Chapter 12

4K 134 21
                                    

April 12, 2016
Tuesday

Someday, you will forget the hurt, the reasons you cried, and the one who caused the pain.

Tuesday. Araw ng Martes, wala sa bahay sina Lolo at Lola dahil nasa bukid sila ngayon. Nagbabakasakaling may maaani sa kabila ng El Niño. Binuksan ko yung TV at minabuting aliwin nalang ang sarili sa panunuod ng mga palabas nang biglang lumabas ng kwarto si Harvey.

"Kumain ka na. Hindi ka pa nag tanghalian." Sabi ko sa kanya. Umupo ako sa upuan na gawa sa kawayan at prenteng pinatong ang paa sa mesa na gawa rin sa kawayan. Inabot ko yung unan sa isang upuan at nilagay sa likod ko.

Tinapat ko sa TV ang remote at nag lipat ng channel. Ano ba naman tong TV nila Lolo, wala na akong mukhang makita. "Harvey, okay pa ba tong TV niyo?" Reklamo ko pa.

Lumabas siya sa kusina na may dalang plato, nilapag sa maliit na mesa at lumapit sa TV. Pinukpok ang likod at tadaa! Ang galing-galing! Luminaw na yung TV.

Ngayon ko lang napansin, simula ng dumating ako rito hindi pa pala ako nanunuod ng TV. Himala! Pati cellphone ko di ko masyadong nagagamit. Yun yung pinaka himala. Sa Maynila halos di ko na nga mabitawan ang cellphone ko kahit na may gawain ako. Pero sa probinsya, iba talaga. Nakakalimutan mo na ang mga bagay na akala mo hindi mo kayang kalimutan.

Nasasabi mo lang yan dahil distracted ka. Dahil kay August.

Speaking of ...

Biglang nag vibrate ang phone ko kaya biglang nawala na parang bula sa isip ko ang imahe ni August.

Hinugot ko sa bulsa ang phone ko at tiningnan kung sino ang nag text. Si Agatha lang pala.

Pst!

Baket?

NuAh UpLoAd mHo NuAh bA?

Ayusin mo muna yang text mo.

Joke lang. Haha. So ano na?

Nagmamadali ka?

Excited lang!

Wala akong internet.

Paload ka.

Load mo 'ko.

Kita mo 'tong babaeng 'to. Sige, mamaya! Send mo sa akin ah!

Hindi na ako nag reply. Binaba ko nalang sa gilid yung phone at nanuod nalang ulit ng palabas sa TV. Biglang lumabo na naman yung TV, tumayo si Harvey at sinapok na naman ito sa likod. Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis sa kanya. Paano ba naman kasi, kalahati nalang yung nakikita namin sa TV. Kamot ang batok na sinapok niya ulit ito tapos nag iba naman ang kulay.

"Isa pa. Try and try. Nang masira." Sabi ko. At yun, sinapok niya ulit. "Oh diba? Patay!" Sarcasm all over the air.

"Parang puso ko. Di bale, sabay nalang nating iburol mamaya." Bumalik siya sa upuan niya at nagpatuloy sa pagkain.

"Tatlo kayong ibuburol ni Lolo Andres mamaya." Sabi ko sa kanya.

Ano bang gagawin ko nang mawala 'tong boredom ko? Lumuwas pa naman ng Maynila sina Dominic at Agatha ngayon. Sana umuwi na rin yung August na yun at nang di ko na siya makita pa.

The Day April FallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon