Chapter 18

3.9K 151 34
                                    

April 18, 2016
Monday

"Come on, April! Dali na! Excited na ako mag jet ski!" Sigaw ni Agatha sa labas habang patuloy sa pag katok.

"Sandali!" Sagot ko mula sa loob ng banyo. Nakatayo lang ako sa harap ng salamin habang pinapanuod ang sarili kong repleksyon. May nag bago ba? Wala naman diba? Wala naman sigurong iniwang ebidensya si August.

Sinuri kong mabuti ang sarili ko sa harap ng salamin habang walang tigil sa pagkatok si Agatha sa labas. "Dali na!"

"One minute!" Nilapit ko pa ang mukha sa harap ng salamin. Pulang pula ang pisnge ko. Hindi pa rin ba ako nakapag moved on? Grabeng kilig naman kasi kung magpa-ulan itong si August. Sinaboy lahat sa mukha ko.

Biglang bumukas yung pinto at pumasok si Agatha.

"Tumatae ka ba?"

"Hindi!" Agad na nilayo ko yung mukha ko sa salamin. Kunot ang noong lumapit sa akin si Agatha. "Ano?"

"May hidden treasure ka bang hinahanap at nalaman mong andyan sa likod ng salamin?" Seryosong tanong nito habang nasa salamin ang tingin.

"Sira! Halika na nga!" Itinulak ko na siya palabas ng banyo at tsaka lumabas na kami ng kwarto.

"Lumabas na sila!" Biglang sigaw ni Harvey sabay tayo at lumabas ng Villa.

"Tagal niyo naman." Reklamo pa ni Harvey.

"Nagrereklamo na naman ang taong bukid." Sabi ni Agatha sabay baba ng sunglasses niya mula sa ulo papunta sa mga mata. Pinaypay ang sarili at nilagpasan si Harvey.

"Ang arte." Bulong ni Harvey sa sarili pero narinig ko naman. Agad na sumunod siya kina Dominic at Agatha samantalang kami ni August ay nakasunod lang din sa kanila sa likuran.

Gulat na napahinto ako sa paglalakad nang biglang lumapit ito sa akin at huminto sa mismong harap ko.

"Bakit?" Kinakabahang tanong ko habang naghihintay na magsalita siya.

"Bakit di ka nag reply kagabi?" Tanong nito.

"Ha?" Bakit nga ba hindi ako nag reply? "Kasi wala na akong load." I lied.

"Bakit di mo sinagot ang tawag ko?" Tanong ulit nito.

"Ha?" Paano ko ba lulusutan ito? "Ano kasi..."

"Sa susunod sagutin mo yung tawag ko." Putol nito sa sasabihin ko at agad tumalikod at iniwan ako.

Kahapon nong nag island hopping kami, hinid binitawan ni August ang kamay ko hanggang sa pagbaba namin ng bangka nang mag stay kami sa isang isla para mag lunch at makapag-swimming na rin.

Magkahawak kamay kami pero hindi kami nag iimikan. Hindi ko alam kung nag hihintayan lang ba kami o sadyang wala lang talaga kaming balak na magsalita.

No'ng hapon nag Jet ski ang boys samantalang nagpa-massage naman kami ni Agatha. Panay tukso niya sa amin ni August. Tinatanong kung ano na bang score namin. Syempre zero ang sagot ko. Hindi nga kami nag-iimikan paano kami magkaka-score?

The Day April FallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon