Chapter 37: Confussion

617 13 0
                                        

Ice POV.

"Everyone....." Tumingin silang lahat sakin pagkasabi ko nun. "Get ready......." Dahil sa sinabi ko naging seryoso sila lalo na't alam nila na dito na magsisimula ang pinaka laban namin.

Malalaman ko na rin kung dito na ba matatapos ang lahat ng ito alam kong may mawawala samin pero hangga't maaari ay pipigilan kong mangyari yun. Ayoko ng may mamamatay dahil lamang sa isang mababaw na dahilan kaya sisiguraduhin kong matatapos na ito.

"Ayos ka lang ba?" Tanong sakin ni Ace na nagpabalik sakin sa realidad.

"Oo ayos lang ako...." Sabi ko sa kanya.

Kumuha na ko ng mga baril na gagamitin, dagger at ibang kakailanganin ko mas mabuting handa ka kesa magsisi.

Nakita ko ang paglabas ng mga kasamahan ko natira na lang ay ako, si Jake at si Andrea.

"Queen, Andrea mauna na ko..." Sabi nito tumango lang ako bilang tugon. Nang nakita ko ng umalis ni jake si Andrea naman ay napansin kong parang Hindi mapakali napakunot ang noo ko sa kanyang kinikilos.

"May gusto ka bang sabihin Andrea?"

Andrea POV.

Sasabihin ko ba o Hindi?

Eh baka naman imahinasyon ko lang ano ba talagang dapat Kong gawin. Ba't kasi natuklasan ko pa yung lason na yun pati na rin yung mga kinikilos ni Stefany bakit kasi napansin ko pa.

Bakit kasi napaka observant ko sa mga nangyayari tyaka pakisabay pa 'tong mga 'to kung noon pa pinakita yung mga nalaman ko eh di concentrate lang Sana ako sa isang bagay at yun ang iligtas si Bea mula sa mga kalaban.

"May gusto ka bang sabihin Andrea?" Nagulat ako sa pagsasalita ni Queen. Napatingin ako sa paligid at dun ko lang napansin na kaming dalawa na lang pala ni queen ang natitira na sa tingin ko ay  naghahanda narin.

Ganun ba kalalim ang iniisip ko at di ko na napansin na nakaalis na pala ang iba.

"Ammm... Ano kasi.... Di ko alam kung sasabihin ko pa 'to o wag na lang kasi baka guni guni ko lang yung mga napapansin ko." Tumingin ako Kay queen kung ano ang reaksyon nya at kita Kong seryoso sya kaya itinuloy ko na lang ang sasabihin ko.

"Alam mo kasi queen napapansin ko ng mga nakaraang araw ang pagbabago ng kilos ni Stefany katulad na lang ng pag-alis nya ng Hindi nagpapaalam. Napapansin ko kasi na ganun sya Simula nung nagpakita yung kapatid Ewan ko talaga nalilito ako alam ko na Hindi tama na mag-isip ako ng ibang bagay dapat focus muna ako sa nangyayari lalo na't nakidnap si Bea pero talagang napapaisip ako tapos kanina pa eh may nakita akong lason dun sa mga dahon sa labas basa pa yun kaya iniisip ko na bago lang yun at baka may nakapasok ngayon dito sa bahay natin–" pinutol bigla ni Queen ang sasabihin dahil nagsalita sya agad.

"Wag mo munang isipin yan mas mabuting magfocus muna tayo sa mga nangyayari. I have a feeling that after this everything that makes us confuse will be reveal and at the same time it will stop–" lumapit sya sakit at hinawakan ang magkabila kong balikat "so don't think about it too much just focus on our mission and it is..."

Agad akong sumagot

"to find Bea"

Tumango tango sya sa sagot ko at ngumiti saka ako binitawan at bumalik sa paghahanda para sa paghahanap namin Kay Bea.

"You better get ready..." Sabi nito sa seryosong tinig kaya agad akong tumango kahit alam ko na Hindi naman nya nakita ang ginawa ko agad akong kumuha ng baril, bala ng baril, silencer para in case lang at dagger. Saka ako umalis na maraming iniisip. Wala sa sariling napatango na lang ako.

Tama Hindi ko dapat muna itong isipin mas mabuting i-focus ko muna ang sarili ko sa dapat na isipin dahil baka makakaapekto lang ang mga iniisip ko sa misyon na para sa paghahanap Kay Bea.

Siguro tama si queen na ang mga nangyayari ay pwedeng maging sagot sa katanungang gumugulo sa isip ko o kahit sino samin. Basta kung di ko man malaman ang sagot aalamin ko dahil baka di ako makatulog kakaisip nito.

Papunta na Sana ako sa kwarto ko ng mapansin ko ang isang pigura na nasa isang sulok agad ako nagtago sakto namang maya nakita kong vase kaya dun ako nagtago lalo na't alam kong di nya makikita maliban na lang kung mag-iingay ako syempre mapapansin nya ko pagnangyari yun.

"... Siguraduhin mo na Hindi masisira ang mga Plano natin..." Di ko masyadong marinig ang boses dahil na rin siguro nakatakip ang bibig nito pero patuloy lang ako sa pakikinig.

"Alam mong walang gagawing maganda ang babaeng yan kaya mas mabuting patayin mo na lang ang babaeng yan..."

Bigla akong kinabahan sa sinabi ng kung sino man ito kung sino man sya ay siguradong mapanganib ito.

"Bahala ka basta siguraduhin mo na hindi yan magiging malaking problema dahil pag nangyari yung ako na mismo ang papatay sa babaeng yan–"

Nagulat ako ng bigla ko pa lang masagi ko yung maliit na vase na nasa taas nun.

Sino bang bwiset ang naglagay nun dun panira eh.

"Sinong andyan?" Agad akong nagpanic ng biglang masalita yung pinakikinggan ko kanina.

San ba ko pupunta nito. Kung aalis naman ako dito eh baka mabisto nya ko na nakikinig sa kanya at ang malupit pa eh baka serial killer 'tong isang 'to aymong gagawin ko?!?!

"Sino sabi yan!!??" Inis na tanung nito sa sobrang panic ko at Hindi na talaga alam ang gagawin eh Hindi ko na naisip pa kung kinong boses yun basta ngatago na lang ako.

Konte na lang eh makikita nya na ako kaya lalo akong nagsumiksik sa vase para may chance na Hindi nya ko makita.




Ayan na ilang hakbang na lang andito na siya sa pinagtataguan ko!!
























*RING-RING*

Napahinga ako ng malalim di ko napansin na tumigil na pala ako sa paghinga.

"Baka hayop lang yung..." Narinig ko ang papalayong yabag kaya sumilip na ko at ng nakita kong wala na yung tao eh umalis na kaagad ako dun.

Bwiset na yun sinabihan ba naman ako na baka hayop lang yung kung Hindi ako natakot baka sinugod ko na agad sya para mahuli pero Hindi. At buti na lang di ako nahuli kung Hindi lagot na huhuhu.

Agad akong umalis sa lugar na iyon at maaaring bumalik pa kung sino man yun wala dapat munang akong isiping iba kundi ang mission.

Pero sino nga ba yung taong yun at bakit ako kinabahan sa kanya? Dapat talaga matapos na itong lahat.

























✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂
Oh my god nakapag update na din sa wakas after a lot of months na pagkakaroon ng mental block hehehe sorry talaga guys if ang tagal kong nakapag update pero heto na and I hope you really like this update kahit ang tagal hehehe

Western HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon