Chapter 10

4.8K 149 20
                                    

April 10, 2016
Sunday

Paano mo malalaman na nagkakagusto ka na sa kanya?
- Pag di ka pinatulog ng kakaisip sa kanya.

"Namo!" Singhal ko kay Harvey habang nagmamadaling bumaba ng Jeep. "Papatayin talaga kitang hinayupak ka!" Nag ayos ako ng buhok bago bumaba ng jeep. Nagpahid pa ako ng mukha dahil baka tumulo yung laway ko kanina habang tulog ako sa biyahe papunta rito sa simbahan.

"Kinginamo ka!" Gigil na hinampas ko sa likod si Harvey nang maabutan ko siya.

"Nasa simbahan na tayo. Yang bibig mo pake preno sa masasamang salita." Pabulong na sabi niya. Sinapak ko siya ulit sa batok kaya napa-aray na lang ito.

"April!" Sigaw ni Agatha na agad kong ikinalingon. Para akong binagsakan ng semento nang makita si August. "Tabi tayo ah!"

Oh god, tell me I judged him well.

Pero nagsisimba pala ang lalaking 'to? Sa hitsura niyang iyan magsisimba siya?

Labas na labas ang mga tattoo niya braso. Bakit naman kasi nag sleeveless ang lalaking ito?

"Uy, sinusuri niya na naman si August." Nilingon ko si Harvey at kinurot sa singit. "Uy, wag! Makikita ni Agatha!"

"Eew!" Agad nag takip ng mata si Agatha at animoy diring diri habang naglalakad papasok ng simbahan. Hindi sinasadyang nadaanan ko ng tingin si August. Nakasunglasses siya kaya hindi ko makita kung saan siya nakatingin. Alam ko namang hindi siya sa akin nakatingin. Wag kang hopeful, April.

"Magsisimba ka ng naka-sleeveless?" Di ko napigilang hindi itanong sa kanya yun. Tumigil siya sa paghakbang kaya napahinto na rin ako. May hinugot siya sa likod at pinagpag muna bago ito isuot. May dala naman palang polo, April.

"Okay na ba 'to?" Walang modo! Iniwan ba naman ako?

Maling mali atang binagalan ko ang paglalakad papasok ng simbahan para makasabay siya. Ngayon kasing nauna siya, kung saan-saan lumilipad ang utak ko. Bakit ngayon ko lang napansing ang tangkad pala ng lalaking 'to? Mga nasa 6 flat? Or more? Makabili nga ng ruler bukas. Susukatin ko lang.

Pagpasok ko ng simbahan, agad akong tinawag ni Agatha. Tumabi na ako sa kanya dahil wala namang ibang bakante maliban sa tabi ni August.

Kailan mo malalaman na nagkakagusto ka na sa kanya?
- Kapag nadi-distract ka dahil sa presence niya kahit wala naman siyang ginagawa.

"Peace," sabi ni Agatha sa akin sabay beso.

"Peace," sabi ko rin.

Nagkaroon ako ng pagkakataon na lingunin na rin siya sa wakas. Pero leche siya, nasa simbahan ako pero nakapagmura na naman ako, paano ba naman kasi biglang nawala sa likod. Hinanap ko siya, good thing hindi naman kalakihan ang simbahan, pero wala talaga siya. Walang August sa loob ng simbahan.

"Baka naiinitan," Sulsol ng isang bahagi ng utak ko. "O baka nag apoy na talaga. Sabi eh! Hindi siya sanay sa loob ng simbahan."

Pagkatapos ng misa ay nag aya si Dominic sa farm dahil ipapasyal niya raw sina Flash ngayong araw. Hindi kasi mainit ang panahon ngayon dahil sa namumuong ulan.

The Day April FallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon