Patuloy sa pagtakbo sina Dustine at ang iba ng mapansin ni ICE na hindi nila kasama si Stefany dapat kasama nila ito dahil magkasama silang dalawa sa grupo na ginawa nya kaya imposible na kasama ito nina Jake.
"Dustine nasan si Stefany?" Tanong nya dito. Luminga linga ito ng mapansin na wala nga si Stefany
"Guys tumigil muna tayo" sigaw nya sa mga ito dahil nakakalayo na rin ang iba at siguradong hindi nila maririnig ay sinabi nya.
Lumapit sa kanya si Nico
"Bakit may problema ba?" tanong nito sakanya. Bumaba sya mula sa pag kakakarga sa kanya ni Dustine saka hinarap si Nico
"Hindi na tin kasama si Stefany" sabi ko dito. Agad na napalinga linga ito sa paligid ng mapansin ding wala ang babaeng sinabi nya.
Nagpatuloy sya sa pag linga linga para mahanap si Stefany. Malapit na rin sila sa labas ng gubat.
Nakakita sya ng baril kaya agad nyang kinuha iyon saka tiningnan kung bala pa ito at swerte at meron pa iyong bala.
"Queen ayun si Stefany" turo ni Ellaine ng makita si Stefany na nakatayo sa labas ng gubat. Kahit nagtataka ay pumunta pa rin sila kung saan nakapwesto si Stefany. Ng makarating nila ay naabutan nilang nakayuko ito kaya nilapitan ni Ice si Stefany pero malapit na sya dito ng makarnig sila ng pag baril kaya agad silang lumuhod saka tumingin kung saan ng galing ang putok ng baril at nakita nilang wala na itong buhay at nakatutok dito ang baril ni Dwane ng masiguradong wala ng iba pang babaril sa kanila ay haharap na si Ice nang bigla syang makaramdam ng nakatutok sa ulo nya.
"Anong ginagawa mo" mahinahong tanong dito ni Ice. Napalingon naman ang iba ng marinig nila ang sinabi ng dalaga at nagulat sila sa nakita dahil ang baril na hawak ni Stefany ay nakatutok sa ulo ni Ice.
"Ibaba mo ang baril Stefany" mahinahong sabi ni Dustine
"Stef bat mo ba ginagawa iyan" kinakabahan namang sabi ni Ellaine
"Put the gun down Stef--"
"Tumahik kayong lahat!" Biglang salita ni Stef saka lalo pang idiniin ang pagkakatutok ng baril sa ulo ni Ice habang tahimik lang itong nakikiramdam.
Tama nga nga ang hinala ni Ice na si Stefany ang traydor sa kanila pero parang meron pa rin mali kaya hindi dapat sila magpadalos dalos.
"Bakit mo ba yan ginagawa stefany?" may inis na sabi ni Nico
Bumaling naman dito si Stef saka nagsalita
"Anong problema ko, kayo Kayong lahat ang problema ko" Inis nitong sabi saka bumaling kay Ice na hindi gumagalaw pero alam mong nakikinig lang
"At lalo ka na Ice, hindi naman dapat ikaw ang nandyan sa pwesto mo bilang kungdi dapat ako, AKO pero inagaw mo sinamantala ang pagkakataon na wala ako dun" inis na sabi nito
"Hindi ko sinamantala ang pagkakataon at nandito ako sa pwesto ko dahil sa kakayahan kong mamuno" mahinahong tugon naman nito
"Hindi sinamantala, nararapat SINUNGALING. Akala mo kung sino kang mabait at katinga tingala pero hindi dahil mahina ka lang rin naman dahil kung hindi dahil sa mga kasama mong uto uto din ay mahina ka at wala ka na sana dito" sabi nito
Tumingin ulit si Stef sa mga kasama nila saka ulit nagsalita
"Ako dapat, ako dapat ang nasa pwesto nya hindi sya ako sana ang namumuno sa grupong ito pero hindi" sabi nito na biglang tumawa
"HAHAHA ginamit ko pa ang kakambal ko para sa mga plano pero ano sinira ni Ice ang mga plano ko, sinira ng council" nagulat silang lahat ng marinig nila ang sinabi nito. Hindi nila inakala na gagamitin nito ang kapatid sa pangsariling kapakatanan
"Ikaw ba ang dahilan kung bakit namatay sina Victoria at Violet?" mahinahong tanong ni Ice dito
Bumungisngis ito sa tanong ni Ice na lalong kinainis ng mga ito pero nanatiling tahimik sila para marinig kung ano ba talagang nangyari sa magkakapatid
"Oo ako ang dahilan kung bakit sila namatay... Ay hindi pala ako pala pumatay sa kanila HAHA" sabi nito. Gulat parin ang lahat sa narinig kay Stef pero mas lalo pa rin silang nagulat sa sunod na sinabi nito.
"Tyaka pano mamamatay si Victoria eh ako sya HAHA" Parang baliw na sabi nito.
"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong ni Dustine dito
Bumaling dito si Stef at ngumiti ng matamis
"Simple lang mahal kong hari... Dahil ang totoo ay nakipagpalit ako sa totoong stefany ng katauhan pinaltan ko ang alaala niya ng alaala ko"
Natatandaan noon ni Ice ang mga nagawa ni Victoria dahil sa talino nito pero di nya inakala na gagawin nito iyon sa sariling kapatid
"Bat mo ginawa yun sa sariling kapatid mong kapatid?!" galit na sabi ni Nico. Alam ng lahat kung pano nito minahal ng sobra si Stef kahit hindi ganun ito palasalita.
"Oh ang mahal ng aking kapatid ko HAHA natatanda ko noon bago ko burahin ang alaala ng kapatid ko na marami kayong ginawang masaya ng kapatid ko pero dahil mas malaki ang silbi ni Stef sa mga plano ko kaya sorry for your lose"
"Hayop ka--"
"Dyan ka lang Nico" mabilis na sabi ni Stef na ang totoo ay si Victoria
"Napa hayop mo Vic niloko mo kaming lahat para san para makaganti--"
"Oo gusto kong pahirapan kayong lahat, gusto kong na maranasan nyo ang mga naranasan kong paghihirap kaya nga buti na lang at may iba pang galit sa inyo at isa dun si Arvie mas napadala lahat ng plano ko"
"Ano bang makukuha mo kapag nagawa mo na ang plano mo?" tanong ni Ice dito
"Syempre ako na ang mamumuno sa Western High at walang makakapigil sakin kaya uunahin na kitang patayin" sabi nito kaya pa nito makalabit ang baril ay agad pumaikot si Ice at nakipag agawan ng baril dito hindi naman nagpatalo ito at nakipag agawan din.
Lalapit na sana ang ibang mga nandun ng biglang may mga tumatkbong kalaban papunta sa kanila kaya wala silang nagawa kungdi kalabanin ang mga ito habang ang dalawa ay patuloy sa pag aagawan.
Nagagawa ni Ice na itutok dito ang baril pero nagulat na lang syang tungtungan nito ang paa nyang may bali saka pinutukan sya na tumama sa kanyang binti. Natumba si Ice dahil sa tama ng baril, napatingin ito kay Victoria ng magsalita ito
"Magpaalam ka na Ice" Napapikit na lamang si Ice dahil alam nya na hindi sya makakatakas sa ipuputok nitong baril sa kanya dahil sa tama ng baril sa binti nya.
Nakarinig ng putok ng baril si Ice pero wala syang naramdaman na tumamang baril sa kanya kaya nagmulat sya ng mata at nakita nya si Victoria na nakahawak sa dibdib habang dumudugo iyon at unti unti ay nakita nila ang pagbagsak nito. Agad syang tumingin kung san nanggaling ang putok ng baril at nakita nya si Nico na nakataas parin ang kamay na may hawak ng baril bumalik ulit ang tingin nya kay Victoria. Nagpatulong sya kay Dustine at saka nila nilapitan si Victoria saka kinapa naman ni Andrea ang pulso nito kung buhay pa ito, tumingin ito samin at umiling. Nakakalungkot man ay hindi pedeng dalawa sila ni Ice na nakatayo dahil di nila ito mapipigilan.
"BEAAAAA!!!"......
BINABASA MO ANG
Western High
ActionMisteryo ang nakabalot sa Western High, walang nakakaalam kung ano bang istorya ng eskwelahang ito. Walang nakakaalam ng sikretong itinatago ng eskwelahan.... Walang nakakaalam ng buhay sa loob ng eskwelahan.... Walang nakakaalam sa totoong kulay n...