Chapter 22

4.3K 157 26
                                    

April 22, 2016
Friday

Sometimes you don't realize you're actually drowning when you're trying to be everyone else's anchor.

Kanina ko pa binabasa ang GM ni Olly. Bakit parang sapul na sapul ako sa GM niya? Para sa akin talaga yung quote na yun eh. I am drowning and nobody noticed. I am drowning but I don't want to be saved. Not yet.

Nag tipa ako ng reply sa text ni Olly.

  I missed you.

Ilang segundo lang ang lumipas ay nag reply agad ito.

May problema ka?

Kailan ka uuwi?

Wala naman. Baka sa May na.

Sure ka na okay ka
lang?

Ang dami kong utang na
kwento sa'yo.

Bayaran mo nalang
sa May. ;)

Napabuga nalang ako ng hininga at tumingala sa kalangitan. Hindi masyadong maaraw ngayon dahil sa temperatura ngayon. Muling nag vibrate yung phone ko kaya binasa ko sa pagkakaalam na si Olly iyon. Ngunit si August ang nag text.

Biglang uminit yung pisnge ko nang mabasa ang pangalan niya sa screen ng cellphone ko. Hindi naman mainit pero pakiramdam ko bigla akong natuyuan ng laway. Napalunok nalang ako ng wala sa sarili at mabilis na tumayo para pumasok ng kusina. Nag salin agad ako ng tubig sa baso at inisang lagok ang malamig na tubig.

Binaba ko sa mesa ang baso at muling binuksan ang cellphone ko. Dahan-dahang pinadulas ko ang daliri ko sa screen ng cellphone ko at nilagay ang password para tuluyang mabukas. I tap August's name and read his text.

I'll see you before I leave.

Biglang nawala lahat ng kilig ko sa katawan at napalitan ng lungkot. Kakasimula pa lang namin pero bakit ending na agad? Tapos na ba kami? Kakasimula pa lang namin eh! Uuwi na siya, paano na kami?
May kami nga ba?

Hindi ko mapigilang hindi sariwain ang nangyari kahapon. Pagkatapos ng laro nila ay nag yaya si Dominic na gumimik. May bar sa bayan na pagmamay-ari ng mga Simon at doon kami nag punta. Nag inuman sila kasama ang buong team, maliban kay Harvey dahil sa injury na natamo at kay Agatha na sinamahan sa ospital si Harvey.

Paulit ulit lang ang pinag uusapan nila. Bidang bida si August sa ginawang last shot. Kasama nina Robert, Lloyd, Glendon ang mga girlfriends nila. Yung ibang member ng team Fuckers ay hindi ko na kilala. Maliban pala ka Wendel na pinsan nina Falcon at Keandre.

"Ibang klase ka talaga, August!" Ani Dominic sabay hampas sa balikat ni August. Tinawanan lang siya ni August sabay tungga ng shot niya.

"Paano mo nagawa yun, tol?" Tanong naman ni Lloyd habang naka akbay sa girlfriend niya. Nag kibit lang ng balikat si August at bigla-bigla akong nilingon. Lahat sila napalingon sa akin kaya agad akong pinamulahan ng pisnge.

"Lucky charm." Sambit ni August habang seryosong nakatitig sa akin. Naghiyawan yong buong team kaya mas lalo akong hindi mapalagay. Mabuti nalang at may tumikhim at kumalabit sa balikat ko. Pag lingon ko si Keandre ang bumungad sa akin.

The Day April FallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon