(Ice POV.)Sabi nila pag may umalis may bumabalik pero meron ba talaga. Siguro may katapusan talaga ang lahat.
Naka graduate na kami sa Western High at maayos na rin ang pamamalakad doon. Isang normal na high school ang Western High wala ng palakasan, wala ng paligsahan. Nakapagtapos na rin kami sa college at kami na ang namamahala sa kanya kanya kompanya na pagmamay-ari ng mga magulang namin.
Sa totoo lang hindi alam ng mga magulang namin kung ano ang pinaggagagawa namin dito sa pilipinas. Nang malaman ng mga magulang ko ang pagkamatay ni Bea ay sobra ang lungkot na naramdaman nila itinuring na rin kasi ng mga ito na parang tunay na anak si Bea. Simula kasi ng mamatay ang parents ni Bea ay kinupkop na sya nina mom and dad at isa yung sa pinaka masayang pangyayari pero nalulungkot ulit ako kapag naiisip ko na wala na talaga sya.
After 6 years mula nung masaklapna nagyari kay Bea ay naging successful na kami sa kanya kanya naming buhay. Sina Mico at Elaine ay 3 years ng kasal at may kambal na anak na 2 years old na sina Mica at Elena obvious naman na isinunod sa pangalan nila ang pangalan ng kambal. Sina Dwane at Ace ikakasal ngayong taon at nagsisimula na sila para sa preparasyon ng kasal nila. Ang iba naman ay hindi natuloy ang love story nila, sina Chrystal at Alexander hindi ko alam pero nag break sila ng hindi ko alam ang reason. Si Andrea naman ay kasama ang mga parents nya pero sa tingin ko hinahanap nya si Andrew ang first daw nito ala ewan ko dun. Si Nico naman ay nag ta-travel isa kasi photography ang tinapos nyang kurso pero pumupunta syang Canada para tulungan pa rin sa family Business nila at ang alam ko eh ililipit sa pangalan ni Nico yung kompanya kaya siguradong sobrang busy noon pero alam ko na pabor sa kanya yun dahil hanggang ngayon malungkot pa rin sya sa dinanas ni Stefany...
Kami naman ni Dustine... I don't know... Siguro hindi kami para sa isa't isa... Siguro its better this way na lang hindi na lang kami magkausap...
While Jake... Ayun sa tingin ko sobrang lungkot nya pa din sino ba namang sasaya kung mamatay ang taong minahal mo ng sobra sa harapan mo at hindi nailigtas... Sa tingin ko hanggang ngayon hindi pa rin nya nalilimutan ang napaka panget na pangyayari na iyon...
Hindi ko alam kung dapat ba akong maging masaya sa mga na-achieve namin sa buhay, masaya siguro kung nandito si Bea... Hindi siguro ganito ang nangyari kung nandito sya sa tabi naming lahat...
Sana kasama din namin ang baby nya...
Biglang may tumulong luha sa mga mata ko agad ko itong pinunasan saka ngumiti at tumingin sa taas...
"Bea kung asan ka man ngayon sana masaya ka na... Kasama si baby" suminghot ako pero patuloy pa rin ako sa pag sasalita "Sayang hindi nating nabigyan ng name ang baby mo madami pa naman akong naisip na cute baby names... " napayuko ako at hindi napigilan ang pagdaloy ng aking mga luha ko.
"Bakit mo kasi kaagad iniwan napakadaya mo naman eh... Ang dami pa nating dapat gawin eh..." suminghot singhot ako dahil di ko na mapigilan ang aking luha.
Nag-angat muli ako ng tingin sa langit saka ngumiti ulit sabay punas ng mga luha "Wag kang mag-alala gagawin ko yung dapat nating gawin and you will stay in my memories forever Bea, that's a promise... "
"Young lady... " agad kong pinunasan ang luha ko ng dumating ang aking butler.
"Yes butler John?" baling ko dito
"Are you to go? " seryoso nitong tanong sakin. Ngumiti naman ako at bumaling ulit sa napakagandang tanawin ng lugar na iyon pero para sakin ay napaka pait na pangyayari ang naaalala ko sa lugar na ito. Ang lugar ng ito na kumuha sa buhay ng aking pinsan at ang tinuturing ko ding bestfriend...
Tiningnan ko ang white tulips na hawak ko "Ito nga pala ang favorite flower mo Bea sana magustuhan mo ang bigay ko sayo.. " sabi sabay hagis ng bulaklak sa dagat.
Tiningnan ko ito na malaglag papunta sa tubig dagat hanggang sa bumagsak ang bulaklak. Tumalikod na ko dito saka humarap kay Butler John.
"Let's go... " sabi ko at walang lingon lingong unalis ako sa lugar na iyon.
Sakay ng Helicopter ay kitang kita ko ang islang maraming malulungkot na pangyayar in ang naganap pero kahit na madaming malukungkot na pangyayari ang nangyari dito ay binili ko pa din itong isla. Gusto ko na patuloy na pumunta sa lugar na ito kahit na dito namatay si Bea.
Nakatingin ako sa isla habang nakasakay sa helicopter hanggang sa nawala na ito sa aking paningin.
Till we meet again Bea and when we meet again we will spend our time doing what we want to do...
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Iniisip ko lang kung lalagyan ko ba ng special chapter (hindi special chapter para sa love story chu chu) may naisip kasi akong idea na pedeng mag lead sa 2 book nitong story ko na to.
Ano guys ilalagay ko ba yung special chapter o hindi na? Kayo ang mag decide.
And also please support na rin ng isang kong story na Unknown. Werewolf story po sya and may ilang chapters na po sya.
Sana i-support nyo sya kagaya ng pag support nyo sa Western high. See you guys on Unknown😘.
BINABASA MO ANG
Western High
AcciónMisteryo ang nakabalot sa Western High, walang nakakaalam kung ano bang istorya ng eskwelahang ito. Walang nakakaalam ng sikretong itinatago ng eskwelahan.... Walang nakakaalam ng buhay sa loob ng eskwelahan.... Walang nakakaalam sa totoong kulay n...