Chapter 29

3.3K 120 23
                                    

April 29, 2016
Friday
Reality

Nagising ako sa sunod-sunod na pag ring ng cellphone ko. Dahil sa pag asang baka si August iyon ay agad kong sinagot.

"Gaga. Anong August? Si Olly to!" Sabi ng nasa kabilang linya. Napabuntong hinga nalang ako habang tinuktukan ang sarili ko, mentally. Gaga ka talaga, day!

"Oh? Baket na naman?" Wala sa mood kong tanong.

"Andito kami sa labas ng bakuran niyo! Dali! Bilisan mo girl, labasin mo na kami. Ang init-init dito sa labas no." Aniya.

Mabilis na binuksan ko yung bintana at agad nakita si Black na pinapayungan si Olly. Naka-suot ng high waisted shorts, naka crop top, naka gladiator sandals habang nasa dulo ng ilong ang suot na sunglasses. Si Black naman ay naka gray na sleeveless at hanggang tuhod na shorts. Naka tsenelas lang ito. Mukhang si Olly lang ang nag handa.

"What you starin' at?" Biglang hiyaw ni Black na ikinatalon ko palabas ng bintana. Mapapaaway pa ata. Nakakalimutan niya atang dayu lang siya rito. Wala siyang binatbat sa mga kabataan rito kung angas lang ang pag uusapan. Teka, mali. Mukhang sila yung walang binatbat kay Black. Masyadong mahaba ang biyas neto kumpara sa mga kalalakihan ng Isidro.

"Duh! Let them be, Black. Sa ganda kong 'to, natural lang na- Hey, April!" Agad niya akong niyakap nang makalapit na ako sa kanila. "You look so messy, be! Nakapag toothbrush ka na ba?" Maarting tinakpan niya yung ilong niya.

"Ang arte!" Inirapan ko siya bago bumaling kay Black na sobrang sama maka tingin sa mga kapit-bahay.

"Wala naman ata akong nakikitang bahay maliban do'n sa five meters away from here." Sarcastic na sabi ni Black.

"Ibig sabihin, talagang sinundan nila ang beauty ko." -Olly.

"Shut up!" Ani Black.

"What!" Sigaw ni Olly sabay hampas. Kahit hindi naman siya iyong sinabihan niya ng shut-up. Yung dalawang lalaking nag bubulungan habang naka-tambay sa motor nila sa mismong harap ng bakuran namin.

"Tatagalogin ko ng maintindihan niyo. Bibigyan ko kayo ng pag kakataon na tumakbo palayo bago ko basagin yang mga walang kwenta nyong bungo." Sabi ni Black na ikina-laki ng mga mata ni Olly.

Ako na mismo yung tumaboy sa kanila dahil hindi naman sila natinag ni Black. Masyado silang nalinlang sa ganda ni Olly.

"Beast!" Hiyaw ni Olly nang maka-alis na yung apat na lalaki.

"Bakit ba kasi dapat ganyan ang suot mo? Dapat nag pajama ka nalang." Kunot ang noong sabi ni Black.

"Tama na nga yan. Halina na kayo sa loob. Ano ba kasing ginagawa niyo rito?" Tanong ko.

"Sinu-surpresa ka! Kasi mukhang dito ka naman mag ce-celebrate ng birthday mo, eh pumunta na rin ako. Sinama ko na si Black dahil kailangan ko ng body guard." Aniya.

Pag kapasok namin ng bahay ay pinakilala ko sila kina Lolo at Lola pati na rin kay Harvey.

"Pinsan ko." Sabi ko sa kanila.

The Day April FallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon