Chapter 28

3K 127 10
                                    

April 28, 2016
Thursday
No more August

Kailan ba ako huling nagising na walang ganang bumangon para salubungin ang umaga? Pakiramdam ko may isang parte sa akin ang nawala. Namatay. Puso ko ba yun? O yung pag-asa na mag kakaroon ng saysay ang lahat sa pagitan namin?

Maaga akong gumising para mag hatid ng delivery ngayon ng itlog sa Hacienda Ella. Aaminin ko, nag babakasakali rin naman ako. Na baka andon pa si August. Kailangan ko siyang maka-usap. Hindi pwede yung basta nalang siyang mawala na parang bula, no!

"Eto, April, oh." Sabay abot ng bayad ni Aleng Tessa.

"Ay, Aleng Tessa, bayad na po ito sabi ni Lola." Ibabalik ko na sana ulit yung pera ngunit hindi tinaggap ni Aling Tessa.

"Paunang bayad ko na iyan para sa susunod na delivery." Aniya. Tumango nalamang ako at tsaka nag paalam na.

Pag kalabas ko ng kusina ay hinanap ko sa salas si August. Baka sakaling nagising na. Nakakatawa lang. Dati halos liparin ko iyong pinto para agad makalabas at nang hindi kami mag pang abot ngunit ngayon, heto at naiba.

Dumaan pa ako sa loob ng bahay para lang madaanan ang salas ng mansion. Para mahagip kahit anino lang niya. Pero sadyang mailap si August. Baka naman kasi wala na yung tao rito? Pinag mumukha ko lang tanga yung sarili ko.

"April..." Napa-angat ako ng mukha sa lalaking bumababa ng hagdanan. Gustuhin ko man na sana si August nalang iyon, hindi naman mangyayari.

Tumalikod ako at lalabas na sana ng mansion nang makaiwas kay Dominic ngunit madali niya akong nahabol. Hinila niya ako sa braso tsaka ko napaharap.

"Look, April, I'm really sorry. Hindi ko sinasad- I mean, hindi ko intensyon na bastusin ka. I'm sorry for kissing you last night." Puno ng pagsusumamo ang boses ni Dominic na para bang talagang pinag sisihan niya na ang ginawa niyang pag halik sa akin kagabi.

Kaibigan ko siya. Mag kaibigan kami. At tama lang na humingi siya ng tawad sa ginawa niyang kasalanan. It takes a man to accept his mistakes and to make a sincere apology, that is why I am going to forgive him. Ayokong masira yung matagal ng pagkakaibigan namin dahil lang sa isang masamang pangyayari.

Pinatawad ko na siya dahil yun ang dapat kung gawin.

"Friends, ulit?" Medyo na awkward kami pareho saglit.

"Oo naman." Hanggang sa napatawa nalang kami. "Nga pala, si August ba andito pa?" Biglang napanis yung ngiti sa labi ni Dominic. Hindi niya na kailangang sagutin, alam ko na ang sagot kung pagbabasehan ang ekspresyon ng mukha niya.

"Umalis na siya kaninang umaga." Ani Dominic.

"Kaninang umaga?" Ibig sabihin andito pa nga siya kagabi? Pero bakit iniwan niya ako? Bakit nawala siya? Bakit?

"Oo. Kailangan niya na raw kasing umuwi." Aniya. Tumango nalang ako dahil yung lang naman ang magagawa ko sa mga oras na ito. Ang tumango. Ang tanggapin na hanggang dito nalang ang istoryang ito.

Once upon a summer of a broken hearts...

Pag kauwi ko sa bahay ay agad akong nag kulong sa kwarto. Ni hindi ko naibigay kay Nana yung paunang bayad para sa susunod na delivery.

The Day April FallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon