Too Late To Say Sorry

6K 178 67
                                    



Pagkatapos ma off ang engine ay lumabas na agad ako ng kotse. Pinatunog ang remote to make sure it's safe at pag katapos ay tumakbo na ako papasok ng Jollibee.

Tumunog yung phone ko eksaktong pagkapasok ko. Nag kukumahog na hinugot ko sa bulsa ang cell phone at agad sinagot ang tawag ng kung sino man ang nasa kabilang linya, but making sure na hindi nawawala sa paningin ko ang babaeng umagaw ng atensyon ko kanina.

Drive-thru lang sana ako pero nang makita ko iyong babaeng may dalang bata habang pumapasok ng Jollibee ay nag bago ang isip ko.

Hindi pa ako sigurado kung siya ba iyon o baka nagkamali lang ako. O baka naman namalikmata lang ako?Hindi ko na alam. Masyado akong nag panic, at nang makita ko siya ay agad na akong sumunod sa kanila sa pag pasok ng fast food chain kahit na ba hindi naman ako sigurado kung siya ba talaga iyon.

Kumabog yung puso ko nang mamukhaan ko yung babaeng may hawak na bata. Nakaside-view ito at hindi ko natitigan ang mukha pero hindi ako pwedeng magkamali sa katawan, siyang siya iyon. But I want to make sure, I need to make sure. If it was her, the baby... then, the baby is possibly mine?
God, August, what have you done two years ago?

"August!" Singhal ni May sa kabilang linya na nagpabalik sa akin sa realidad. The staffs are now singing for the baby. It's the baby's birthday. Anong month na nga ba ngayon? Fuck, I don't have time para mag bilang!




"Yeah, what?" I asked, still eyes on them. Nakatalikod sa akin yung babae kaya hindi ko makita ang mukha niya. I need to find ways. Plans, August, think! I scolded myself.

"Sabi ko, dagdagan mo ng regular burger ah, dalawa, at tsaka spaghetti. Asan ka na ba kasi?" Ani May.

"Andito na ako. I'll call you back, okay?" I ended the call kahit na narinig ko pa ang pahabol nito.

Umupo ako sa pinaka-malayong table sa kanila. Kung kailan kailangan mong mag isip ng plano tsaka naman umurong yung utak ko. Paano ba naman kasi? Hindi ko mapigilan ang sarili ko sa kakatitig sa babaeng nakatalikod mula sa akin.

"Please, lumingon ka..." I prayed, tapping my fingers impatiently. Kung hindi ko madadaan sa dasal ang babaeng ito, hahanap nalang ako ng tiyempo.

Ilang minuto na akong nag hihintay and I am getting more impatient as the clock ticks by. I can't still my knees from bouncing up and down. Naiinis na ako. I need to move now.

Hindi na ako nakapag hintay kaya tumayo na ako. Good thing, yung kasama nong babae ay tumayo rin. Patungo itong CR. Nag karoon ako ng chance na malapitan iyong babae.

"Nag Cr lang si daddy, anak. Wait lang, okay? He will be back any minute now." Ang narinig ko nang nasa likuran na ako nong babae. Gusto kong umurong nang marinig ang pamilyar na boses na yun but at the same time gusto ko rin siyang hablutin at iharap sa akin nang nalaman ko na kung siya ba talaga ito. The agony is burning me alive!

Tumayo ito nang hindi niya mapatahan ang anak. Still, nakatalikod pa rin siya kaya binunggo ko na nang pabalik na siya sa pag upo.

Mas lalong nag freaked out yung bata pero wala sa kanya ang atensyon ko kung hindi sa babaeng may hawak sa kanya. She freeze when she see me. My April...

It's been two years, baby. At ngayon ay may bago ka ng baby?

Nakipag palitan ng tingin sa akin si April. Bakas sa mukha niya ang pag kabigla, takot at galit. I can't blame her kung talagang galit siya sa akin. Iniwan ko siya. Iniwan ko siya noon. Right after I saw her with Dominic.

The Day April FallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon