Chapter 7

4.9K 167 31
                                    

Dedicated to: TheKatrinaValles
Still open for dedication. Comment below. (About your reaction of the story)

April 7, 2016
Thursday

Lahat ng inis ko sa katawan umakyat na sa kasuluksulukan ng utak ko. Pati dugo ko kumukulo na sobrang galit na nararamdaman ko ngayon. Paano naman kasi? Kahapon lang kung makakapit siya sa baywang ko parang pagmamay-ari niya ako! Alam kong ginawa niya lang naman yun para itaboy ang dalawang higad na 'yun. Kaya naiintidihan ko. Kaya nga pumayag ako na hapitin niya ako sa baywang. Kaya nga pumayag ako na hawakan sa braso. Kaya nga hindi ako nagalit sa ginawa niya kahit wala siyang karapatang gawin sa akin 'yun pero putspa! Ano itong nakikita ko ngayon? Halos inubos na ng ngiti niya ang mga babaeng 'to! Lahat nalang naingganyo sa mga ngiti niyang nakakalaglag panga. Oo panga lang! Hindi siya ala-James Reid na nakakalaglag panty no! As if! Hindi siya gano'n ka gwapo!

Pero putspa ulit! Gwapo talaga siya eh! Gwapong gwapo sa sarili! Anong nakain niya at ngayon kulang nalang tawagin niya 'yung ibang babae na nahihiya pang lumapit sa kanya para magpa-picture? Kahapon lang ayaw mo ng may lumalapit sa'yong babae! Ngayon gustong gusto mo na ang spotlight? FAME WHORE!

"Uy, April!" Tawag ni Dominic sa akin.

"Ha?" Gulat na nilingon ko siya nang inagaw niya sa kamay ko ang plastic ng iniinom kong softdrinks. Itinaas niya ito sa ere at tinitigan ang nagkanda butas-butas ng plastic. Umiiling na tinapon niya iyon sa gilid at tsaka ako naman ngayon ang tinitigan.

"Pati straw di mo pinalampas?" Umiiling na hinila niya ang straw na nasa bibig ko pa. "Nginatngat mo?" Natatawang sabi niya. Hinablot ko na sa kamay niya tsaka tinapon sa likod ko. Bigla namang tumili 'yung mga babae sa likod ko at todo iwas.

"Eww mo naman, Miss!" Nilingon ko 'yong babaeng maarte at humingi ng sorry. Pero imbes na sa akin sila nakatingin, na kay Dominic ang mga malalaki nilang mata.

"Hi, Dominic." Biglang bati nito kay Dominic. Malandutay as ever. Binalik ko na sa harap ang mukha ko at nakita kong nginitian ni Dominic ang tatlong babae sa likod ko. Edi maninipis na tili na naman ang narinig ko. Kaya minsan ayokong sumama sa Briones Brothers eh. Lagi nalang nakakabasag eardrums. Si Dominic Briones pa nga lang ang nakikita nila paano pa kaya kung buong Briones na? Mabuti nalang talaga at wala si Kuya Sun ngayon. Paniguradong lilipad ang bubong ng covered court sa tili ng mga fans niya.

"Pwedeng pa picture?" Pa cute na sabi no'ng babae. Pwedeng pa picture? Neknek mo!

"Sure." Sagot ni Dominic na agad kong ikina-irap ng mga mata. Agad-agad na nagsibabaan sa bench 'yung mga babae, di pa nakuntinto, pinatid pa talaga 'yung siko ko.

"Sorry. Quits na tayo." Sabi pa nito. Nginitian ko nalang. Pagkatapos nilang mag selfie kasama si Dominic ay di pa sila nakuntinto ulit! Tinawag ako para kunan silang apat! Ang kakapal ng fes!

"Pwede ba?" Lambing na sabi ni ateng na alam kung hinugot niya pa 'yon sa kailalim niya.

"Sure." I said sarcastically habang inaabot ang camera nila. "Smaaaaayl? Good." Patuya ko pa ring sabi. Binalik ko na agad 'yung camera nila pero humirit pa ng isa pa. Ang kakapal talaga! Ako naman itong sige lang, edi kuha ulit.

I was about to click that button nang biglang may humapit sa baywang ko. Akmang tatalikod na sana ako para makita siya nang biglang hinawakan niya ako sa braso at pinigilan ako. Tinaas niya sa ere ang kabilang braso niya kaya napasunod ako ng tanaw. He's taking a photo of us.

The Day April FallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon