Chapter 23

4.2K 137 24
                                    

April 23, 2016
Saturday

Kanina ko pa hindi ma buo yung text ko para kay August. Sa tuwing isesend ko na agad kong binubura lahat. Nahihiya akong itanong sa kanya kung ano na ba ang score namin sa isa't isa. Sa tuwing naaalala ko ang halikan namin napapasabunot nalang ako ng ulo.

Paanong nagagawa kong halikan at magpahalik kay August gayong hindi ko pa naman siya boyfriend?

Ibang klase rin itong tama ko kay August eh. Nakakagawa ako ng mga bagay na hindi dapat. Delikado. Inis na ibinaba ko nalang sa kandungan ang cellphone ko. Inilipat ko ang mga mata sa labas ng bintana kung saan nakita kong may kausap si Harvey sa cellphone niya.

Kagabi lang ay narinig ko siyang may kausap rin sa cellphone niya. Hindi ko alam kung sino iyon pero meron na akong hinala kung sino ang kausap niya. Guess it's Agatha. Hindi ko mapigilang mapangiti. Masaya ako para sa pinsan ko dahil sa wakas pinagtuunan na siya ng pansin ni Agatha.

Napayuko ako sa cellphone kong nag vibrate sa legs ko. Dinampot ko iyon at binasa ang pangalang lumabas sa screen. Liam Carlos. Anong kailangan niya? Binuksan ko iyon at binasa.

Nasa Isidro ka pa
ba?

Agad kong binura ang text niya at binaba sa kama ang cellphone ko. Tumayo ako at lumabas ng kwarto para kumuha ng makakain. Bigla akong nagutom. Nag hanap ako ng biscuit sa malaking tupperware kung saan imbakan ng mga chicheria. Agad na binuksan ko iyon at kinain.

Lumabas ako ng bahay nang biglang naaninaw ko sa labas ng bakuran ang motor ni August. Napalingon ako sa paligid para hanapin siya. Biglang kumalabog yung puso ko nang makitang bumaba ito ng jeep ni Lolo Andres habang bitbit ang bayong ni Lola Lolita. Nakangiting nakasunod ito sa lola ko na tuwang tuwa habang kinakausap sa likod si August.

Agad nag iwas ako ng tingin nang nag angat ng mukha si August. Nag landing ang mga mata ko kay Harvey na kunot ang noong nakamasid sa akin. Nabitawan ko yung biscuit ko dahil sa gulat. Sinubukan kong habulin iyon at saluhin pero tuluyan na iyong nahulog sa lupa. Biglang tumikhim si August sa harap ko kaya wala sa sariling pinulot ko yung nahulog na biscuit at sinubo iyon. Mabilis na pumasok ako ng bahay at nag derecho sa kwarto.

Anong nangyayari, April? Ghad, anong ginagawa ko? Tinataguan ko ba si August? Gusto ko nalang umiyak sa sobrang hiya dahil sa pinaggagawa ko kanina. Nakita niya. Nakita niyang isinubo ko yung biscuit na nahulog sa lupa. Okay lang naman siguro yun diba? Wala pa namang five minutes. At tsaka hindi naman siguro siya na turn off sa akin diba?

Ugh!

Gusto kong ilabas yung biscuit na nilunok ko pero hindi namana lalabas yun.

Nag kulong nalang ako sa kwarto. Hindi ko kayang harapin si August pagkatapos ng ginawa kong yun. Halos ikotin ko yung kamay ng relo para lang matapos na ang araw na ito.

Narinig ko ang pag buhay ng makina ng jeep ni Lolo Andres kaya nabuhayan ako loob. Bumalik na sila sa bukid. Sinilip ko ang labas at nakitang wala na ang motor ni August doon. Tuwang tuwa akong tumalikod at baba sana ng kama para lumabas ng kwarto nang biglang hinawi ni August yung kurtina.

Dahil sa gulat ko ay napatalon ako at napa-atras. Pikit ang matang hinintay ko nalang na tumama sa lupa ang pwet ko. Tawang tawa si Harvey nang makitang naka-upo na ako sa lupa. Pinulot ko yung bato sa gilid ko at ibinato sa kanya. May saklay siya kaya hindi siya gaanong nakakagalaw pero tangna! Nakaiwas ang pota!

The Day April FallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon