Chapter 41: The Start

373 13 5
                                    


Bea's POV.

Nagising ako dahil sa liwanag na tumama sa mukha ko kaya dahan dahan kong iminulat ang aking mata at agad kong nakita ang isang matandang babae na nag-aayos ng kurtina, nakatalikod ito sa pwesto ko at dahil kakagising ko lang ay hindi ko nakilala kaagad kung sino ang matandang babae pero nung humarap na ito ay agad ko itong nakilala

"Nay Isabelle..."

Agad itong tumingin sakin nung narinig nya ang pagtawag ko. Lumapit sya sakin nung nakita nyang bumabangon ako.

"Oh gising ka na pala iha ayos lang ba ang pakiramdaman mo?" Tanong nito sakin.

"Ayos lang po. Di naman po ako nasusuka kaya siguradong ayos po ako" nakangiti kong sagot sa kanya. Agad naman itong ngumiti.

"Oh sige baba na muna ako ihahanda ko lang ang kakainin mo" nakangiti nitong sabi sakin

"Oh sige po" nakangiti ko ring sagot dito. Agad namang umalis si manang Sabel para kumuha ng pagkain ko.

Umalis ako sa kama at saka pumuntang CR para maghilamos. Pagkatapos kong maghilamos ay tumingin ako sa aking repleksyon sa salamin at agad kong nakita ang medyo pagbabago ng aking itsura.

Pagkalabas ko ng kwarto ay agad kong nakita si nay sabel na inaayos ang aking pinaghigaan.

"Oh tapos ka na bang maghilamos?" Tumango lamang ako sa kanya "Oh umupo ka na dito at kumain na ng agahan mo" nakangiti nitong sabi sakin na ginantihan ko ng matamis na ngiti.

Agad ko namang sinunod ang sinabi nya.

"Handa ka na ba para mamaya?" Biglang tanong nito sakin kaya napatigil ako sa pagnguya at napatingin ako sa kanya at ngumiti.

"Syempre nay handa na ko ito lang ang tanging paraan para makaalis ako sa lugar na 'to..." Masaya kong tugon sa kanya. Agad naman itong ngumiti sa sinagot ko.

"Mabuti naman at handa ka na dahil ito lang ang pinaka magandang pagkakataon para makaalis tayo sa lugar na 'to" nakangiti nitong sabi sakin "Oh sya at itutuloy ko lang ang ginagawa ko at di purke't may gagawin tayong napakadilikadong bagay ay di ko na gagawin ang iniatang na trabaho sakin" sabi nito sakin at saka tumalikod pero agad ko namang hinawakan ang kamay nya.

"Oh Bakit may kailangan ka ba iha?" Agad nitong tanong sakin. Ngumiti naman ako sa kanya saka nagsalita.

"Nay salamat..." Sabi ko sa kanya.

"Oh, Bakit ka nagpasalamat??" Tanong nya naman sakin.

"Kasi po kung di dahil sa inyo baka nabaliw na po ako sa lugar na 'to." Masaya kong sagot sa tanong nya.

"Ano ka ba naman iha maliit na bagay lang iyon tyaka hindi naman ako ganun kasama para hayaan ka na lang dito lalo na't alam ko na hindi maganda ang pakikitungo ng ilang mga tao sa mga walang kalaban laban katulad mo.." Nakangi naman nitong sabi sakin.

"Sobrang salamat po talaga" nakangiti ko ulit na sabi.

"Hay ano ka ba iha ubusin mo na nga iyang agahan mo para makapag handa na rin tayo para mamaya. Siguradong maraming pwedeng mangyari malakas ang pakiramdam ko.... Kaya maghanda ka na...." Sabi nya bago sya umalis sa kwarto.

Tama si nay Isabelle. Maraming pwedeng mangyari mamaya lalo na't ito ang araw ng pagtakas namin... I wish that all of this ends...

Bumalik lang ako sa wisyo ng marinig ko ang pagbukas ng pinto. Naalerto ako dahil hindi sigurado akong hindi nay Isabelle ang papasok kindi ang lalaking pinakakinaiinisan ko....

Nakita ko syang dumungaw at malademonyong ngumiti nung nakita nya kong  nakatingin sa kanya.

"Darling... Buti naman gising ka na..." Nakangisi nitong sabi sakin na agad ko namang kinainisan.

"Anong kailangan mo Arvie!!??" May galit kong tanong sa kanya na lalong ikinangisi ng lalaki.

"Napakatapang mo talaga mahal ko, na kahit alam mong pwede kitang patayin ngayon sa oras na ito eh matapang ka pa rin ... Kaya yan ang nagustuhan ko sayo eh.." Nakangisi pa rin nyang sabi.

"Bakit ka ba talaga nandito???" Galit kong sabi sa kanya. Agad naman syang sumeryoso ng narinig nya ang sinabi ko.

"Oo nga pala muntikan ko ng makalimutan ang ipinunta ko dito..." Bumuntong hininga ito saka itinuloy ang sasabihin

"I just came here to inform you the incoming party here in this mansion..." Lumapit sya sakin at saka itapat ang mukha sakin habang ako ay di natitinag sa aking pwesto. Bakit ako matatakot sa kanya eh hindi naman sya dapat katakutan.

"Kaya ikaw...." Hinawakan nya ang panga ko saka itinuloy ang sinabi "Behave.... Ayaw mo naman sigurong may mangyaring masama sa mga pinakamamahal mong mga kaibigan...." Nagtagis ang aking panga sa sinabi nya "Oo nga pala kaibigan mo nga ba sila eh bakit ngayon parang wala na silang pakialam sayo!!!" Di ko na napigilan ang aking sarili at nasampal ko. Sino ang lalaking 'to para sabihin ganon ang mga kaibigan ko wala naman syang alam.

Nagtatagis ang panga ni Arvie ng hawakan nya muli ang aking pangang nabitawan nya ng sinampal ko sya, mas mahigpit ito kesa nung unang hawak nya sakin.

"HOW DARE YOU B*TCH!!!" Galit nitong sigaw sakin.

"F*ck you. GO TO HELL!!!" Galit ko ding sigaw sa kanya na agad nyang ikinagalit kaya nasampal nya ko ng malakas.

"Next time b*tch wag mong painitin ang ulo ko dahil hindi lang yan ang gagawin ko sayo..." Galit nitong sabi saka ito naglakad papunta sa pinto pero tumigil ito at saka tumingin sya muli sakin na seryoso at galit parin ang mukha.

"Hindi pa tayo tapos Bea. Just wait 'till the party is over and I will give you the right punishment that you deserve. I love you but I don't like what you did...." May diin nitong sabi sakin.

"You don't know love your just an obsessed freak!!" Galit kong sabi sa kanya.

"If that's what you call it but I'm still not yet done with you. Remember it" sabi nito saka lumabas at padabog na Sinara ang pinto.

Napabuntong hininga ako dahil sa wakas ay wala na si Arvie sa kwarto na kulungan para sa kanya.

"Bwisit na lalaki yun..." Agad naman akong napahawak sa tyan na medyo umuumbok na saka ito hinimas himas.

"Baby konting tiis na lang makakaalis din tayo sa lugar na ito..."

Agad naman akong naging alerto ng may nagbubukas ng pinto. Akala ko ay si Arvie iyon pero nakahinga rin naman ako ng maluwag ng makita kong si nay Sabel.

Pumasok ito sa loob saka isinara at nilock ang pinto. Lumapit ito sakin.

"Maghanda ka na iha. Mapapaaga ang pag-alis natin rito..."

~~~~~~~

Hello guys he he merry Christmas.

Sorry kung ngayon lang ako nakapag update nahihirapan kasi akong mag isip ng idea kaya hero na guys.

Hope you like this.

Western HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon