Ang Nakaraan

187 10 9
                                    

Sa isang madilim at maalikabok na kwarto ay napapalibutan ang isang babae ng apat na kalalakihan.

"Miss, anong kailangan mo?" Saad ng isang lalaki na kung titignan ay lider nila.

"B-bakit nyo ako dinala dito?!" Sigaw ng babaeng may halong takot ang tinig.

"Huwag kang matakot, miss. Tutal nasa teritoryo ka na namin, wala ka nang kawala. Hahahaha!" Malakas na tawa ng lider nila at sinabayan pa ito ng kanyang mga kaibigan.

Hinawakan ang babae sa isa sa mga ito. Nagpumiglas ang babae at agad na sya ay hinawakan pa ng ibang lalaki at pinagtulungan.

"H-huwag! M-maawa kayo please..."

Pinagtulungang punitin ang damit ng babae.

"S-shi..." bulong ng babae at natigilan ito na para bang nawawala sa sarili.

Nagulat naman ang iba dahil sa inaakto ng babae at ang isa naman ay sumilay ang ngiti sa labi.

"Boss, nawawalan na yan ng pagasa. Ganyan lang siguro. Tuloy na namin to." Sabi ng isa na may tusong ngiti.

Napatawa nalang ang boss nila, ang kanilang lider. Tumango tango lang ito at naghihintay na maihanda ang kanilang hapunan.

Nagulat na lamang sila ng biglang tumakbo ang babae sa pintuan ngunit agad syang nahila ng mga lalake.

Humihingal at nag iba ang kulay mata nito, lahat ay kulay abo.

At sinambit nito ang katagang ikinasawi ng mga kalalakihang naroon,

"Shineeee!".

Nandidilat ang kanilang mga mata at naubusan lahat ng hangin.

Nagulat sya sa kanyang nakita at nagawa, napaluhod na lamang sya sa kanyang sinapit.

Napalingon sya sa pintuan ng makita nya itong...

bukas!

May nakakita sa kanya!

Mabilis na sya ay lumabas kahit gunit gunit ang damit at nagtatakbo. Kasabay nito ang pagpatak ng kanyang mga luha.

"Ipaghihiganti ko kayo! Dahil ako si Shini, kaya kong gawin lahat!"

----------

Shine - die
from japanese word hohoho
Yong shine po ay shi-ne pagbasa.
Arigatou :*

----------

🔯DGV🔯

Vote and Comment

ShiniTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon