Chapter 13:Confrontation

7.1K 201 2
                                    


ICE POV.

Nagising ako dahil sa tumatamang sinag ng araw sa mukha ko tiningnan ko yung wall clock. Maaga pa pala 3:30 pa lang eh. Ang start naman ng class ay 7:00 at alam ko naman na di na naman magtuturo ang teacher dahil magugulo ang mga classmate ko. Hayy buhay... NAKAKABWISET.

Tumayo ako at nagpunta sa CR para gawin ang morning rituals ko... Pagkatapos ay nagduot lang ako ng simple T-shirt na white na may nakaprint na Crown, blacks jeans and snicker na black and white, sa Western High kasi walang uniform sinabi lang nila "Be yourself" daw daming pauso ng school eh hahahaXD. Naalala ko yung nerdy glasses ko kaya kinuha ko ito at isinuot magulo gulo din ang buhok ko kaya mukha talaga akong NERD.

Habang nag-aayos ako ay biglang kumirot ang sugat sa may tagiliran ko. Nawala din naman kaagad ang sakit kaya dumeretso na ko sa baba para mag almusal. Pagkababa ko nakita ko sina Ace, Chrystal at Bea na nasa baba at parang hinihintay talaga ako... siguro tulog pa yung boys...

"*Ehem* bakit ang parang may pinag-uusapan kayo?" Sabi ko sa kanila habang nakataas ang kilay (^_-) napatingin naman sila sakin

"Actually hinihintay ka talaga namin dahil kailangan natin syang kausapin...." Sabay turo Kay Bea.

"Oh okay... Bat kailangan natin syang kausapin?" Nagtataka kong tanong saka tumingin Kay Bea na parang natatae na hindi ang kilos dahil hindi mapakali.

Umupo ako sa harapan nila. Wala pa yung boys dahil tulog pa siguro. Tumingin na kami Kay Bea pero Di pa rin sya nagsasalita...

"Hi Bea Di mo ba sasagutin yung tanong ko last night?" Sabi ni Ace napatingin naman ako sa kanya.

"Ano namang tanong yung sinasabi mo kay Bea?" Sabay naming tanong ni Chrystal habang nakatingin kina Bea at Ace.

"Ang tanong ko kasi bakit wala sya nung isang gabi? At oo nga pala mag kasama ba kayo ni Jake that time na wala ka dito?" Sabi ni Ace kaya lahat kami napataas ang mga kilay. Oo nga itatanong ko sana yung pero nawala na sa isip ko dahil sa nangyaring pangkikidnap ng bwiset na Violet na yun. Grrr wag ka lang mag pakita sakin Violet at baka makalimutan ko yung dati....

Ay back to reality ano na nga palang nangyari dito sa babaeng Ito at parang nawalan na ng dila kinain nya ba hahahaXD

"Ui Bea!!" Sabi ni Chrystal

"Eh k-kasi..." Sabi ni Bea na kinapula kaagad ng tenga nya.

Naalal ko si Jake

"Magkasama ba kayo ni Jake nung gabibg wala ka dito?" Tanong ko s kanya. Tumango lang sya.

Come to think of it kung magkasama sila ng gabing yung maaring may nangyari sa kanila. F*ck Di ko mapigilang magmura hahahaXD. Ano ba yan nababaliw na ko, back to reality na nga. At naalala ko yung nangyari sa tenga nya. Ang dahilan lang kung bakit yan namumula ay may nakakahiyang nangyari sa kanya. Oo may ganun kaya wag na kayong magtanong.

"Bea dalwa lang ang dahilan yang pagkapula ng tenga mo, may kahiya hiya kang ginagawa fun habang magkasama kayo ni Jake o....." Sabi ko at tumingin sa kanya lalo

"O may nangyari sa inyong dalwa that night..." Sabi ko at nakita ko namula sya lalo... I knew it.

Tumango lang sya...

"GIRL BAT MO SINUKO ANG BATAAN!!!" sabi nung dalwa at sabay pa nilang pinaghahampas si Bea.

"Aww stop....aww it....aww tama...aww na...." Sabi nya habang pinipigilan ang hampas ng dalwa napapatawa na lang ako sa mga pinaggagagawa ng tatlong 'to.

"WAHHHH BAKIT MO IBINIGAY ANG PRECIOUS V CARD MO!!!" sigaw ni Chrystal

"BAKIT MO IBINIGAY ANG NAG-IISANG KAYAMANAN MO!?!?" Sigaw din ni Ace.

(–_–) anong pauso na naman nila yun? Dami nilang alam eh

"Hoy mga baliw daming nyong alam... Tyaka wag nyo ngang paghahampasin yang babaeng yan, mabuti pang umakhat na kayo sa mga kwarto nyo at ako ng bahala dito ako ng kakausap..." Sabi ko sa dalwang kung ano anong pinagsasasabi...

Tumingin naman sila sa orasan at nakitang 5:30 na. Ay grabi 2 oras na pala ang nakakalipas.

Tumingin naman ako Kay Bea "At babae ikaw din mag-ayos ka na rin bilisan mo at mag-uusap pa tayo" sabi ko at sinamaan ko sya ng tingin para malaman nyang seryoso ako. Agad naman syang pumunta sa kwarto nya.

Habang hinihintay si Bea biglang may nagdoorbell kaya agad ko itong pinuntahan. Pinakiramdaman ko muna yung presensya kung mapanganib ba sya o hindi pero isang ordenaryong Tao lang 'to. Kaya agad kong binuksan ang pinto.

"Anong pong kailangan nila?" Tanong ko dun sa lalaking may dala ng maraming sulat
(A/N: sorry po Di ko po alam ang tawag dun sa nagdadala ng sulat)

"Ah mam may nagpadala mo ng sulat sa inyo pakipirmahan na lang po 'to" sabi nya tapos ibinigay nya sakin yun papel at ballpen agad ko naman pinirmahan yung ibinigay nya saking papel.

"Thank you po!!" Sabi ko tapos umalis na sya. Sinara ko yung pinto saka ko tiningnan yung itsura ng sulat.

Ordenaryong sulat lang 'to pero parng kakaiba ang pakiramdam ko dito. Walang nakasulat sa na pangalan kung San nanggaling...

"Ano yan?" Napatingin ako sa taong nagtanong

"Ah sulat pero maya na natin pag-usapan ang tungkol dito... Mag-usap muna tayo..." Sabi ko sa kanya at saka ako umupo sa sofa umupo na rin si Bea. Inilagay ko lang sa bag ko yung sulat at saka ko tiningnan si Bea.

"Bea bakit bigla 'tong nangyari?" sabi ko sa kanykanya habang deretsong nakatingin sa mga mata nya.

"Di ko rin alam. Di ko na sya napigilan dahil alam ko naman na pareho lang kami... Pareho kami ng nararamdaman...." Sabi nya habang nakatingin pa rin sya sa mga mata ko. Alam ko naman kung anong ibig nyang sabihin kaya Di ko rin sya masisisi...

"Nagsisisi ka ba?" Tanong ko a kanya...

"Alam mo naman ang sagot dyan diba..." Sabi nya habang nakangiti. she never regret what they did and she's happy pero may lungkot pa rin sa mga mata nya na hindi ko alam kung anong dahilan.

"Bakit malungkot ka pa rin?" Tanong nya sakin kaya naging malungkot ang itsura nya.

"Yeah tama ka dahil hindi muna kami pwede... Gusto ko kasi na isipin nya kung ano ba dapat sya... Kung ano talagang gusto nya..." Sabi nya na parang iiyak na...

"Yung lang ba talaga ang dahilan?" Tanong ko sa kanya. Tumingin sya sakin na gulat

"Akala ko Di mo mapapansin eh hahaha..." Sabi nya lumungkot na naman sya saka nya pinagpatuloy ang sasabihin nya.

"Ang totoo... Sinabi nya sakin na ibabalik nya yung dating Jake na minahal ko basta bumalik lang daw ako sa kanya maganda yung offer nya dahil yun din naman ang gusto ko pero...." Sabi nya saka tuluyan tumulo ang luha nya...

"Pero... Sinabi ko na *sniff* Di dapat ako ang ko-control sa kanya dahil Di ko naman yung hawak*sniff* in other word ayokong magbago sya para sa iba o kahit na para sakin..." Sabi nya at saka yumuko habang umiiyak. Alam kong masakit para sa kanya dahil alam ko naman gusto na nyang magbalikan na sila ni Jake pero gaya ng sinabi nya ayaw nyang idepende ang mga bagay sa kanya.

"Oh anong drama yan mga babaita?" Napatingin kami sa kanila na nasa hagdan at tapos na mag-ayos...

"Ah wala 'to Tara na nga baka malate pa tayo" sabi ni Bea tumango lang kami at umalis.

✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂

Ano kaya yung dating tinutukoy ni Ice/Queen?

Ano ng status nina Bea at Jake?

Sino kayang makakatuluyan ni Andrea?

Ba't ang dami kong tanong hahahaXD

Hello guys andito po ulit ang UD ko sorry kung matagal na naman po akong mag UD dahil na rin po siguro sa katamaran ko pero soooooooorry parin po hahahaXD

Western HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon