Chapter 14

4.2K 155 59
                                    

April 14, 2016
Thursday

"La, aalis na po ako." Paaalam ko kay Lola Lolita na kanina pa ginigising si Harvey. Paano kasi nag lasing kagabi.

"Sige, mag ingat ka."

"Opo!" Nasa labas na ako ng bahay pero rinig na rinig ko pa rin ang boses ni Lola. Tumatawang naglakad ako palabas ng bakuran dahil sa mga mura ni Lola Lolita na hindi ko naman naiintindihan. Sing luma siguro ng bahay ang maaanghang na salitang lumalabas sa bibig niya.

Habang nag hihintay ako ng trisikel biglang nag vibrate ang phone ko. Binaba ko muna yung bayong ko at hinugot ang cellphone sa bulsa.

It was Agatha. Malamang magtatanong na naman to tungkol sa pictures.

Na send mo na ba?

Nag paload na ako sa'yo.

Sensya talaga Agatha ah? Busy talaga eh.

Okay lang. Pag may time ah?

Opo. Pramis!

Good.

Mag re-reply pa sana ako nang biglang may marinig akong paparating na motor. Alam na alam ko yung tunog na yun. Tunog yun ng motor bike ni August. Agad kong nilingon kung saan banda galing yung ingay. At tama ako, si August nga ito at ang nakakatakot niyang motor.

Huminto siya sa harap ko nang naka-poker face. Bigla akong na-awkward nang maalala ang nangyari kahapon sa burol. Niyuko niya ako at ang bayong na nasa lupa. Agad na pinulot ko ito.

"Going to the market?" Tanong niya.

"Oo." Sagot ko. "Naghihintay lang ng trisikel." Sabi ko pa.

"Ahh," sabay tango ng ulo. "Takot ka pa ba sa motor ko?" Napakunot ako sa sinabi niya. "Pwede ko bang ipark nalang sa bakuran niyo ang motor ko?" Tanong niya ulit na mas lalong ikina-kunot ko ng ulo.

"Sasamahan kitang mamalengke." Sabi pa nito. Oo, syempre pumasok sa utak ko yung posibilidad na sasamahan niya ako. Pero hind ko inakalang talagang mago-offer siyang samahan akong mamalengke.

Pinasok niya na sa bakuran namin ang motor niya at ipinark sa gilid ng bahay namin.

Habang naghihintay kami ng trisikel, nakatayo lang kami sa gilid ng isa't isa habang walang ni isang nagtangkang magsalita sa amin.

"Matagal pa ba ang trisikel? We can use my bike para madali." Gumagawa ba siya ng paraan para magkausap kami? Para walang dull moment? Kasi dapat ako yung gumagawa non diba? Pero kasi hindi gumagana yung utak ko sa tuwing nakatingin siya sa mukha ko.

"Di na. Gusto ko pang mabuhay no. Maghahanap pa ako ng forever ko. Ayan na! May paparating ng trisikel." Sabi ko sa kanya. Agad na nilingon niya ang paparating na trisikel at pinara ito. Mabuti nalang at madaling pinakinggan ng nasa itaas ang dasal ko.

Nakabuntot lang si August sa akin habang namamalengke kami. Sa tuwing may supot akong hawak kinukuha niya at nilalagay sa bayong at siya na mismo ang nagbitbit ng mga pinamili ko. Never akong sinamahan ni Liam mag groceries. Tuloy pakiramdam ko para kaming magboyfriend-girlfriend sa lagay namin ngayon.

The Day April FallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon