Chapter 24

4.7K 145 25
                                    

April 24, 2016
Sunday

Nasa kalagitnaan ako ng pagsusuot ng bra nang biglang hinawi ni Harvey ang kurtina. Mabilis na hinila ko iyon pabalik para hindi niya ako makita.

"Nag bibihis ako!" Inis na sigaw ko. Narinig kong humalakhak siya mula sa labas kaya dinampot ko iyong tsinelas ko at hinagis sa labas. Sana lang natamaan siya. "Alis ka! Nag bibihis sabi ako."

"Bilisan mo. Kanina pa nag hihintay sa labas sina Lolo at Lola. Alam mo nam-"

"Oo na!" Putol ko sa sasabihin niya. "Alis na nang matapos na ako!" Tumatawang naglakad na ito palayo. Mabilis na inayos ko ang strap ng bra ko at pinulot ang dress sa kama ko.

Hindi ako pinatulog ng kakaisip kay August kagabi kaya nahuli ako ng gising. Agad na nag lagay ako ng powder sa mukha at lip shiner lang sa labi. Sinuklay ko na rin yung mahaba kong buhok. Kailangan kong mag ayos ngayon dahil alam kong magsisimba ngayon sila Dominic. At pag may Dominic, may August.

"Iiwan ka na namin!" Rinig kong sigaw ni Harvey sa labas.

"Malapit na!" Hinugot ko mula sa ilalim ng kama ang sandals ko at dali-daling isinuot iyon. "Andyan na!" Muli kong tiningnan ang sarili ko sa salamin. Kumindat pa ako bago tuluyang lumabas ng kwarto ko.

"Ang tagal." Maarteng sabi ni Harvey pagka pasok ko sa jeep ni Lolo Andres. Inagaw ko iyong saklay niya at akmang ihahagis ito sa labas nang biglang sumigaw si Harvey sabay makaawang huwag ko iyong gawin. Binalik ko sa kanya iyon ng tumatawa.

Kanina pa hindi mapalagay ang mga paa ko. Umiindak ito ng kusa habang nasa byahe kami. Ang lakas ng kalabog ng puso ko. Parang may kabayong nag kakarera sa loob ng puso ko. Hindi ko mapigilang hindi kagatin ang labi ko sa tuwing pumapasok sa isip ko si August. Nag aabang sa pag baba ko ng jeep habang nakapamulsa ang isang kamay. Binaba ang itim niyang shades at naka nganga'ng nakatitig sa akin. Gandang-ganda siya sa akin. Nag lahad siya ng kamay at inabot ko iyon. Happy ending. Ahh, ang cute ng imagination ko.

Biglang may tumusok sa tagiliran ko. Pag lingon ko, saklay ni Harvey ang tumutusok sa baywang ko.
"Tapos ka na mag day dream? Tara na. Hanggang dito hihintayin ka pa ba namin?" Sarkastikong sabi niya habang nagpipigil ng tawa.

Napalingon ako sa front seat. Wala na doon ang lolo at lola ko. Nilipat ko ang tingin sa labas at nakita ko silang nag hihintay sa pag baba ko. Agad akong tumayo at nakilimutan kong nasa loob pa ako ng jeep kaya nauntog ako sa bubong ng jeep. Tumatawang bumaba si Harvey kaya sinundot ko ang pwet niya. Mabilis na napaliyad siya kaya tumama rin ang ulo niya sa bubong. Tinawanan ko rin siya.

Halos lumiyab ako sa init nang makita si August na bumaba ng kotse ni Dominic. Agad na hanap niya ang mga mata ko. May binulong si Harvey na hindi ko nakuha dahil hinigop na ako ng buong buo sa mga titig ni August. Sumunod na lumabas si Agatha at agad tumakbo papalapit kay Harvey. Pinasadahan ako ng tingin ni Dominic, ngumiti ako at ganon rin siya. Sabay-sabay na silang pumasok sa loob ng simbahan habang tinatali na sa lupa ang mga paa ko.

Lumapit si August sa akin habang sinusuri ko ang suot niya. Naka-adidas shoes. Hindi na butas-butas ang pants niya. Naka denim na long sleeve at puting T-Shirt sa loob. Ang gwapo naman ng August ko. Huwag mong kinakagat yang labi mo at baka mahila kita papuntang altar at ipakasal sa akin ng sapilitan.

"Hey," wika niya sabay hawi ng buhok kong sumabog sa mukha ko dahil sa hangin. Hindi, mukhang sa epekto iyon ng kagwapuhan niya.

The Day April FallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon