Ice POV.
*Kring, kring, kring...
Ano ba yan inaantok pa ko eh.
Napatingin ako sa wallclock at 6:00 am na pala. Nagstretch ako at saka ginawa ang morning routine ko.
After 30 ay bumaba na ako at nakita si yaya Sabel na nagluluto ng breakfast.
"Good Morning ya. Sabel!!" Bati ko dito.
"Morning din, sige maupo ka na at luto na 'tong breakfast nyo." Sabi nito sa akin.
"Thanks yaya" pagpapasalamat ko.
"Morning!!!" Bati ng isang babae.
"Morning din!!" Bati ko din dito. Ganyan kami lagi, nagbabatian.
Umupo na sya at nagsimula na ring kumain.
Pagkatapos kong kumain ay kinuha ko na yung bag ko.
"Bye Ya. Sabel, bye ACE!!" pagpapaalam ko sa kanila at kinuha ko na din yung eyeglasses ko for my disguise of course. Sumakay na lang ako ng jeep. Tinatamad kasi akong magdrive eh hehehe.
Pagkarating na pagkarating ko sa school eh chismisan kaagad ang mga naririnig ko mapalalaki man o babae.
Di ko na sana sila pakikinggan ng may narinig ako.
"Alam mo bang walang namatay this time"
"Oo nga buti naman, kasi si Trina bumalik pa dito buti na nga lang at di sya napunterya."
Di ko na sila narinig dahil malayo na sila sakin.
Kaya naglakad na lang ako papuntang classroom at nakasabay ko ulit si Bea.
Pagkarating ko sa classroom eh agad agad kaming napagdiskitahan. Oo kami dahil magkasabay nga kami ni Bea diba.
*achu*
WT!?!?
Ano 'tong binuhos nila sa akin.
Tumingin naman ako kay Bea para tanungin pero nung tiningnan ko sya alam ko na.
*achu*
Bwiset, sa dinami rami ng ibubuhos nila
*achu*
Yung harina pa
*achu*
KUNG SAAN PA KO ALLERGIC!!!!!!
SHIT
"Tara na sa clinic...." Cold na sabi ni Bea.
"*achu, achu, achu* okay....*achu*" sabi ko sa kanya at dumeretso na kami sa clinic.
Pagdating namin doon ay humingi ako nang pampatulog yun lang kasi ang magpapagaling sakin eh.
Nagtaka nga yung nurse pero binigay nya na lang sakin yung pampatulog at pagkainom ko nun saka lang ako naka tulog.
Zzzzzzz.....
"TULONG!!!" Nagising ako sa isang malakas na sigaw. Shit ano yun.
Kaya bumangon na ako
"TULONG!!!"
Narinig ko na naman yung sigaw kaya kinuha ko yung bag ko pati yung maskara.
Nung lumabas ako habang dala dala yung bag ko ay bumalik ulit ako.
"Di ka ba sasama??" Tanong ko kay Bea. Tumayo naman ito at saka dumeretso sa lugar kung saan nanggagaling yung sigaw.
Nung nakarating na kami sa pinagmulan nung sigaw. Nakita namin yun nurse na pinalilibutan nung mga lalaki din na taga MA din. Di ba sila nagsasawa.
Nakita ko yung isa na kumuha ng small knife kaya agad ko itong hinawakan sa braso napatingin naman ito sa akin kaya sinipa ko sya. Tumalsik naman ito at agad nawalan ng malay.
Napansin agad ako nung lima pa kaya sumugod sila pero tumalsik yung dalawa kaya napatingin ako kay Bea nagsmirk lang sya.
Alam ko na gusto nya ring lumaban kaya hinayaan ko na lang sya.
Humarap ako dun sa dalwang nasa harap ko. Sumugod ulit sila sakin pero umilag lang ako sa kanila.
Napansin ko na lang na pumupunta sila sa magkabilang tabi ko. Akala naman nila di ko maiisip kung anong pinaplano nila ha...
Sumenyas sila at maya maya ay sabay silang sumugod. Susuntukin nila ako ng nagsplit ako dahilan para sila ang magkasuntukan, sapul sa mukha, tumayo na ako. Sinuntok ko yung isa sa tyan at sa mukha, tumilapon ito. Pagkatapos ay yung isa naman ang sinunod ko. sinutok ko sya pero nakailag naman ito kaya sinipa ko sya dahilan para ma-out of balance sya kaya bago pa sya matumba ay sinutok ko sya sa mukha saka nagspinning kick at agad naman itong nakatulog tumingin ako kay Bea kung okay na ba sya? kaya lang nakita ko syang tinatali yung mga taga MA. -__-
Umupo na lang ako sa isang tabi at pinapanuod sya habang itinatali nya yung mga lalaki.
Yung ibang lalaki ay itinali nya sa poste at yung tatlong natira ay itinali nya rin pero nakasabit sa poste.
Pagkatapos nitang gawin iyon ay inaya na nya akong makauwi kaya pumayag na ko. Pagkarating ko sa bahay ay agad akong pumuntang kwarto at agad akong humiga sa kama dahil na rin siguro sa pagod ay nakatulog ako.
Zzzzzzz.......
✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂
Hello po ang hirap po talagang gumawa ng action stories
Pero okay lang po dahil gusto ko naman po 'tong ginagawa ko.
Sana wag po kayong magsawang magbasa ng story ko
Muah :-*
Fallinlove_LOVE
BINABASA MO ANG
Western High
ActionMisteryo ang nakabalot sa Western High, walang nakakaalam kung ano bang istorya ng eskwelahang ito. Walang nakakaalam ng sikretong itinatago ng eskwelahan.... Walang nakakaalam ng buhay sa loob ng eskwelahan.... Walang nakakaalam sa totoong kulay n...