Continuation po to ng chapter 43
----------
(3rd POV)
Agad na napalingon si Bea ng makarinig sya ng putok ng baril at kasabay ng pag lingon nya ay ang pag bagsak ng matandang babae
"Hindi ko sinasadya!" tarantang sabi ng batang gwardya saka ito tumakbo palayo, sumunod naman dito ang matandang lalaki.
"Manang diba sinabi kong tumakbo na kayo, bat bumalik ka pa?!" umiiyak na sabi ni bea habang hawak hawak ang matanda
"Ano ka ba hindi kita kayang iwan lalo na at buntis ka" nahihirapang sabi ng matanda
"Manang wag ka ng mag salita tyaka aalis pa tayo dito kaya kailangan may lakas ka"
"Iha hindi ko na kakayanin, iwan mo na ko dito" Nanhihinang sabi ng matanda sa dalaga
"Manang wag ka ng mag salita sabi eh tyaka di kita iiwan diba nangako ako na makakaalis tayo dito diba, nangako ako s—"
"Bea iha hindi ko na talaga kaya, kaya mas mabuting iwan mo na ko dito" Magsasalita pa sana si Bea ng mag salita muli ang matanda
"Iha mangako ka sakin na aalagaan mo ang anak mo, tyaka wag kang mag alala sakin dahil masaya na akong mamamatay dahil makakasama ko na ang pamilya sa langit kaya tumahan ka na dahil kagustuhan ko rin naman ito—" Napaubo ng dugo ang matanda, ngunit nagpatuloy pa rin ito sa pag sasalita
"Alam ko na di na ko magtatagal pero ito ang tatandaan mo na kahit wala na ko sa mundo ay babantayan pa rin kita at gagabayan"
Patuloy sa pag tulo ang luha ni Bea sa mga sinabi ng matanda mag sasalita pa sana sya ng may marinig syang mga yabag at sumisigaw
"Dun ko sila nakita!!"
"Iha umalis ka na sige na" Kahit hindi gusto na iwan ang matanda ay kailangan nyang umalis dahil ito rin ang gusto nito.
Ng makatayo ay sinulyapan nya ang matanda at nakita nyang hindi na to humihinga kaya lalo syang napa iyak pero agad nyang kinalma ang sarili saka hinawakan ang kanyang tiyan
"Anak magpakatatag ka aalis tayo dito" Agad tumakbo si Bea
Kahit na hindi nya alam kung san sya tutungo ay pinagpatuloy nya ang pag takbo
Napatigil sya ng makarinig sya ng putok ng baril pero agad syang tumakbo muli ng makarinig ng papalapit na mga yabag
Mas binilisan nya ang pag takbo hanggang sa may masilayan syang dagat pero kasabay ng nakita nya ay mga taong nandun hindi nya alam kung kalabang yun o hindi pero agad syang naghanap ng mapag tataguan.
Nakakita naman sya agad ng matataas na damo na maaari syang makapag tago.
Matapos ng mag tago ay nakarinig sya ng mga sumisigaw kasabay nung ang pag putok ng baril.
Kahit di nya nakikita pero alam nya na may mga nag lalaban hindi nya alam kung kalaban ba ito ni Arvie pero wala na syang pakialam basta ang gusto nya lang ng mga oras na yun na tuparin ang kagustuhan ni Manang Sabel na tumakos na islang iyon.
Tumigil na ang mga putukan kaya agad nyang tiningnan ang mga nangyari. Agad nyang nakita ang mga taong mga patay na.
Kung normal lang ang nangyayari ay matatakot sya pero alam nya ang totoo. Alam nya na sakim ang mga tao lalo na sa kapangyarihan kaya nga nagkakaroon ng traydor sa isang samahan ikaw man ang pasimuno o ikaw ang ginagamit. Kaya nga di mo masasabi kung sino ba talaga ang dapat mong pag katiwalaan.
Bigla syang nakarinig ng kasa kaya kaya nawala sya sa kanyang iniisip
"Akala mo ba makakatakas ka sakin Bea, mahal ko hindi hindi ka makakatakas"
Kinabahan sya ng marinig nya si Arvie habang hawak nito ang baril na nakatutok sa likod ng ulo nya hindi nya iyon napansin dahil sa kanyang iniisip.
"Bat di mo na lang ako pabayaang umalis dito Arvie wala kang mapapala sakin!!" Galit na sigaw ni Bea
Idiniin ni Arvie ang Baril kaya napaabante si Bea
"Diba sinabi ko na sayo NA AKIN KA LANG KAYA HINDING HINDI KITA PAKAKAWALAN!!!" Nanggagalaiti nitong sigaw
Kasabay ng pagsigaw nito ay ang pagharap nito kasabay ng pagsipa ni sa kamay nitong may hawak ng baril hindi kaagad nakapag react si Arvie kaya agad nyang tinuhod ang pagkalalaki nito saka sinipa ito dahilan para matumba si Arvie ginamit nya yung pagkakataon para tumakbo uli. Mas binilisan nya ang pagtakbo dahil medyo malayo pa ang kayang tatakbuhin para makarating sa kanyang destinasyon nakarinig sya ng putok ng baril kaya napayuko sya habang tumatakbo. Kahit sumsakit na na ang dyan nya ay nagpatuloy sya.
"Baby wag kang bibitaw kay mommy..."
"YOU CAN'T GET AWAY FROM ME BEA!!" patuloy na sigaw ni Arvie
(Queen & others Place)
Madaming mga tao na nag tatakbuhan dahil na rin siguro sa nangyayaring kaguluhan sa loob pero kahit madami na ang mga nakalabas ang hindi pa rin lumalabas sina jake
"Asan na sila Jake at sina Dwane, Andrea? Sila na lang ang wala dito"
Tanong ni Ice kay Andrea dahil ang mga yun na lang ang wala pa."Na contact ko na sina Dwane sabi nila papunta na sila dito pero hindi ko na macontact sina Jake hindi kino connect ang ear piece nila" Natatarantang sabi na rin ni Andrea
"Anong bang ginagawa nila" naiinis ng sabi ni Ice dahil sa kakaibang kaba na nararamdaman nya hindi nya alam kung bakit pero ng oras na iyon nya lang iyon naramdaman na parang may masamang mangyayari kaya nga tlagang nag aalala sya sa mga kaibigan nya lalo na kay Bea
"Queen sorry ngayon lang kami nakarating may nakalaban kasi kaming mga gwardya ni Arvie na nagbabantay sa kanya" Hinihingal na sabi ni Dwane
"Mahuhuli na sana namin yung lalaking yun kung hindi lang nakialam yung mga tauhan nya"
"Sina Jake nakita namin na sinundan si Arvie pati ang kanang kamay nito susundan sana namin pero marami talagang mga kalaban ang sumugod samin kaya wala kaming nagawa nung hindi na namin sila makita kaya pumunta na lang kaagad kami rito"
Kitang kita ni Bea ang pagod ng mga kasama nya kaya pinagpahinga nya muna ang mga itoAgad syang bumaling kay Andrea "Andrea nakikita mo ba sina Jake?"
"Not yet queen pero may na di detect yung c-CTV" Mabilis na nag ta-type ang kamay ni Andrea hanggang sa may nakita ako
"There parang ayun sila" turo ni ICE ng makakita ng parang tumatakbo at tama nga sya ng hinala na sina Jake iyon habang hinahabol si Arvie pero hindi tulad ng sabi nina Ellaine na walang kasama si Arvie na kanang kamay pero hindi na iyon pinansin ni ICE.
Agad syang bumaling sa mga kasama nya "Lets go guys"...
....... To be Continue
BINABASA MO ANG
Western High
ActionMisteryo ang nakabalot sa Western High, walang nakakaalam kung ano bang istorya ng eskwelahang ito. Walang nakakaalam ng sikretong itinatago ng eskwelahan.... Walang nakakaalam ng buhay sa loob ng eskwelahan.... Walang nakakaalam sa totoong kulay n...