Chapter 27: Unconscious

2.3K 67 7
                                    

Emoji na po ang gagamitin ko kada UD ko.

Bea POV.

Nagising ako dahil sa tunog ng Alarm clock. Pagmulat ng mata ko pakiramdam ko ay binibiyak ang ulo ko. Arggh curse this headache!!!😠

Pero kahit na masakit ang ulo ko ay pinilit kong tumayo papuntang banyo para maligo.

Habang naliligo ako lalong sumasakit ang ulo ko pero Di ko yun pinansin at nagpatuloy lang sa paliligo.

Nung natapos na ko maligo ay nawala na lang bigla ang sakit ng ulo ko.

"Buti naman" sabi ko sa sarili ko.

Agad na lang akong nagpalit ng damit simpleng short na half ng legs ko at T-shirt na white lang. Tapos nung nagsuklay lang ako at saka bumaba.

Wala akong balak pumasok ngayon dahil tinatamad ako.

Nagpunta akong kusina at saka nagkalakal ng makakain.

"Wala na sila maaga sigurong pumuntang school" sabi ko sa sarili ko.

"Anong bang masarap makain?" Tanong ko habang kinakalkal ang loob ng Ref. Sa paghahanap ko ng pagkain sa loob ng ref nakita ko ang isang marshmallow at chocolate syrup bigla akong naglaway kaya agad ko itong kinuha.

Ewan pero dati naman Di ko gusto ang marshmallow at chocolate syrup sa katunayan ISA sa pinaka ayaw ko 'tong dalawang 'to naalala ko tuloy si Jake, sya kasi ang may gusto talaga ng marshmallow at chocolate syrup. Ah baka nahawa lang ako sa kanya...

————————

After 15 minutes na ang kinakain ko lang ay marshmallow at chocolate syrup at naka dalwang balot at dalwang note ng marshmallow at chocolate syrup ay parang nagsawa na ko. Yung alam nyo yung feeling na naumay ka ganun yung feeling ko.

Nagpalinga linga ako sa loob ng kusina at nakakita ng mangga at bagoong parang nilaway ako kaya agad ko iyong kinuha at saka inilagay sa table na makalat dahil nga kumain Di ba ako ng marshmallow at chocolate syrup diba  kaya makalat.

Nung nailapag ko na ang mangga at bagoong ay agad ko itong kinain and this time ang mangga at bagoong ay sya namang favorite ko at Ito naman ang pinakaayaw ni Jake dahil mabaho daw ang bagoong. Hay tama na nga reminicse ng memories dapat kainin ko na lang ang favorite.

Sa kalagitnaan ng pagkain ko narinig ko ang pagbukas ng pinto at mga yabag nito papuntang kusina at alam Kong nakita nya makalat ang kusina.

"Bea ba't ang kalat dito sa kusina?" Tanong nito at saka lumapit sakin. Di ICE lang pala. Nakita ko naman kumunot ang noo nya dahil sa mga kinain ko.

"At bakit ka kumain ng mangga at bagoong tapos kumain ka din ng  marshmallow at chocolate syrup what's happening to you don't you know that eating that kind of food makes you stomache ache..." Sabi nya na parang nandidiri sa kinakain ko.

"I knowww... 😗 but I feel that i really need this kind of food..." Nakapout Kong sabi. Umiling iling lang sya saka pumuntang Ref. Agad naman syang bumalik saka tumingin sakin.



"Talagang inubos mo yung marshmallow pati yung chocolate syrup kala ko ba ayaw mo nyan?" Nagtatanong nito sakin habang nakakunot ang noo.



"Ewan di ko rin alam basta bigla ko na lang nagustuhan kumain nyan kahit na ayaw ko naman talaga nyan" sagot ko habang nakaturo sa marshmallow at chocolate syrup na nagkalat na sa Mesa dahil sa pagkain ko kanina.



Umiiling iling sya habang kumakain. Napalingon ako sa kinakain nya. Cake na strawberry flavor. Bigla na lang napakunot ang noo ko at parang bigla ko na lang inayawan yung amoy ng strawberry. Sa totoo lang Di ko naman talaga ayaw ang strawberry pero ngayon parang ayoko talaga.



"Ahh... Ang sama naman ng amoy!!" Naiirita Kong sabi. Napalingon naman sya sakin.



"HA?!?!" Nakunot noo nyang tanong.



"Sabi ko ayaw ko ng amoy ng strawberry!!" Naiinis ko ulit na sabi. Habang lumalayo sa pagkain nya.



"Ano ba talagang nangyayari sayo? Una kumakain ka ng marshmallow at chocolate syrup na dati naman ay ayaw na ayaw mo pangalawa parang mauubusan ka kung kumain tyaka ang kalat pangatlo agang aga mangga ang nilalantakan mo at panglima ayaw mo ng amoy ng strawberry na kala mo naman dati eh super ayaw mo. Tyaka ang tanda ko lang na kumakain ng marshmallow at chocolate syrup ay si Jake pero ngayon gusto mo na. Pag-ikaw talag nagsuka—" Di ko na narinig ang sinabi nya dahil bigla na lang akong tumakbo sa may CR dahil feeling ko ay susuka ako.



Nung nakarating ako sa CR ay agad akong sumuka naramdaman ko naman ang presensya ni ICE pero Di ko yun pinansin. Nung sumusuka ako hinahagod nya naman ang likod ko.



"Yan na nga ba ang sinasabi ko diba kung ano ano kasi ang kinakain kaya yan tuloy ang nangyari sayo!!" Pangsesermon nito sakin.



Nung natapos na Kong sumuka ay pumunta na Kong sink at saka ko hinugasan ang bibig ko.



"Sorry ICE Di ko talaga maintindihan ang sarili ko HAHAHA..." Sabi ko natawa na rin sya dahil sa sinabi ko. Agad naman kaming lumabas at saka napagdesisyunang linisan ang table na pinagkalatan ko.



"Bat ka nga pala absent ngayon?" Tanong nito sakin.



"Ah wala trip ko lang." Nakangiti Kong sabi sa kanya ngiti na lang din sya.



"Eh ikaw bat ka naman absent?" Tanong ko naman sa kanya.



"Ah may ini-inbestigahan  kasi ako... Tungkol dun sa nangyari kay Dustine..." Sagot nito. Tumango lang ako sa kanya.



Saka ko lang talaga naalala yung nangyari. Sino nga kaya yung may tangkang pumatay Kay Dustine? Ah ang unfair naman talaga ng buhay.




———————

Nung natapos kaming maglinis sa loob ng kusina niyaya nya Kong mamasyal um-oo naman ako saka ako nagpalit ng damit sa kwarto ko tapos bumaba.



"Tara na?" Aya ko sa kanya. Tumango naman sya saka kami nagsimulang lumabas.



Nung malapit na kaming makalabas pakiramdaman ko para akong nahihilo. Napahawak naman ako sa ulo ko dahil sa hilo na nararamdaman ko pero habang tumatagal lalo akong nahihilo pero Di rin nagtagal at nag black out na ang paligid ko.



ICE POV.


*BLAG*


Narinig ko na parang may bumagsak sa likod ko kaya agad ko iyon nilingon at nagulat nalang ako dahil nakita ko si Bea na nakahiga agad ko naman sya pinuntahan at tinapik tapik ang pisngi nya tiningnan ko rin yung pulso nya at buti na lang maayos pa iyon. Parang nawalan lang sya ng Malay. Agad ko naman syang inakay papuntang kotse saka ako nagdrive papuntang hospital.




"Ano ba talagang mangyayari sayo Bea...?" Tanong ko sa kanya kahit alam ko naman tulog sya.



Ang wierd mo ngayon Bea sabi ko sa sarili ko saka nagdrive papuntang pinakamalapit na hospital.



✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂

O my god ano kayang nangyari Kay Bea?



Okay alamin na lang po sa next chapter.



Amm guys sorry kasi after more than a week po ako nag UD sorry po talaga🙏.

Western HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon