Chapter 21

4.2K 180 59
                                    

April 21, 2016
Thursday

Halos mahulog ako sa kama nang biglang may malakas na kalabog akong narinig. Kumaripas ako ng takbo palabas ng silid para tingnan kung anong nangyayari sa labas nang biglang sumulpot si Harvey sa sala. Kumunot ang noo ko sa ginagawa niya. Nilingon niya ako at nginitian ng napaka-lapad. Nag hanap ako ng pwedeng maibabato sa kanya pero wala akong makita.

"Good morning, April!" Sigaw niya sa gitna ng rock music. Umikot pa ito at biglang lumuhod habang kinakaskas ang walis.

"Hinaan mo, leche!" Inis na dinampot ko yung lampaso sa gilid ng aparador at ibinato ko sa kanya. Nakangiting nasalo niya iyon. Inismiran ko nalang ito at minabuting bumalik nalang sa loob ng kwarto ko.

Ang aga-agang mambulabog! Mag lilinis lang naman ng bahay bakit kailangan pa ng napakalakas na rock music? Leche!

Muli akong humiga para matulog sana ulit nang biglang nanginig ang unan ko. Hinugot ko sa ilalim ang cellphone ko at tiningnan kung sino ang nag text.

Shet, si August!

Automatic na lumaki ang mga mata ko. Kagabi lang ini-stalk ko siya sa facebook. Nakatulugan ko na nga ang pag stalk sa facebook niya. Durog na durog ako sa mga nakita ko sa timeline niya. Nakita ko kung paano niya minahal yung babae, kung paano siya inalagaan nong babae, kung gaano sila kasaya sa piling ng isa't isa. Sobra sa relationship goals ang timeline nila. Sobrang komportable sila sa isa't isa. At higit sa lahat, nakita ko ang kapasidad niyang magmahal. He was once a happy go lucky boy. Carefree. Sweet. Cute. Iyong tipong mapapa-isang August Marquez nga diyan, please!

Inaamin ko na medyo nagselos ako. Pero ano ba ang karapatan kong magselos? For god's sake, wala na yung babaeng pinagselosan ko. Namamahinga na. But, I just can't deny it, bagay na bagay sila. Sa lahat ng pictures nila sa album, nakita ko kung paanong tiningnan niya sa mata si Dianne. He really loved the girl. But what happened? Bakit nangyari sa kanila iyon?

Nang dahil sa isang pangyayari nawalang lahat ng iyon kay August. Pinalitan ng walang kaemo-emosyong tao.

Perhaps, August is meant for somebody else and not Dianne, right?

At sino naman iyon, April? Ikaw?

Hindi ko alam kung ako na ba ang para sa kanya. Pero para sa akin, siya na.

Muling ng vibrate ang cellphone ko kaya't minabuti kong buksan na iyon.

Nag status ka sa
facebook pero hindi mo
ko in-accept?

Isang click lang naman
yun, April.

Binawi ko na yung friend
request ko.

Mabilis na binuksan ko yung data at dali-daling pinindot ang icon ng facebook. Agad hinanap ko ang pangalan ni August sa friend requests ngunit wala na doon ang pangalan niya. Napaismid nalang akong nag tipa ng reply sa text ni August.

Sorry, nakalimutan ko kasi.

Pero hindi ko naman talaga nakalimutan. Paano ko makakalimutan, ini-stalk ko nga kagabi diba? Nasaktan lang naman ako kaya hindi ko muna tinanggap ang friend request niya. Nagpaka-oa pa kasi ako eh. Ngayon tuloy binawi niya na.

The Day April FallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon