na tayo sa eskwelahan." Tumango lang ako bilang tugon at agad tumayo.

The Day April FallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon