3rd POV.
3:00 am @Arvie's Island(Di pa po ako nakakapagresearch ng picture at pangalan para sa island pero wait muna kayo)
Maagang gumising ang grupo nina Ice para iligtas si Bea.
"Ice may nakita akong mga nagdadatingang bisita. I'm sure Arvie change the schedule of his party" sabi ni Nico
"Yeah I already think about it so we need to start our plan now" agad naman silang sumunod at ginawa ang pinalano namin. Kasunod dun pagkuha ng kani-kanilang sandata para sa labang magaganap.
Ice POV.
Habang naghahanda ay napansin ko si Jake na parang wala sa kanyang sarili
"Jake, ayos ka lang ba? " napatingin naman sya sakin at bumungtong hininga.
"Sa totoo lang hindi ko na alam kung anong gagawin ko..." napasabunot sya sa buhok nya na medyo mahaba na dahil sa nangyari kay Bea "Para na kong mababaliw dahil pakiramdam ko wala akong silbi, na kasalanan ko kung bakit nangyari 'to kay Bea. Kung andun lang ako sa tabi nya nun hindi to mangyayari sa kanya...."
"Wag mong sisihin ang sarili mo walang may kasalanan sa nangyari, sadyang wala na sa tamang katinuan si Arvie para gawin nya to kaya hindi mo dapat sisihin ang sarili mo dahil hindi naman ikaw ang puno't dulo ng lahat ng nito" Agad ko namang nakita ang emosyon nya mula sa guilt hanggang sa galit.
"Pag nakita ko talaga ang lalaking yung hinding hindi ko sya mapapatawag. I will kill him!.." galit nyang sabi.
"Just think about it later. Kailangan na nating magawa ng maaga ang plano para mailigtas na natin si Bea.. " Tumango naman sya at saka umalis para maihanda na nito ang sarili.
Bea hintayin mo kami iligtas ka namin...
Bea's POV.
Hinahanda ko ang sarili ko para sa pagtakas namin ni manang Sabel mamaya. Inilagay ko na ang mga ginawa kong sandata na ilang araw ko rin inihanda at inayos sa aking binti na may tali ng telang pinunit ko mula sa kobre kama. Siguradong nagtataka ang mga yun bakit laging kulang ang kubyertos na dinadala nila dito para gamitin ko sa pagkain. Syempre ako lang naman yun pero di na sila nagtangkang magtanong.
Napatingin naman ako sa pinto ng bumukas ito akala ko ay si Arvie pero si manang pala.
"Ano handa ka na ba? Nakahanap na ko ng paraan para mailabas kita dito" tanong nito sakin.
Tumango naman ako "Opo manang handa na po ako" nakangiti kong sabi.
"Osya sige tara na kailangan nating magmadali..." Inakay nya ko papunta sa isang malaking cart na pinaglalagyan ng mga pagkain, katulad nung sa mga hotel na tulak tulak ng home service. Pero bago ako pumasok sa cart eh tumigil muna ako.
"Manang sigurado po bang okey lang sa inyo na tulungan ako. Maaaring ikapahamak nyo ang pagtulong sakin o ang mas malala eh maging dahilan ito ng kamatayan-"
"Iha sigurado na ko sa desisyon kong ito, hindi kaya ng konsensya ko na iwan kita dito lalo na't alam ko kung ano ang kalagayan mo tyaka kung ano man ang mangyari sakin ay wala na kong magagawa dahil yun ang tinakda para sakin ng diyos at magiging masaya ako dahil kung ito man ang magiging huling yugto ng buhay ko ay magiging masaya ako dahil nakatulong ako..." Nakangiti nitong sabi.
Dahil sa sinabi nya ay di ko mapigilang mapaiyak.
"Maraming salamat manang, kung hindi dahil sa inyo eh baka nabaliw na ko. Maraming maraming salamat po" Umiiyak akong yumakap sa kanya.
"Walang anuman iha pero tumahan ka na makakasama yan sa batang nasa sinapupunan mo tyaka kailangan nating umalis dahil baka maisipan ni Arvie na puntahan ka nya dito, kaya tumahan ka na at pumasok na dito sa cart" Agad naman akong sumunod sa sinabi nya kaya kahit masikip ay nagtiis ako dahil ito lang ang paraan para makaalis dito sa lugar na ito.
BINABASA MO ANG
Western High
ActionMisteryo ang nakabalot sa Western High, walang nakakaalam kung ano bang istorya ng eskwelahang ito. Walang nakakaalam ng sikretong itinatago ng eskwelahan.... Walang nakakaalam ng buhay sa loob ng eskwelahan.... Walang nakakaalam sa totoong kulay n...