Continuation of chapter 44Agad na nag tungo sina Ice sa lugar kung saan nila nakita kung san nag punta sina Jake.
Nasa kalagitnaan na sila ng gubat ng biglang may sumugod sa kanila
(ICE's POV.)
Agad akong naging alerto ng may sumugod kaagad saming isang kalaban agad naman iyon napatumba ni Dwane lalo na't sya ang malapit sa kalaban pero agad namang nagsilabasan ang mga kalaban marami ang mga ito kaya sa tingin ko ay matatagalan kami rito.
Agad kong nakita ang dalawang lalaki na papasugod sakin umilag ako pakanan ng mabilis na sumugod sakin yung pandak na kalaban agad kong tinuhod ang tyan nito sabay tulak sa kasama nitong hindi pa nakakaatake natumba ang dalawa pero may sumugod kaagad saking isa na agad kong siniko sa ulo at saka hinawakan ang kamay na may hawak na kutsilyo saka hinagis sa harap tumama naman ito sa isa pa na susugod sana kay Elaine pero di na natuloy.
Dahil sa ginawa ko ay di ko napansin ang kalaban sa likod kaya napahiga ako ng ako ay napadapa pero agad akong gumulong para maiwasan ang susunod na atake na kalaban agad ko itong sinipa ng dahilan para ito ay matumba nakita kong ang papasugod na isang kalaban kaya agad akong naghanap ng sandata, nakita ko naman ang isang kutsilyo agad ko itong kinuha saka ko hinagis sa kalaban. Binalingan ko ang kalaban sa likod ko ng marinig kong parang natumba ito at nakita ko itong duguan binalingan ko kung sino ang bumaril at nakita ko si Mico na sumaludo lang sakin saka pinagpatuloy ang pag laban.
Bigla akong napaiwas ng maramdaman kong may kutsilyo ang papunta sakin mula sa likodan kaya agad akong lumingong dito at nakita ang isang lalaki sa di kalayuan kung titingnan ay parang karaniwan lamang ito na kalaban pero alam ko ang totoo. Sa tingin ko ay ito ang sinasabi nina Dwane na kasama ni Arvie na kanang kamay nito.
Nakita ko ang palapit nito sa akin "Asan ang amo mo?" Tanong ko dito
"May hinahabol na daga, nakatakas kasi eh" Seryoso nitong sabi
Kahit na hindi nito sinabi kung sino iyon ay alam ko na agad kung sino iyon kaya lalo akong kinabahan pero alam ko na kaya nya iyon, mabuti na rin at nakatakas ito at sana mailigtas siya nina Jake
"Ikaw bakit nandito ka at di kasama ang amo mo?"
"Pinaiwan na nya ako dito kailangan ko kasing linisin ang kalat dito" Pag kasabi niya nun ay agad syang tumakbo sabay sugod
Umilag ako ng sya ay sumuntok saka ito sinipa sa tagiliran napaurong sya, umabante naman ako saka ito inatake ulit. Sa pag atake ko ay pag ilag nya sa totoo lang ay magaling itong kalaban nya kaya nahihirapan akong patumbahin ito.
Napa baling ang atensyon ko kay Andrea ng marinig ko itong sumigaw pero agad naman itong tinulungan ni Xander.
Bigla akong natumba dahil bigla akong sinipa ng kalaban ko
"Ako dapat ang hinaharap mo" sabi nito tapos ay inapakan ang kanang binti ko
"AHH"sigaw ko dahil eksperto nitong pinilipit ang paa ko. Hindi ko alam kung pano nya nagawa yun pero wala na kong pakialam dahil agad ko itong sinipa sa pagitan ng hita nya dahilan para maalis ang pag kakatungtong nito sa binti.
Agad kong kinuha ang dagger na nasa binti ko saka ito isinaksak sa leeg.
"Bwisit ka!" galit kong sabi dito ng makita ang paghihingalo nito pinabayaan na nyang maghirap ito dahil siguradong madami na tong nagawang hindi maganda.
Tumingin sya sa iba at nakita nya na tapos na rin ang mga ito aa mga kalaban nila. Lumapit naman sa kanya ang iba nyang mga kasama.
"Ayos ka lang ba?" tanong sakin ni Dustine ng makita nya ang pag ika ika ko. Tumango lang bilang sagot saka bumaling sa iba.
"Kailangan na nting sundan sina Jake baka kasama na nila si Bea" sabi ko sa mga kasamahan ko.
Agad na sumang ayon ang mga ito kaya kahit nahihirapan ay pinilit nyang tumakbo muntikan akong matumba ng biglang lumuhod si Dustine patalikod sakin.
"Ano yan?" kahit alam ko na ang pinapahiwatig nya ay nag maang maangan parin ako
"Edi ipi piggy back ride kita alam ko na masakit ang binti mo kaya sumakay ka na sa likod ko" sabi nito sakin
"Pero—"
"Wala ng pero pero sumakay ka na lang" pamimilit nito sa kanya kaya kahit ayaw nya ay sumakay na rin sya likod nito dahil baka maiwan na sila ng mga kasama nila kapag nakipag argument pa ko kay Dustine.
Bago kami maglakad ay este bago maglakad si Dustine ay inayos nya muna ang pagkakasakay ko sa likod nya saka nagsimulang tumakbo para makaabot. Sumubsob na lang ako sa likod nya dahil sa hiyang nararamdaman ko.
(3rd POV~Jake and others~)
"AKIN KA LANG KAYA HINDING HINDI KITA PAKAKAWALAN!!!"
Mabilis na nagsitakbuhan sina Jake ng marinig nilang sigaw ni Arvie. Di man sabihin ni Jake ay alam ng ni Ace at Chrystal na sobra ang pag aalala nito para kay Bea pati rin naman sila ay sobra ang pag aalala kaya kahit na nag command na si Queen na bumalik sa pwesto nila kanina ay hindi nila ito sinusod at sumama na lang kaya Jake para sa pag huli kaya Arvie at para mag iligtas na din si Bea.
Malapit na kami sa bukana ng isla ng may biglang tumalon sa pwesto namin kaya napatigil na lang kami. Kung bibilang ay sampo ang mga nag silabasang kalaban at siguradong may iba pang nakatago.
"Jake habulin mo na si Arvie kami na ang bahala rito" sabi ni Ace kay Jake. Tumango ito sabay takbo ng may haharang sana dito ay agad na sinipa ito ni Chrystal dahilan para tuluyang makatakbo si Jake.
Habang si Jake na kita na sa katawan ang pagod ay parang wala itong nararamdaman na hirap dahil pursigido ito na mailigtas si Bea.
Malapit na syang makalabas ng gubat kaya tumigil sya saka luminga linga baka nasa tabi tabi lang si Bea o kaya si Arvie pero hindi nya nakita ang mga iyon kaya nagpatuloy sya sa pagtakbo habang tumitingin sa paligid nya. Nakalabas na sya ng gubat ng hindi nya makita ang dalawa kaya tumingin sya at meron syang naaninag na dalwang tao isang babae na nakatungtong malapit bangin at ang lalaki na may hawak na baril na nakatutok sa dalaga.
Nanglaki ang mata ni Jake ng mapag tantong si Bea iyon at Arvie kaya kinuha nya baril sa tagiliran saka tumakbo pa punta sa mga ito...

BINABASA MO ANG
Western High
ActionMisteryo ang nakabalot sa Western High, walang nakakaalam kung ano bang istorya ng eskwelahang ito. Walang nakakaalam ng sikretong itinatago ng eskwelahan.... Walang nakakaalam ng buhay sa loob ng eskwelahan.... Walang nakakaalam sa totoong kulay n...