Ang Ala-ala Ng Kapatid ni Mavis

48 6 0
                                    

Nasa loob ng kwarto si Kael, na kapatid ni Mavis. Dahil sa pagkakita niya kay Shini ay nanumbalik ang ala ala nito noong apat na taon na ang nakaraan.
----
4 years ago...

Pumunta sina Mavis at ang pamilya niya sa bahay ng lola niya para sa isang reunion.

Masaya ang lugar na iyon, kumbaga bibo. Nagtipon tipon ang magpamilya sa hapagkainan, pagkatapos ay nagkakantahan, nagsasayawan, nag-aasaran at nagkukuwentuhan.

Sa isang grupo naman ng magkakalapit na magpinsan ay,

"Laro tayo tagu-taguan!" Saad ng babaeng pinsan ni Kael.

"E paano tong si Kael... Maliit pa to e," sabi din ng isa pa.

"Kasali sya pero di sya matataya," Sabi ng unang babaeng nagsalita.

Nagsang-ayon din naman ang iba. Nagsimula na silang magtago. Ang usapan ay hindi sa loob ng bahay kundi sa kahit saan.

Nahiwalay si Kael sa mga pinsan niyang kasama niya sana sa pagtago.

Napunta siya sa may madilim na bahagi ng lugar na iyon. Natutuwa pa siya nung una dahil sigurado niyang walang makakakita sa kaniya doon.

Nakakita si Kael ng basura na nakaimpok sa gilid. Doon niya napagdesisyunang magtago at para na din madali niyang masilip kung may paparating. Hindi na niya kelangan tumingin pa sa likod dahil wala namang iba madadaan don kundi sa daanan niya.

Dahil ang lugar na iyon ay dead end na.

Bigla siyang nagulat ng may narinig siyang footsteps. Ang akala niya'y sa pinsan niya iyon. Kaya nagtago pa siya ng maigi.

Ngunit laking gulat niya pa ng sumilip siya at nakita niya ang isang babaeng sapilitang kinakaladkad at nagpupumiglas patungo sa bahay na madumi na pero nagagamit pa din.

Hindi niya masyadong naaninag ang mukha ng babae. Patuloy lang siyang nakatutok doon sa bahay na pinasukan ng mga lalaki kasabay ng babae.

Makaraan ng ilang minuto ay narinig niya ang pagmamakaawa ng babae.

Nagmamakaawang pigilan nila ang binabalak na gawin sa kaniya.

Nakarinig ng sunod na malakas na pagkalabog si Kael. Nagulat siya ng makarinig siya ng malakas na sigaw ng babae.

"Shineeee!"

Sumunod non ay biglang pagkalabog ng malakas. At biglang tumahimik.

Pumunta si Kael malapit sa pintuan at unti unting binuksan ang pinto.

Nadatnan niya ang unti unti nitong pagluhod at pag iyak. Nang lilingon na sana ang babae ay agad siyang bumalik sa pinagtaguan at pagkatapos ay hinintay nitong lumabas ang babae.

At lumabas na nga.

Nakita niya ang babae. Maganda ito. Ngunit gunit gunit ang damit nito. Nakaramdam siya ng awa.

Hinding hindi niya malilimutan ang mukha nito.

Pinuntahan niya ang bahay na kung saan nanggaling ang babae.

Nagulat siya ng makita ang mga patay na lalaki na kumaldkad sa babae kanina.

Kung kanina ay nakaramdam siya ng awa, ngayon ay nakaramdam siya ng takot.

Dahil doon ay nagtatakbo siyang umuwi sa bahay na pinagdarausan ng reunion. Bumungad sa kaniya ang nag-aalalang mukha ng pamilya niya. Pati ng mga pinsan niya na nakauwi na pala.

Nagsisihan pa sila kung bakit sinali nila si Kael sa paglalaro dahil masyado pang bata ito. Nasa limang taong gulang pa lamang.

Kinakamusta siya ng magulang niya. Kung saan siya galing, kung bakit natagalan siya at kung ano ano pa pero nanatili siyang walang imik lamang hanggang sa pagdating nila sa bahay.

---
Matapos ang pagka alala nito sa nakaraan ay nanumbalik sa kaniya ang takot at ang pag aalala sa kuya niyang si Mavis.

Nagdasal nalang siya na sana makabalik pa ang kuya niya.

Kahit alam niyang imposible.

----

🔯DGV🔯

Vote and Comment

ShiniTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon